Chapter 29 Maybe This Time

1.7K 62 12
                                    

~~~~~JEN's POV~~~~~

"Gising na ba si Kara?" Tanong ko kay Mia.

Di naman siya sumagot at tinitigan lang niya ako na para bang nagtataka.

"May na-miss ba ako sa di paggising ko kanina?" Nag tataka niyang tanong sa akin.

I just smiled and shook my head. "Tara na." Usal ko nalang dito at hinikayat na siyang pumasok. Tutol man ay sumunod nalang siya.

"Hindi nga? What the hell is that?" Confused paring tanong niya sa akin.

"Tara na. Baka gising na si Kara, magtaka pa yun na di tayo makita."

"San ba kayo nanggaling?"

Parehas kaming tumingin ni Mia sa babaeng nasa taas at nakatunghay lang sa amin. "Tignan mo." Turo ko kay Mia. "Speaking of the devil, the devil will appear."

"Stop it." Masamang tingin sa amin ni Kara. "Hindi maganda ang mood ko."

"Bumaba ka na diyan. Kakain na tayo." Aya ko nalang sa kanya.

"Ano bang binili niyong ulam?" Tanong niya sa amin habang bumababa.

"Okay ka na ba?" Tanong ni Mia sa kanya na inantay pa siyang bumaba. "How's your wound?"

"I'm good."

Natuwa ako na talagang nag balik na ang samahan ng mag pinsan. Siguro dahil tumatanda narin kami kaya hindi narin gaano kadalas ang pagtatalo nilang dalawa. Hindi katulad noon na umaga, hapon at gabi ay nag babangayan sila.

"Tinitingin tingin mo?" Nakadilat na sabay nilang tanong sa akin.

Ngumiti nalang ako sa kanila at nag tanong kay Kara. "Are you sure you are okay??"

Hinawakan niya ang noo niya. "I think so. . ."

Hinawakan ko rin ang noo niya. Ganoon palagi si Kara kapag nawawala siya sa katinuan kapag gumising na siya ay parang na hang over na hindi mo maintindihan. Masakit ang ulo niya pati na ang buo niyang katawan. "May kinuha akong soup. Lantakan mo muna yun bago ka uli mahiga. Kailangan mong magpahinga at uminom ng gamot. The doctor says even if the wound is not deep it can still lead to infection."

"I'm fine." sagot nito sa akin. "Marami pa tayong gagawin. Kailangan pa nating kausapin ang mga ibang Famiglia. This is our last day here. We can't afford to fail."

Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang balikat niya. "You don't have to worry. We've asked help to Akaia kahapon. Tinulungan niya kaming makumbinsi ang mga Famiglia na nasa checklist natin. Ilang Family nalang at matatapos na namin silang kausapin today."

"Ba't niyo pa inistorbo yung tao. May problema din yun na inaayos ngayon." pananalita ni Kara na lumapit sa dinning table.

"We know but this is their territory. Aside from us they are more capable of asking anyone for help. Their credibility is as solid as ours when it comes to loyalty." inexplain naman ni Mia kay Kara ang logic ng paghingi namin ng tulong kay Akaia.

"How many more do we have in our list?" tanong niya sa amin.

"Huwag na Kara. Kailangan mong ipahinga ang katawan mo, lalo na at may sugat ka. Kami nang bahala nila Mia." pag puna ko dito.

"Pero. . ."

"Dito ka nalang Kara. Ako ng sasama kinila Jen." Isang boses ng lalaki ang sumingit sa usapan namin. "Magpahinga ka nalang."

Sabay sabay kaming napatingin sa direction ng lalaking nagsalita na nakatayo lang sa likuran namin.

Si Ace ang nagsalita. Bigla kong tinignan ang magiging reaction ni Kara sa sinabe ni Ace. Blangko lang ang expression niya. Umabot iyon ng titigan, isang blangko at walang emotion ang ibinibigay ni Kara kay Ace. Pagkatapos ay nag lakad nalang palayo si Kara ng walang sinasabe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Girl Is A Mafia: The Unsolved PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon