Kabanata 22

133 1 2
                                    

Kabanata 22

Tension

Halos araw-araw ang natatanggap niyang flowers mula kay Niko. Hindi naman niya makumpira kung yun ba ang Niko na nakilala niya sa Sagada o iba. Hanggang sa dumating ang Linggo para sa date nila ni Ice.

Excited siya para sa araw na iyon. Naging bisita niya si Mia at maging ito ay kinikilig din sa mangyayari. Yan tuloy mas dumoble ang excitement niya.

"Lugay o pusod?" Tiningnan niya ang repleksyon sa salamin. Pinagiisipan nila ang gagawin sa buhok niya.

"Ilugay mo na lang. Tapos lagyan natin ng konting waves sa dulo."

Hinayaan niyang paglaruan ni Mia ang buhok niya habang panay ang tingin niya sa orasan.

"Alam mo kung ako ang orasan, matutunaw na ako sa mga tingin mo."

"Kinakabahan kasi ako. Tinext niya ako kanina. Magbihis daw ako ng medyo formal. Hindi ko naman alam kung bakit."

"Hmmmnn maybe may surprise?"

Napasimangot siya. "Kung magpropropose siya para maging boyfriend ko, aba kahit nakapajama ako, sasagutin ko agad siya!"

Sabay silang nagtawanan ni Mia. Ilang sandali pa ay all set na siya. Namilog pa nga ang mata ng daddy niya pagkakita sa kanya.

"Ito ba ay isang date lang talaga?" Nakataas ang kilay na tanong nito.

"Daddy naman. Syempre naman po. Bakit, pagbabawalan mo pa ba ako hanggang ngayon?"

"Aba eh pinagtutulakan na nga kita, di ba? Tsaka kampante naman ako na si Ice ang kasama mo. You look breathtaking, anak."

"Thank you, dad."

Napatingin siya sa labas ng bahay nila nang may umilaw na headlights ng isang paparating na sasakyan.

"Your prince is heeeeerree!" Mahinang tukso sa kanya ni Mia.

Ilang sandali pa ay may kumatok na mula sa labas ng pintuan nila. Nahigit niya ang hininga niya nang niluwa ng pintuan nila si Ice. He was so freakin handsome!! Naka-navy blue na dapper suit and tie ito at napansin niyang nagpagupit din ito ng buhok. In short, he is so hot!

Hindi din nakaligtas sa paningin niya ang naging reaksyon nito nang makita siya. Napatulala ito saglit at napanganga. Kung hindi lang ito akbayan ng daddy niya ay hindi ito nahimasmasan.

"Saan mo ba dadalhin itong prinsesa ko at pareho pa kayong nakabihis, Ice?"

"Ah.."

Gusto niyang matuwa nang walang masabi si Ice. He was still looking at her as if he haven't seen her before. Mukhang naging effective ang pagpapaganda nila ni Mia. For once, the playboy is speechless!

"O di bale, mag-enjoy na lang kayo tonight and make sure na iuuwi mo ang anak ko right before New year. Gusto ko ay nandito kayo pareho sa pagpalit ng taon." Pinagtulakan na sila ng daddy niya. "O sya, lakad na kayo."

Nang marating nila ang sasakyan ni Ice ay pinagbuksan siya ng pinto nito. Nang maupo ito sa driver's seat ay hindi muna nito pinaandar ang kotse. Naiiling-iling pa ito na parang wala sa sarili.

"Aren't we going yet?"

"Why..," lumingon ito sa kanya. "are you so beautiful?"

Napalunok siya when he saw the glint in Ice's face. Parang biglang tumaba ang puso niya.

"Ang sabi mo magdamit ako ng formal. Di naman pwede na ang pangit ko sa damit na ito."

"You did a very good job. Now I just have to find ways to keep off some prying eyes on you tonight." Anito at pinaandar na ang kotse.

My Heart Is On Bet!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon