Kabanata 7

542 2 3
                                    

Kabanata 7

Stupid

Mabilis na dumaan ang ilang araw at napagplanuhan na ang mga detalye sa kasal nina Ken at Mia. Ang gusto kasi ng mga ito ay sa Enero na sila ikasal para sakto daw sa pagbukas ng panibagong taon. Kaya naman nagextend naman ulit siya ng dalawa pang linggo na bakasyon. Okay lang naman iyon sa kanya dahil sya naman ang boss ng negosyo niya. Isa lang na bagay siguro ang kinaiiwasan niya--ang palagiang makita si Ice sa bahay nila. Kung hindi kasi araw-arawin ng binata ang pagpunta sa kanila ay doon pa mismo ito naghahapunan. Daig pa nito si Mia na may kaunting hiya sa katawan. ^_________^

"Happy samahan mo naman ako sa mall. Puntahan natin yung shop ng wedding coordinator namin." Sa paglipas ng araw ay naging close na din sila ni Mia. Naisip niya exact opposite ni Ice ang half sister nito. Napakademure ni Mia at saksakan ng pagkamahiyain. Ultimo makikiraan lang sa harap niya ay nakatungo pa ito.

"Oo ba! Sige sandali bihis lang ako."

"Salamat sa pagsama ha? Nasa trabaho din kasi si Ken at hindi ko masabihan na samahan ako.Si Kuya naman, ayun. Biglang nabusy sila ni Filo. Masyadong excited sa pagpunta nila sa Sagada para bukas." Nasa byahe na sila noon ni Mia.

"Excited kamo?" Hmmnn.. Hindi kaya dahil sa Tiffany na yun?

"Oo, magdamag kaya nun nilinis ang camera niya at bumili pa ng bagong tripod. Sabi niya important client ang pupuntahan niya doon."

"Hmp. Paimpress talaga ang lalaking iyon." Naiinis na bulong niya. Malamang hindi na makapaghintay ang Ice na yun na makita ang Tiffany na kausap nito noong isang araw. Nakakakainis! Hindi pa rin nagbabago ang playboy na yun. Mariin na tinapakan niya ang selinyador ng sasakyan. Dahil doon ay naging fifteen minutes ang dapat ay twenty five minutes na byahe papuntang mall.

"Grabe ang bilis nun ha. Tamang-tama, late na din ako sa appointment ko. Thank you, Happy."

"Yeah sure" Haaaayyy hindi niya alam kung ano nangyayari sa kanya. Nagseselos sya na ewan. At nagagalit din siya na ewan. Nalilito na siya sa nararamdaman niya. Nakakatakot na muling bumalik ang dating nararamdaman niya para kay Ice.

Natapos ang appointment ni Mia sa wedding coordinator nito nang magpasya silang magmeryenda sa isang Japanese restaurant. Bagamat gustong gusto niya ang mga Japanese meal ay parang wala pa rin siyang gana. Naroong tinusok tusok niya lang ang mga sushi at sashimi gamit ang hawak na chopsticks.

"Ayaw mo ng food?"

"Ah nauumay lang ako sa dami ng raw salmon na nakain ko."

"Sus. Kung ayaw mo akin na lang o?" Dumukwang si Mia sa plato niya para kunin ang pagkain nya.

"Hey hey adik ka ba? Para kang si Ice ah!" Natatawang nilayo niya ang pagkain niya dito.

"Gotcha! O di lumabas din ang dahilan ng pagkakaganyan mo."

"Huh?"

"Miss mo na si Kuya no?" Ngiting aso na tanong ni Mia. "Sabi ko na nga ba tama ang kutob ko. May gusto ka sa kapatid ko."

"Tanong ba yan o you're just fishing?"

"Confirmation, Hahahaha."

"At sino naman nagsabi sayo na may gusto ako doon sa kapatid mo?"

"Siya mismo!"

"WHAAAAT!!?" Nailuwa niya ang kinakain na sashimi. "Pakiulit nga. Sino nagsabi?"

"Hmmn. si kuya mismo. Katuwaan lang namin yun. Noong nasa States kasi kami eh kinukwento niya sa akin ang tungkol sa pamilya ninyo. At sympre he was telling me about Ken as well, na yun daw ang pinakadeadly niyang kaibigan. Tahimik daw pero matinik sa chicks. Alam mo na? Yung mga sabi-sabi ng older brother sa mga manliligaw ng little sis niya."

My Heart Is On Bet!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon