Chapter 9: There they go

3K 118 22
                                    

~~~~~JEN's POV~~~~~

Tumatakas kami pataas ng second floor ng Mansion. We decided to fight the enemy malayo kung saan nakatago ang secret chamber. Kung malaman man nila na wala na si Kara sa Mansion at least mahihirapan silang malaman kung paano siya nakatakas.

Kahit nasa taas kami maririnig mo parin ang putukan ng baril at mga sigaw ng kalaban. I know that we may not come out here alive pero we have to do our best. Hindi kami puwedeng matalo ngayon.

"Min'na, get ready. Mapapasabak tayo." ---->(everyone)

"Kara better treat us with a heavy meal after this." I can hear how's Nana's voice has a little bit annoyance on it. Pero kahit na ganoon ay pumuwesto parin siya para makipaglaban.

Tumawa naman si Sophea. And speaking of Sophea simula ng napunta sa correctional ang twin niyang si Enma, nahihilig siya sa dual character. Nagagaya tuloy siya kay Enma. Mas lalo tuloy akong naiinis dito kasi pakiramdam ko ay kahit mag isa siya parang kasama niya parin si Enma. Akalain mo bang nagpagawa ito ng replica doll ni Enma na lagi niyang hawak hawak super creepy tuloy.

"That is if. . . .you survive this, Nana hahahahahaha." She laughed hysterically.

Nakita niyo na, dual personality. Kailangan din atang marehab 'tong si Sophea.

Tinignan ni Nana ng masama si Sophea at nag smirk siya. "Sorry to say Fea (Sophea's nickname) but I don't intend to die here. . . . with you around. . . Never. . ."

Nagseryoso naman ang mukha ni Sophea. "If you won't die here. It would be a total shame. "

Sasagot pa sana si Nana ng pinatahimik sila ni Mia. "Tumigil nga kayong dalawa. Nasa kalagitnaan tayo ng. . . . ."

"MAGSIHANDA KAYO." hindi ko napatapos si Mia sa pagsasalita dahil nakarating na ang mga kalaban sa puwestong pinag aantayan namin sa kanila.

"God, let us live" usal ko sa Panginoong may kapal. Ayokong dito mawalan ng buhay lalo ng ayaw kong mamatay ng hindi maganda. . .haggard ako today.

Nag umpisa ang madugong labanan na sa umpisa ay kami ang nananalo pero habang tumatagal ang laban ay hindi sila nauubos mas dumarami pa nga sila. Kapag dumami pa ang kanilang grupo baka hindi na namin sila kayanin. Napapagod narin kami.

I saw Mia drifting far from the group. "MIA" sigaw ko sa kanya. Lalapitan ko sana siya pero ang dami talagang pumapanhik dito sa itaas at hindi sila maubos ubos.

"This is what I'm talking about." Pagod na pagod na patutchada ni Nana sa amin.

"SHUT UP." Sophea is getting annoyed. Which is not good ibig sabihin lang nito ay talagang nasa linya na ng katakot-takot na kamatayan ang mga buhay namin para mag cramming si Sophea.

Ugaling Enma kasi ito. Ang difference nga lang ay alam niyang ilugar kung saan dapat siya maging baliw. Hindi katulad ni Enma na kung saan saan gumagawa ng gulo. And speaking of Enma kung hindi lang kasi tatanga-tanga ang babaeng iyon ay mas mapapadali ang lahat sa amin. Hindi iyong nagpapawis kami ngayon habang siya ay andoon at nagre-relax sa correctional.

"MIA!" I continue shouting her name while palayo siya ng palayo sa amin dahil hindi siya tinitigilan. Amazing din naman kasi si Mia dahil talagang umabot pa siya sa veranda kung saan ay delikado.

"LAPITAN NIYO SI MIA." Utos ko sa dalawa kong kasama. Hindi ko puwedeng iwan ang kinatatayuan ko para tulungan si Mia sa laban niya.

"BUSY."

"I'M UNAVAILABLE RIGHT NOW, JEN."

"MIA!" Ulit ko ulit na tawag kay Mia. "ANO BAAAAA? ? ? ?"

"Don't worry about me. Protect the door. Huwag na kayong magpapasok pa ng mga kalaban."

My Girl Is A Mafia: The Unsolved PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon