Chapter 20: Welcome to China

2K 70 10
                                    

~~~~~JEN's POV~~~~~

Lumanding kami sa Guang Zhou Airport ng madaling araw. Hindi pa kami nakakalabas ng eroplano that I can see na may mga nag aabang na sa aming paglabas.

"Ang bilis ah." Hindi na ko nagulat sa pagsulpot nila. Pero hindi man lang ba sila mag pa-paheads up sa amin. Ang daya lang kasi.

"So much in being pre-cautious." Naiiritang sagot ni Mia na nang iinis pa ang tingin kay Kara.

Napa hinga nalang ng malalim si Kara at tinignan ng masama si Mia. "Alisin mo yang tingin na yan sa akin kung ayaw mong dukutin ko yang mga mata mo." Babala niya dito.

"What look?" Tanong pa niya sa kanya.

Akma namang itinaas ni Kara ang kamay niya ng pinigilan ko siya. Masyado kasing tense ang nangyayare at ito ang una naming mission na sobrang bigat ang consequence kung hindi kami magtatagumpay kaya masyado silang nasa clutch time ngayon.

"Hindi tayo ang mag kakaaway dito. Kaya mag tigil kayong dalawa." Pagpapaalala ko sa kanila.

"Ace." Tawag ni Kara kay Ace na nasa harapan namin. Tawag iyon na nangangahulugang humanda sila dahil mapapasabak kami.

Lumingon siya sa amin at nag tanong. "Bakit?"

"Makinig kayo." Pag bibigay attention ni Kara sa amin. "Kunin niyo ang mahahalagang gamit natin, iwan niyo ang di kailangan." Utos niya sa amin.

"Paano yung mga bagahe natin?" Tanong ni Ash.

"Hindi ka ba nakikinig. Sabing iwan mo eh." Sagot ni Mia sa kanya.

"Mahalaga naman ang mga laman noon."

Tumingin si Mia at nilapitan si Ash. "Ang mahahalagang gamit na puwede nating kunin ay ito." Pinakita niya ang sarili niyang passport. "Eto" isinunod niya ang kanyang wallet na may kargang pera at sari saring mga cards. "Pera at passport iyon lang ang importanteng kailangan mong kunin. Naiintindihan mo?" Nabubuwesit pa niyang ipinamukha kay Ash ang lahat.

Tatalikod na sana si Mia ng may mahalata akong may naalala siya kaya hinarap uli niya si Ash. "Nakalimutan ko yung importanteng baggage."

"Meron pang importanteng baggage?" Nalilitong tanong ni Ash sa kanya kahit kita naman na nairita siya kay Mia.

Tinuro niya si Kara na nakatalikod sa kanilang dalawa. "Sa dalawang sinabe ko kanina ayos lang na iwan mo, pati sarili mo puwede mong iwan pero huwag na huwag mong kakalimutang iwan at protektahan ang dalawang iyon." Itinuro niya si Kara at si Ate Zee na walang kaalam alam na pinag uusapan na sila ni Mia. "Kung ayaw mong mamatay sa kamay ni Kuya Travis at Kuya Caleb. Huwag mong aalisin ang mga mata mo sa kanila." Nangaasar pang pahabol ni Mia kay Ash. "Kaya mag ingat ka! Baka mawala mo sila." Pananakot pa nito bago niya ito talikuran.

Nilapitan ko si Mia na nangingiti sa ginawa niyang pang bu-buwisit kay Ash. "Pati sarili puwedeng iwan. Ano yun?" Tanong ko sa kanya.

"Hayaan mo sila. Mawala sana sila dito para hindi na natin makita mga pag mumukha nila." Buwisit na singit sa amin ni Nana.

Minasama ko naman ang pag sabe niya ng ganoon. Kaya nasumbatan ko siya ng kaonte. "From here onwards ay kailangan nating mag kaisa. Right now, wala tayong maasahang back up. Kaya huwag kang mag salita ng ganyan Nana baka isang araw sila ang sumagip sayo."

"As if." Maldita niyang sagot sa akin pagkatapos ay lumayo na siya sa amin ni Mia.

Hinarap ko naman si Mia. "Alam mo! Balang araw yang ugali ni Nana ang magpapahamak sa kanya." I warned Mia sa ugaling pinapakita niya sa aming mga kaibigan niya.

My Girl Is A Mafia: The Unsolved PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon