Chapter 23 Girls vs. Boys

2.1K 76 18
                                    

~~~~~REID's POV~~~~~

Mahimbing ang tulog ko dahil sa sobrang pagod. Di ko nga namalayan na umaga na pala kung di lang ako nakakarinig ng mga hiyaw.

"Ano ba yun?" Kinukusot kusot ko pa ang mga mata ko para lang magising ng maayos.

'Bad trip naman! Ang aga aga di pa sila nag stay sa mga kuwarto nila para matulog. Kailangan pa nilang mang gising ng ibang taong natutulog. Nakakapagod kaya ang buong araw namin kahapon. Diba sila napagod? Kung sino mang nag iingay ngayon sana madapa ka.' Reklamo ko sa sarili ko.

Pagmulat ko ng mga mata ko ay mahimbing pa ang tulog nung tatlo. Pinag sisipa ko naman sila para magising.

'Palibhasa mga tulog mantika kaya kahit anong marinig dedma lang. Pero di puwede yun sa akin dapat patas lang kaming lahat. Kung gising ako dapat gising din sila.'

"Ano baaaaa?"

"Natutulog pa yung tao. Magpatulog ka ngaaaa."

"Gumising na kayo. Nag iingay na sila sa labas mamaya niyan sermonan nanaman tayo nila Kara at Mia kapag di pa tayo lumabas. Gising naaaaa." Paggising ko sa kanila habang pumapasok ng banyo para mag hilamos. "Uyyyyy! Gising naaaaa"

Wala naman silang nagawa kundi isa isang gumising.

"Pake alamero ka kasi. Ang aga aga nangdadamay."

"Sige! Ganyang attitude ipakita mo kina Kara at ng mag pag initan nanaman tayo." Sumbat ko kay Ash na sumisingit ngayon sa banyo para din mag hilamos.

Matapos naming mag hilamos at mag ayos ay lumabas kami ng bahay. Pumunta kami ng garden para makita sina Kara na nag e-ensayo.

"Yaaaaaahhhh"

"Aaaaaaaahhhhhh."

Kapag pinapanood ko sina Kara ay talagang nabibilib ako sa pag e-ensayo nila, masyado silang brutal kahit sa isa't isa. Wala sa amin ang nagsa-salita dahil pinanuod namin sila ng maayos habang sila ay nag e-ensayo.

Sina Kara at Mia ang nag lalaban. Sina Jen at Nana naman tapos sina Enma at Sophea din ang nag lalaban. Wala sa kanila ang nagpapatalo kahit mga armas nila ay hawak hawak nila ng mahigpit para di mahulog sa mga kamay nila.

Nakita kong muntik ng matumba si Jen ng biglang sinoportahan ni Kara ang likuran nito gamit ang kanyang sphere.

"Yaaaaaaaaaahhhh."

Unang bumagsak si Nana na pinataob ni Jen sa isang combo ng tapon kunai pagkatapos ay isinabay ang pag tutok ng kunai. Si Sophea ang sumunod na pinatumba ni Enma gamit ang mahabang patpat na pinagpapalo niya dito. Sina Kara at Mia nalang ang natitirang naglalaban.

"Sumuko ka na Mia. Ikaw nalang natitira." Bilin ni Kara dito.

"Ikaw kaya sumuko. Malay mo matalo ko yang dalawa mong kasama." Sagot din ni Mia sa kanya.

"Sa tingin mo magpapatalo ako sa'yo."

"Malay mo, this time matalo na kita."

"Patawa ka. Aaaaaaaaahhhh" sumugod si Kara sa kanya gamit ang sphere niya.

Umilag naman ng umilag si Mia hanggang sa wala na siyang mapuntahan. Na-corner na kasi siya ni Kara sa isang dingding.

Nung nalaman ni Mia ito ay sumugod siya heads on kay Kara.

"Yaaaaahhhh."

"Haaaaaahhhh."

Nag pagalingan silang dalawa hanggang sa matalo ni Kara si Mia.

Ng matapos ang laban nila ay pumalakpak ako sa ginawa nilang pag e-exercise. Ang galing talaga nila.

"Ang galing niyo talaga." Bilib kong pag amin sa kanila.

My Girl Is A Mafia: The Unsolved PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon