~~~~~KARA's POV~~~~~
"Akala ko ba kasabay niyo silang umalis ng HQ. Ba't hindi pa sila nandito?" Nag aalala kong tanong sa mga kapatid ko na kanina pa nakarating dito sa bahay pero ang sasakyan na gamit nila Mia at Jen ay wala pa kaya nag aalala ako ng sobra.
"Will you calm down. They took the long route, anong ine-expect mo mauuna sila sa amin?"
Tumingin ako kay Kuya Caleb. Feel niya naman ay hindi ko alam ang mga daanan na puwedeng daanan papunta dito sa bahay ng panganay namin. Gala kaya akong tao, hello. "Kanina pa kayo nandito kahit na gamitin man nila ang pinakamahabang ruta papunta dito ay hindi sila matatagalan ng ganito."
"Kara." Magiliw na tawag ni Kuya Travis sa akin.
"Shut up." Masama ang loob ko kay Kuya Travis kaya kapag binabalak niyang mag salita ay inuunahan ko na siya.
"Huy!" Pagsita ni Kuya Caleb sa akin.
Tinignan ko rin si Kuya Caleb ng masama. "At ikaw don't think you could get away just because I'm talking to you."
Para naman siyang snail na tinago ang ulo. "Opo." Mahina niyang sagot sa akin.
Meron silang kasalanan sa aking dalawa na kating kati ko ng gustong malaman ang sagot sa mga tanong pero dahil alam narin naman nila Mia at Jen ang nangyayare mas gusto kong kasama sila kapag nag interrogate na ako. At ng may maka pigil sa akin para mapatay ang mga kapatid ko.
"Ayan na sila." Pag bibigay alam sa akin ni Nana.
Paglabas ko sa pintuan para makita sila ay nagulat ako sa kalagayan nila. "Why do you look like a trash? At ba't kayo naglalakad?" Tanong ko sa mga ito dahil nakita ko sina Mia at Jen na nangungunang naglalakad at sina Rouge at Reid naman ay nasa likod nila. Kita ko naman na si Ash ang nagmamaneho ng mabagal at sinusundan sin ang apat.
"Don't even start about it." Masama din ang timpla ni Jen ng malapitan ko siya.
"Jen, may mga sugat ka?" Tanong ni Nana dito ng makita siguro niya ang hawak hawak niyang balikat.
Nang marinig ni Mama ang sinabe ni Nana ay inararo niya kaming lahat na nasa harapan para makausad papalapit kay Jen. "Diyos ko, Anak, anong nangyare sa iyo? Wala tong sugat na to kanina. At pati 'to. At ba't may tama ka na ng baril?" Inisa isa ni Mama ang mga sugat ni Jen sa katawan na parang memorize niya kung anong lagay ni Jen kanina bago siya makabalik dito.
"Tita, natambangan po kami sa dinaanan namin kanina." Answered Mia sa mga interrogation ni Mama.
"Tara sa loob at ng magamot ko ang mga sugat mo." Yaya ni Mama kay Jen. Tumingin din si Mama kay Mia at katulad ng ginawa niya kay Jen ay chineck up nito ang buong katawan ng pinsan ko.
"Wala ka namang sugat diba, anak?" Nag aalalang tanong ni Mama kay Mia.
"Wala po. Mga maliliit na galos lang." Ngiting sagot ni Mia.
Matapos sabihin ni Mia iyon ay binalingan nanaman niya ng pansin si Jen at inalalayan nito ito papasok ng bahay. "Sumunod ka Mia at ng magamot ko din yang mga galos mo."
"Opo."
Umupo kaming lahat sa sala at inaantay na matapos ang pag gamot ni Mama kay Jen. Walang humpay pa itong tumalak ng tumalak patungkol sa safety at pangangalaga sa katawan.
"All done." Sagot ni Mama ng matapos niyang i-cover ang band aid sa kamay ni Jen. "Now, who wants to eat?" nakangiti pa nitong tanong sa amin matapos niyang ibalik ang mga tools niya sa kit na hawak niya.
Mama really can't read the tension inside the guest area palibhasa ay paano naman niya mararamdaman iyon kung nangunguna ang bunganga niya sa lahat mg bagay. "Mama!" Tawag ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Girl Is A Mafia: The Unsolved Past
Teen FictionLimang taon na ang nakakaraan. College na sina Kara at ang mga Guardians niya. Tahimik narin ang lahat! Maayos narin ang buhay nila kahit mayroong mga kaibigan na nalayo sa kanila. Ngunit may nagbabadyang gumulo ng katahimikang natatamo nila ngayon...