~~~~~JEN's POV~~~~~
Naalimpungatan ako sa bigat ng katawan ko. Parang di ako makahinga parang may isang mabigat na bagay ang nakadagan sa buo kong katawan.
Dumilat ako at laking gulat ko ng makita ko kung sino ang nakadagan sa aking dibdib. Sina Enma at Phea, ang paa ni Enma ay nakadagan sa aking kalahating kamay habang nakaakap naman sa akin si Phea.
Mabilis kong tinanggal ang mga paa at katawan nung dalawa. "Ba't ba kasi napagitnaan ako nang dalawang ito? Ginawa tuloy akong unan." Inis kong kinausap ang sarili ko. Dito na kasi kami sa kuwarto ni Kara natulog at ng mabantayan siya ng maayos. Mahirap na baka gumising siya at si Gekikara parin siya. Baka maglayas pa at maghanap ng away sa labas. Doble problema pa iyon.
"Mia." Yugyug ko sa katabing upuan na malapit sa kama ni Kara. "Mia." Ulit ko uli ng hindi siya magising.
Bahagya naman siyang gumalaw ng kaunti kaya muli ko siyang niyugyog. "Mia, gising." Pilit kong pag gising dito.
Wala naman na siyang nagawa kundi maalimpungatan sa ginagawa kong pag yugyog sa kanya. "Gumising na ba si Kara?" Tanong ko agad sa kanya ng magising na ito. Siya kasi ang huling nag bantay dito bago ako natulog kaninang madaling araw.
"H-hindi pa."
I look at Kara with a worried face. "Hindi ka parin ba gigising?" Tanong ko kahit alam ko naman na di siya sasagot. Pinabayaan ko nalang siya at pumasok ako sa banyo para mag hilamos.
Paglabas ko ng banyo ay nilapitan ko uli si Mia. "I'll make breakfast." I told Mia before saying na matulog na uli siya.
Bumababa ako sa sala kung saan naabutan ko si Rouge at Ace na nasa sofa at mahimbing na natutulog. Dahan dahan akong pumasok sa kitchen at ng hindi ko sila magising. Outside kulambo ata sila sa room nila Ash at Reid kaya dito na natulog ang mga ito.
Nag hanap ako sa ref kung anong magandang i-luto sa umagang iyon pero pati kitchen namin ay kakaunti na pala ang supply. Hinalungkat ko ang lahat ng puwede ko makuha.
"This will do." Pakikipag usap ko sa sarili ko ng mailabas ko na lahat ng mga kailangan kong iluto para sa umagang iyon.
"Ay MULTOO." Napatakip kong hawak sa bibig ko. Kadahilanan para ma hulog ko ang mga itlog na huli kong nilalabas para maging main ingredient ko. Nabasag tuloy sila dahil sa gulat ko.
"Talagang Multo?" Tanong niya sa akin.
"Diyos mio, papatayin mo ba ako sa takot. Animal ka." Galit kong sita sa kanya ng makabawe ako ng kaba ko.
"Naks, the great Jen that never lose to a battle will only die because she's a scaredy cat." Pang aasar niyang sarcastic sa akin.
"Puwede ba Ace. Ang aga-aga, ayokong makipag sarkastikohan sa'yo." Sita ko sa kanya habang kumukuha ako ng basahan para linisan ang mga basag na itlog. "Kung may kailangan ka kunin mo na at iwan mo nalang ako. Puwede?"
Wala naman siyang imik at nakatayo lang siya doon na nag sasalin ng tubig sa isang baso. 'Di man lang ako tulungan. Tskkkk. Typical Ace laging walang paki sa lahat ng bagay'
Tinapos ko nalang ang paglilinis sa mga nabasag na itlog at muling binalik ang mga ingredients na dapat ay lulutuin ko sa ref.
"Narinig kong nag uusap kayo nila Reid kagabe." Out of the blue ay sambit niya sa akin. Hindi man lang tumingin sa kinakausap.
Natigilan naman ako sa ginagawa kong paglilinis. Nasa isip ko na narinig pala niya ang usapan namin kagabe. San kaya niya narinig?
"And?" Simple ko lang na sagot sa kanya.
"They're planning to go back to the Philippines?" Alam ko na kahit na parang walang pake alam ang tono ni Ace ay nag aalala ito sa mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
My Girl Is A Mafia: The Unsolved Past
Teen FictionLimang taon na ang nakakaraan. College na sina Kara at ang mga Guardians niya. Tahimik narin ang lahat! Maayos narin ang buhay nila kahit mayroong mga kaibigan na nalayo sa kanila. Ngunit may nagbabadyang gumulo ng katahimikang natatamo nila ngayon...