~~~~~JEN's POV~~~~~
"PAPAAAAAA" Kara's loud voice echoed through the whole freaking room. Kami naman ni Mia ay nagkatinginan na lang sa ginawa niyang pag eskandalo sa meeting ng mga Triad.
"Kara"
"Hime-chan."
"Ha--ha--ha--ha" awkward na tawa ni Kuya Caleb.
"MIAAAAA" Sigaw naman ni Tito Night sa anak niya ng makita niyang kasama kami ni Kara na pumasok ng room.
"Ako agad?" Pagmamaktol naman ni Mia sa ama.
Katulad namin ni Mia ay nag katinginan din sina Kuya Travis at Kuya Caleb. Yumuko pa ang una at napapailing nalang siya sa ginagawa ng bunso nilang kapatid. "Kara, may pinag uusapan kami. Mamaya ka na mag sumbong puwede ba." Pakiusap naman ni Kuya Caleb sa kanya.
"No!" Matigas na sagot ni Kara. "This can not wait."
"Kara, mamaya ka nalang mag tanong." Pakiusap ko naman sa kanya habang hinihila siya palabas ng room.
"Ayoko." Again, nag matigas siya. "Alam kong tatakbuhan nanaman nila tayo pagkatapos ng meeting na ito."
"Kara."
"I want some answers and I want it now." Ma awtoridad na pag papaalam ni Kara.
"Iha, we have a very important meeting that is happening now. We kinda have to address it before it gets out of hand."
Kara looked at the person who talked. "Tito Cloud, I'm sorry pero kailangan ko din kayong lahat makausap. I want answers from all of you because this concerns me and the other Himes" Marespeto niyang sagot sa Tito niya.
Si Tito Cloud ang pinaka close ni Kara sa lahat ng mga Members ng Triad. Siya din ang mostly ay pinapakinggan ni Kara kapag wala si Otoosan na nag papatigil sa mga gawain ni Kara. Maliban sa pinsan siya ng Papa niya ay siya din ang Papa ni Faith. Ang amang hanggang ngayon ay nangungulila sa anak na nawala.
"First, why don't you guys come in. Marami na kayong ina-attract na mga tao jan sa labas." Napilitan kaming papasukin ni Kuya Travis dahil marami nga namang mga tao na nag mamatyag sa kapaligiran ng bahay and when they heard the raucous they thought some one infiltrated the area of the Traditional House.
"Mauna ka." Tinulak ko si Kara at kami naman ni Mia ay nag tutulakang dalawa kung sino ang susunod kay Kara. Di naman nakayanan ni Kara ang kahihiyan na pinapakita ng mga guardians niya kaya hinawakan niya kaming dalawa ni Mia at hinila papalapit sa ibang mga Triad.
Kanang kamay ako ni Kara at mananatili ako sa tabe niya kahit anong mangyare pero ang pumasok sa loob at maipit sa bangayan ng magkakapatid na pinapanood pa, hindi lang ni Otoosan kundi ang buong Triad ay nakakaloka at nakakahiya. Hindi naman kasi pumili ng tamang moment si Kara para magalit, mag kaka-roon tuloy ng round 2 ang bangayan nilang magkakapatid. At sa totoo lang drain na ako sa araw na ito. At ang malala hindi pa natatapos ang araw ay marami ng nangyare, sunod-sunod pa ang mga ito. Di man lang mag karoon ng time out.
"Buwisit ka, Kara. Pahamak ka." Bulong na pang aaway ni Mia sa pinsan.
"Huwag kang manisi. Wala akong kasalanan." Bulong at pilit na nakangiting sagot ni Kara.
Sinenyasan ko naman si Mia na takbuhan ang pinsan at ng siya lang ang mapahamak mag-isa total ay siya rin lang naman ang may idea nito, sumunod lang kami. Nang maintindihan ni Mia ang gusto kong mangyare ay tumango ito sa akin.
"Pinapaalala ko sa'yo. Ikaw yung nag marcha papunta dito. Kaya panindigan mo ito mag isa." Akma sanang tatakbuhan namin ni Mia si Kara pero mabilis talaga ang reflex ng bruha hinigpitan niya ang kapit sa amin at talagang hindi kami pinakawalan.
BINABASA MO ANG
My Girl Is A Mafia: The Unsolved Past
Teen FictionLimang taon na ang nakakaraan. College na sina Kara at ang mga Guardians niya. Tahimik narin ang lahat! Maayos narin ang buhay nila kahit mayroong mga kaibigan na nalayo sa kanila. Ngunit may nagbabadyang gumulo ng katahimikang natatamo nila ngayon...