Chapter 22 Difference

2K 69 14
                                    

~~~~~JEN's POV~~~~~

Nililinis ko ang mga gamit kong karayum at dagger habang iniisip ang mga nangyare kanina. Nang may biglang may lumapit at umupo sa mga katabing upuan sa mesa kung saan ako ay nag papaka lonely.

"Anong kelangan niyo?" Tanong ko sa kanila na di sila tinitignan.

"May naisip ka na bang paraan para mapigilan natin si Kara sa balak niyo o a plan that can work?"

I sighed deeply sa tanong nila. Binaba ko ang nililinis kong punyal "Hindi ba't kayo ang mga Knights, trabaho niyo ang protektahan ang Hime, di ba? Ba't di kayo ang mag isip ng paraan para tulungan siya." Patay malisya kong sagot sa kanila pero ang totoo ay kanina pa ako nag iisip ng paraan pero wala akong maisip. Uli ay kinuha ko ang pinupunasan kong punyal.

"Jen naman." Pag mamaktol sa akin ni Ash.

"Kailangan ba lahat kami ang gumagawa para kay Kara."

"Hindi din ba kayo mag iisip?"

Ibinagsak ko ng malakas ang punyal na hawak ko at masamang tinignan ang apat. "Huwag niyo kong pagmaktulan dahil buong araw kayong walang silbi sa Hime." Pag pupuna ko sa ginawa nilang performance ngayong araw.

"Mga Knights kaya pero wala kayong ginawa kundi maging pabigat sa amin. Ano bang akala niyo sa ginagawa natin? Bumibisita sa mga kamag anak." Sarcastic kong tanong sa kanila.

"We are just being civil."

"F**k that civil." Pagmumura ko sa kanila. "Mga Knights kayo! trabaho niyong mag matyag at bantayan ang bawat kilos ng kaharap ng Hime. Mga potensiyal threat sa buhay niya. Hindi para maging pabigat sa kanya." Tuloy tuloy ang paninita ko sa kanila. "Ng muntik ng matamaan ng baston si Kara anong ginawa niyo? Nagulat lang kayo at maliban kay Reid ay wala man lang nakaisip na lapitan si Kara o ipagtanggol siya."

"Hindi namin alam na mangyayare iyon."

"Exactly!" Point out ko sa kanila. "That's why we keep on telling the four of you to always be alert at all times."

"I mean, Hindi ba itinuro sa inyo nila Kuya Travis at Kuya Caleb na dapat lagi kayong alerto sa possible things na puwedeng mangyare? I bet my right arm na sinabe nila iyon sa inyo ng paulit ulit ulit."

Kilala ko sila Kuya Travis at Kuya Caleb alam kong isa iyon sa rule na sasabihin nila sa pag protekta sa Hime. Pero as expected ay nabigo ang mga studyante nila para gawin iyon kanina.

"Nagulat kami, okay" sagot sa akin ni Reid.

I narrowed my eyes at them. "Lahat tayo ay nagulat sa ginawa niya but that is not enough excuse para pabayaan niyo ang taong dapat ay prino-protektahan niyo. You swore to the Allaude Family that you will protect the Princesses with your life but all of you keep on failing over and over and over."

"grabe ka naman." malungkot na sabe ni Reid.

"Bakit hindi ba totoo?" tanong ko sa kanila. "Paano niyo pa pro-protektahan ang Hime at ang ibang Prinsesa kung ang i-e-excuse niyo lagi ay dahil nagulat kayo o dahil hindi niyo alam." Paninita ko sa petty excuse nila.

"This is the reason why Kara never wanted you guys to become the Knights in the first place. Dahil hindi pa kayo handa." Masakit mang maliitin sila ay ginawa ko narin para matigil na ang pag tingala nila sa sarili nila.

"Sobra ka na Jen." Nakasimangot at alam kong nasaktan si Ash sa sinabe ko.

Uli ay bumontong hininga ako. "I am not discouraging you katulad ni Kara." Pag aalo ko sa masamang nasabe ko sa kanila. "Ang akin lang ay huwag kayong magmataas kung hindi niyo kakayanin ang lahat ng mga nangyayare. Just see the difference between me and the princess at sa inyo kanina. Your performance just prove na hindi pa kayo handa para protektahan kami but the way you act infront of us ay parang ang taas taas niyo sa amin. Hanggang kelan ba kayo mag e-stay jan sa pedestal na pinaglagyan niyo sa mga sarili niyo?"

My Girl Is A Mafia: The Unsolved PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon