~~~~~REID's POV~~~~~
"Anong kalokohan ang sinasabe mo kanina, Reid? Bakit ba kailangan mo pang sabihin iyon?" Malakas na binalibag ni Rouge ang pintuan ng kuwarto namin.
"Tama na yan." Pagpapatigil ni Ash kay Rouge sa pag hahamon ata ng away sa akin.
Sa akin naman hindi ba siya pagod? Kapapasok palang namin ng bahay ay nag hahanap na siya agad ng away. Mag hapon kaya kaming naka-squat kanina. Pagod ako. Super.
"Hindi!" Pinandilatan niya si Ash na para bang isa siyang kaaway. "Huwag mo kong tatalikuran." Baling ni Rouge agad sa akin.
Ako naman, pilit ko siyang gustong huwag pansinin kasi kapag pinansin mo siya. Alam kong mag aaway lang kaming dalawa. Akala ko titigilan na niya ako pero hindi pala dahil pinuwersa ako ni Rouge na iharap sa mukha niya.
"Rouge." Seryosong tawag ni Ash sa pangalan niya ng alam na nito na talagang nananakit na siya. Masyado kasing nagiging mainitin ang ulo nito na kahit sa maliit na bagay ay nag iinit na ang ulo niya. Hindi ko alam kung bakit pero sadyang naging ganyan na siyang tao. Nagbago na ang kalmadong Rouge dati.
"Kung ayaw mong makarinig sa akin, puwede ba tantanan mo ko." Seryoso kong banat sa kanya.
"Ano bang kalokohan ang pinag sasabe mo kanina?" tanong niya ulit sa akin. "Bakit? Napapagod ka na ba o talagang sadyang nagpapatalo ka na kinila Kara?" Nagagalit na tanong nito sa akin.
Pinuwersa ko ding binawe ang braso ko kay Rouge. "Sadyang nagpapatalo?" Tanong ko sa kanya na napangiti pa sa kanila. "Bakit, Rouge? Kapag kinalaban mo ba si Kara o ni isa sa kanila, mananalo ka ba?"
Nakita kong nag flex ang buong ugat ni Rouge sa kanyang leeg nag papatunay na talagang nag titimpi siya ng galit sa akin. Pero hindi ako natinag sa kanya, okay lang na mag away kaming dalawa basta malabas ko lang ang nararamdaman ko. Hindi ko na kasi gusto ang nangyayare ngayon sa aming lahat. "Ano bang gusto mong patunayan, Rouge? Kayong dalawa ni Ace?"
"Reid, kalma lang." Paglapit sa akin ni Ash. Natatakot siguro ito na makapag abot kami kapag di kami tumigil ngayon.
"Ikaw ba? Ano bang pinapatunayan mo ngayon, Reid? Na isa kang talunan."
"Talunan? Sino sa atin? Yung tao bang hindi ma-accept na natalo sila o yung taong umaamin ng totoo na hindi niya kakayanin sina Kara? Sabihin mo sa akin sino sa atin ang talunan?" Matapos kong sabihin iyon ay dinakma ako ni Ace sa aking collar.
"Ace" pag tulong sa akin ni Ash na makawala sa pagkakahablot niya.
"Hindi ka ba talaga titigil?" Galit na tanong nito sa akin.
Ipinalo ko ang aking kamay sa pagitan ng kanyang braso para ihiwalay ito sa aking leeg at ng makawala ako ng tuluyan sa pagkakahawak niya. "BAKIT BA KASI HINDI NIYO AMINING DALAWA?" galit na bulyaw ko sa kanila. Punong puno na ako sa kanila. Maybe I'm the joker of this group pero talagang di ko na kaya ang mga pride ng dalawang ito, ang hirap ng lunukin. "ALAM NIYO NAMAN SA SARILI NIYO DIBA?"
"Guys! Puwede ba tama na yan." Pag papatigil sa amin ni Ash na naiipit ngayon sa aming tatlo.
"Sabihin niyo nga sa aking dalawa? Ano bang pinag lalaban niyo dito? Ano bang mahihita niyo kapag naging Knights tayo? Reputation? Greed? Honor?" Napanganga silang dalawa sa tanong ko kasi alam kong wala doon sa mga sinabe ko ang sagot na nasa isip nila.
"Reid, tama na, please." Pagsusumamo ni Ash sa akin habang tinitignan yung dalawang kaibigan naming nakatayo lang.
"Hindi!" Sagot ko kay Ash. "Bakit hindi natin ito pag usapan ngayon." Paliwanag ko kay Ash, kaya wala na siyang nagawa kundi maupo nalang sa isa sa kama at makinig nalang sa amin.
BINABASA MO ANG
My Girl Is A Mafia: The Unsolved Past
أدب المراهقينLimang taon na ang nakakaraan. College na sina Kara at ang mga Guardians niya. Tahimik narin ang lahat! Maayos narin ang buhay nila kahit mayroong mga kaibigan na nalayo sa kanila. Ngunit may nagbabadyang gumulo ng katahimikang natatamo nila ngayon...