Kabanata 4

649 1 2
                                    

Kabanata 4

Sunset

DIE, ICE, DIE!!! Iyon ang nasa isipan niya habang nasa first date siya ng kaibigan nitong businessman. Okay naman sana ang napili nito kundi lang isang Johnny Bravo ang kadate niya. Sa nakalipas na tatlumpong minuto na pag-uusap nila ng kaharap ay kahit isang salita ay wala pa siyang nabibigkas.

"Tahimik ka dyan. Wala ka man lang ba sasabihin?" Nakataas ang kilay na sabi ng kaharap nya. Nasa mukha nito ang di matagong pagkadisgusto.

Binitawan niya ang kanina pa pinapaikot na kubyertos sa kamay at handa na sana siyang magsalita kung hindi lang bumirada ulit ang kambal ni Johnny Bravo minus the abs.

"I usually don't date girls na walang thrill sa life. Alam mo na? Yung hindi kaya makipagsabayan sa topic? I find them boring.. and dumb?"

Tuluyan nang tumaas nang bonggang bongga ang mga kilay niya. This chauvinist monkey finds her boring and dumb?! Galit siyang tumayo sa lamesa at tinapon sa harap ng lalaki ang table napkin.

"Well excuse me Mr. Businessman na mas mataas pa sa Eiffel tower ang kumpiyansa sa sarili! If you haven't noticed I almost drooled in the carpet by pretending to listen in your damn blah blahs about yourself!"

"O nagsasalita ka din naman pala eh."

"Yes nagsasalita ako but I don't waste my time talking to guys like you! Im leaving!!" 

Hindi na niya hinintay pa na magsalita ang kadate niya at sa gitna pa mismo ng restaurant siya umexit. Nakakainis! She wasted her time sa lalaking iyon when she can just lie in bed at home and watch some really good movies. Nang makalabas siya ay mabilis niyang dinial ang number ni Ice at sa ikalawang ring ay sumagot ito.

"So.. are you gonna thank me for giving you Johnny?" Iyon agad ang bungad sa kanya nito.

"Ulol ka ba? Are you really trying to sabotage my life? At Johnny talaga ang pangalan ng mokong na yun?!" 

"Hep hep hep. Teka bakit ba highblood ka dyan? Did he do wrong to you??" Biglang umiba ang tono ni Ice.

"Mabuti na lang hindi. My gooossshhh I almost slept in that date! Asan ka ba? Can you pick me up?"

"Okay. I'll be there."

Limang minuto lang ata ang lumipas nang matanaw niya ang itim na Jaguar ni Ice. Hindi na niya hinintay na pagbuksan pa siya ng pinto nito at mabilis siyang pumasok ng kotse. Pagkaupo niya ay agad niyang pinagbabato ng dalang handbag si Ice.

"Ang lakas mo din mangtrip no! Ipapadate mo ako sa taong kulang na lang ihain ang buong biodata sa akin! Baliw ka ba ha?" Nanggagagalaiti niyang sabi.

Panay naman ang iwas ni Ice sa mga pukpok niya. "Hey hey ayan ka na naman. You always take it against me. Aray.. aray hey sapol ang gwapong mukha ko dun ha." Nahagip nga niya sa mukha si Ice.

"Gwapo your face, tse!" Pinigilan niyang tumawa at humalukipkip. "Hindi ko akalain I lasted a whole hour of listening to that chauvinist.  Halos memorize ko na nga ang buhay ng Johnny na yun. And he even have the guts to say that I'm boring? And dumb!"

"Sinabi nya yun?" Mabilis na humarap sa kanya si Ice.

"Tse!"

"Hindi nga.. did he say that?" He frowned.

"Well.. not directly pero he said that he finds silent girls that way." Nakita niyang saglit na nawala ang simangot ni Ice. "Duh! As if I care about his opinion at all."

"Tama. Hayaan mo na. Sorry for the not so good first date, Happy." 

"Uh.." Sandali siyang nawalan ng sasabihin sa paghingi ng paumanhin ni Ice.

My Heart Is On Bet!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon