~~~~~JEN's POV~~~~~
Mag hapon kaming naglibot libot para mangalap ng mga sagot sa mga una naming napuntahan. Gabi na nga kami nakauwi pero hanggang ngayon ay hindi parin gising si Kara.
"Tend to her wounds." Utos ko kina Enma para palitan ang dressing ng sugat ni Kara.
"Di parin siya gising?" Nag aalala na si Mia sa kanyang pinsan.
"Hindi pa."
"Should I call Kuya Travis?" Tanong ni Nana.
"Gusto mo bang lumipad yun papunta dito?" Sagot ko naman sa suggestion niya. "Tayo ang andito kaya tayo din ang dapat mamobrema. Huwag na natin idamay yung mga wala dito."
"For now! Let's wait for her recovery. Sabe naman ng Doctor ay hayaan nalang muna natin siyang magpahinga. Besides, early morning ay dadaan naman siya para i-check uli si Kara." Pag handle ko sa situation.
"Jen." May mahinang tumawag sa pangalan ko sa harap ng pintuan ni Kara. "Puwede ba tayong mag usap?" Tanong niya ng nakuha na niya ang attention ko.
Tumingin ako kina Mia na tumango lang bilang senyales na pinapayagan niya ko. Lumapit naman ako sa kanya. Marahan ko pang clinose ang door.
"Bakit?" Tanong ko agad kay Reid na tumawag sa akin.
"May sasabihin sana kami ni Ash." Malungkot ang mukha nila Reid at Ash ng masuri ko ang kanilang facial expression kaya na-curious ako sa sasabihin nila.
"Ano yun?"
"Kasi. . ."
"Kasi? ?"
"Ahhmm. . ." Inintay ko ang sasabihin nilang dalawa kasi sadya atang nahihirapan silang mag salita. "Balak na sana naming umuwi ng Pilipinas pagkatapos nito."
I was shock at what they said. Hindi ko ine-expect na sasabihin iyon ni Reid. "Why?" Yun lang ang natanong ko sa kanila.
"Kasi" pakamot niyang tanong habang nagbibigay ng awkward laugh.
"Kasi?"
"Tama naman yung sinabe mo eh. Tungkol sa amin." Seryoso niyang tingin sa akin. "Alam niyo naman na matagal ko ng alam iyon eh. Recently lang itong si Ash." Nagawa pa talaga niyang magsiksik ng joke.
"Reid." Saway ko sa kanya.
Muli ay nag seryoso ang tingin ni Reid sa akin. "Nang umalis kayo at iniwan niyo kami. Humiling sa akin si Kara na protektahan ko ang iba habang wala pa kayo. Ngayon na nandito na kayo. Siguro naman na-fulfill ko na ang pangakong iyon."
"Reid."
"Hindi ko na sila maintindihan, Jen. Kahit anong pilit kong intindihin ang pinanggagalingan nilang dalawa. Ang hirap parin." Ang tinutukoy niya ay sina Ace at Rouge. "Hindi naman sila ganoong tao, eh."
Lumungkot ang mukha ko at napatingin sa floor. "Maybe, it's because of us. Kaya sila nagkakaganyan."
Napailing naman siya agad. "Hindi na dahil sa inyo ito. Hindi na dahil sa pag iwan niyo ang dahilan kung bakit nag kakaganyan silang dalawa."
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko kay Ash na sumingit sa usapan.
"Nalamon na ata ng kapangyarihan yung dalawa."
Umiling naman ako. Alam ko na kahit nagbago yung dalawa ay hindi sila yung tipong magpapalamon sa kapangyarihan na dala ng Mafia. "I don't think iyon, yon eh."
"They always wanted to beat you and Kara. And in order to do so, they have to be strong."
"Bakit ba adik na adik silang talunin kami?" Confused kong tanong sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Girl Is A Mafia: The Unsolved Past
Teen FictionLimang taon na ang nakakaraan. College na sina Kara at ang mga Guardians niya. Tahimik narin ang lahat! Maayos narin ang buhay nila kahit mayroong mga kaibigan na nalayo sa kanila. Ngunit may nagbabadyang gumulo ng katahimikang natatamo nila ngayon...