~~~~~KARA's POV~~~~~
"Kelan ka pa bumalik?' Matapos ang pag hingi ng tawad ni Reid sa amin ay binalingan ko na rin si Enma na ngiting ngiti na nakatitig sa akin.
"Chōdo ima, Hime-chan"----->(Just now)
"Paano ka nakalabas ng correctional?" Nag tataka kong tanong. Tatlong linggo palang naman kasi siyang nag stay doon eh ang pag kakaalam ko ay matagal tagal pa ang pag kaka release niya.
"Karera wa sudeni watashi o kaihō shita" Sabay ngiti sa akin. "They can't handle me no more" ----->(They just released me)
"Enma." Hindi ko makapaniwalang tawag sa kanya.
Tumawa siya sa reaction ko. "jōdan, jōdan desu, jōdan" natawa niyang pag aalam sa akin. ----->(Joke, just a joke, joke)
"Honto?" Natutuwa kong tanong na natapos niya ng maaga ang kanyang training. ----->(really?)
"Honto" ----->(Really)
"Bakit hindi nalang tayo sa loob mag usap? Para makita ka din nila Mama." Aya ko na pumasok na sa loob ng bahay dahil humahamog na dito sa likod.
Masaya kaming pumasok ng bahay. Pero sabi nga nila ay ang kasayahang nararamdaman mo ay may jinx. Saktong papasok kami sa waiting area ng bahay ay nakita agad namin yung tatlo minus si Reid na kasama namin ngayon.
"Tignan mo nga naman." Naiinis kong panimula ng may biglang tumapik sa bunganga ko.
Tinignan ko kung sino ang gumawa noon at nakita ko si Reid na nag aalala ang mukha. Nilagay pa niya ang hintuturo niya sa kanyang labi na ang ibig sabihin ay huwag akong mag ingay.
"Huwag muna Kara. Kalalabas lang ng bilangguan ng kaibigan niyo." Baling niya sa akin na nakatingin kay Enma. "Pag nalaman niyang nag aaway parin tayo baka saksakin ako niyan."
Tumingin ako ng masama sa kanya at tinanggal ang kanyang kamay sa aking bunganga. "Unang una sa lahat, hindi sa bilangguan nanggaling ang kaibigan ko kundi sa Detention Center. Pangalawa pag sinaksak ka man niya wala kaming kasalanan." Tatalikuran ko na sana siya ng bigla niya kaming hinila kasama ang iba. Sa ginawa niyang iyon ay napatingin sina Mia, Nana at Sophea na nasa unahan namin.
Pinunta kami ni Reid sa isang sulok habang di pa kami nakikita nung tatlong nag kwe-kwentuhan sa loob.
"Ano ka ba?" Pagpalo ko sa kanya ng binitawan niya kami ni Jen at Enma.
"Sorry" hingi niya ng tawad sa akin.
"Ano bang problema mo?" Tanong ni Jen sa akin.
"Gusto ko lang na patigilin kayo sa pakikipag away uli sa kanila. Mamaya niyan mag sabugan nanaman kayo ng mga salita."
Huminga ako ng malalim at tinignan siya. "Hindi ako ang nag uumpisa ng away kundi yang mga kaibigan mo."
"Weeeeeehhhhhh"
"Gusto mong masapok?" Babala ko sa kanya.
"Kara, intindihin mo nalang sila." Tinignan ko siya ng masama. 'Dapat ba kailangan ako ang umintindi talaga sa kanila?'
Siguro ay na-gets niya ang nasa isip ko. "Mag intindihan nalang kayong lahat. Puwede ba?" Request niya sa akin.
"Ang hirap spellengin ng mga kaibigan mo."
"Ikaw din naman." Cute niyang pang iinis sa akin.
"Huwag" pag papatigil ko sa kanya. "Hindi pa kita pinapatawad kaya huwag kang banat ng banat at ng baka mabanatan kita sa panga."
"Ang violent" takot niyang sagot sa akin.
Huminga nalang ako ng malalim at inirapan siya bago nilakad ang mahabang hall na nag co-connect sa ikalawang bahay ni Kuya Travis.
BINABASA MO ANG
My Girl Is A Mafia: The Unsolved Past
Teen FictionLimang taon na ang nakakaraan. College na sina Kara at ang mga Guardians niya. Tahimik narin ang lahat! Maayos narin ang buhay nila kahit mayroong mga kaibigan na nalayo sa kanila. Ngunit may nagbabadyang gumulo ng katahimikang natatamo nila ngayon...