Kabanata 28

143 2 3
                                    

Kabanata 28

Walk away

"Magsisimula na ang rehearsal, wala pa rin yung bestman?!" Matinis na sabi ng baklang coordinator sa kasal nina Mia at Kenneth. Halos malula na siya sa pabalik- balik na lakad nito habang tumitingin sa orasan. "Hayy nasasayang ang oras ko. Mahal pa naman ako magcharge!"

Napangiwi silang dalawa pareho ni Mia na nakaupo sa isang tabi. Katabi ni Mia ang kuya niya na parang wala din lang pakialam. Ayun at naghaharutan pa ang dalawa.

"Saan nyo ba nakuha ang coordinator na yan? Ang sakit sa tenga ng boses." Reklamo nya.

Natawa si Kenneth sa sinabi niya, "Would you believe na yan ding coordinator na yan ang mismong nagplano ng kasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo?"

Napatingin siya sa coordinator na nagpakilalang si Gabby at ngumiwi pa lalo. "Talaga? Shucks. I would never want to be in his bad side. Nakakatakot!"

"In speaking of that, nasaan na ba kasi si kuya? Kanina pa natin sya hinihintay," bumaling si Mia kay Kenneth. "Hon, tawagan mo nga. Nasa loob ng coat ko yung celphone ko e."

"Hay nako. As usual, paimportante. Baka nagdate na naman yun, nakalimutan ang rehearsal nyo." Di niya mapigilang magside comment.

Muling bumalik sa kanila si Gabby at nagmuwestra pa ng kamay. "Ano, wala pa ba yung hinihintay natin? Half an hour na tayong delayed, guys."

"Ah paparating na daw, Gabby." Sabi ni Kenneth na sinilid sa bulsa ang phone matapos magtext.

"Ken, darling, pakisabi naman na he is wasting my time. May important things pa ako to attend to kaya dapat matapos natin ito today." Malanding sabi nito na hinawakan pa sa balikat si Kenneth. Nakita niyang nanigas sa nerbyos ang kuya niya. Sabay silang naghagikhikan ni Mia.

"Eh kung simulan na kaya natin without him? Sumunod na lang sya if ever."

Umiiling na tiningnan sya ni Gabby, "Darling, you don't call Gabby kung magiging palpak lang naman ang ceremonies. The wedding is very soon and we only have two rehearsals to perfect this. Sa katunayan ay late na nga kayo. So No, we'd rather wait for him kung pwede."

Kumibit balikat na lang siya. Nasan na ba kasi ang lalaking iyon? Baka kung sino sino na naman ang inuuna samantalang may appointment ito ngayon.

Apat na araw na lang at kasal na ng kapatid niya. Ibig sabihin isang linggo na lang ang balak niyang pananatili sa Pilipinas. May bahagyang lungkot siyang naramdaman pero kailangan din niya ang bumalik na. Marami siyang kailangang asikasuhin at may tao siyang iniiwasan na gusto niya nang kalimutan. Isa pa mukhang bibigyan niya na ng pagasa si Niko. Baka bago siya umalis ay makapagdesisyon na sya sa bagay na iyan.

"O ayan na pala si Ice o!" Narinig niyang sabi nung isa na nasa entourage. Kaibigan ata iyon ng kuya niya at kilala si Ice.

Haayy sa wakas! Paglingon niya, hindi niya inaasahan na biglang kumabog ang puso niya. Bakit ba sa tuwing nakikita nya ito, palaging ganito ang reaksyon niya? Gustong gusto na niyang pigilan pero kusa naman itong nangyayari. May narinig siyang may suminghap sa tabi niya.

"Omg, ba't di man lang sinabi na ang gwapo pala ng bestman." Bulong ni Gabby na hindi niya alam kung kausap ba siya. Ito na ang naunang lumapit kay Ice, "ah hello? I'm Gabby. You must be Ice? Hello, hello."

Nagtatakang tinanggap ni Ice ang kamay ni Gabby, "Ah hi? Sorry i'm late, traffic."

Winasiwas ni Gabby ang kamay sa ere, "Oh thats okay! Hindi pa rin naman kami nagsisimula. Kadarating lang din ng kapatid mo." Hinila nito ang kamay ni Ice, "but since nandito ka na, Mr. Saturian, oh I mean, Ice, hihi. Maybe we can start?"

My Heart Is On Bet!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon