Kabanata 24

117 3 3
                                    

Kabanata 24

The Day After

'Damn you, Ice!' Yun ang nasa isip niya habang nakatitig sa pangalan ni Ice sa screen ng kanyang celphone. He had been calling her since the time she woke up. Pero hindi rin naman siya makatulog noong nakaraang gabi. Okupado ng lalaking paulit-ulit na tinatawagan siya ngayon ang isipan niya.

Hindi niya alam kung ano ang iisipin mula pa kagabi. Sa tuwing inaalala niya ang nangyaring usapan nila ni Ice, parang ayaw niyang maniwala. Pakiramdam niya ang panaginip lang lahat ang mga sinabi nito sa kanya.

"Hindi mo ba sasagutin yan? Kanina pa nagriring ang telepono mo o." Tanong ng mommy niya na nanonood ng tv.

"Di naman po mahalaga, my."

Pilit niyang iniwasan buong gabi si Ice. Ang kinaiinis niya, ni hindi man lang siya kinibo nito o nilapitan man lang. Pagkatapos ng lahat ng mga sinabi nito, parang naging invisible din siya sa paningin nito.

They spent their New Year away from each other, at kung may nakahalata man sa mga aksyon nila, wala namang nagbanggit nun. Naging masaya pa rin ang pagdiriwang nilang lahat.

Muling nagring ang celphone niya. Unknown number.

"Happy! Nanonood kami ng tv. Anak, pwede bang sagutin mo na yan?" Ang daddy naman niya ang nagutos kaya no choice na sinagot niya ito.

"Hello!" Paasik niya pang sabi.

"Hi? Happy?" Isang di pamilyar na boses ang nagsalita. Kumunot ang noo niya.

"Sino to?"

"It's Niko. Sorry huh, kinuha ko rin pala ang number mo sa isang kakilala ko. I hope that's okay? Igreet lang sana kita ng Happy New Year?"

Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nanlumo sandali nang malaman na hindi si Ice ang kausap niya. Pero hindi rin naman niya kaya pang kausapin ito.

"Oh sorry Niko! Pasensya na, medyo kakagising ko pa lang kasi. Sinong kakilala mo ang nagbigay ng number ko?"

Sinabi ni Niko ang pangalan nito pati na ng kaklase niya na pinagtanungan nito ng address nila. Napatango-tango na lang siya.

"I know my invite is late, pero I might as well ask. Are you.. Are you free later?" Parang nahihiya pang sabi ni Niko. "Maybe you wanna grab some coffee?"

"Ah ano kasi.."

Gusto niya bang lumabas? Ang totoo, gusto niya lang magpahinga buong maghapon and deal with Ice tomorrow. Should she call him and demand for an explanation of what happened? Or maghihintay na lang siya na tawagan ulit nito?

"Happy? You still there?"

Shit. Nakalimutan niya si Niko.

"Ah yes! Sorry, uhm.. Sige, coffee would be nice. And if you want, we can meet now."

Bukas na lang niya aalalahanin si Ice. Besides, wala naman masama kung magkape sila ni Niko. At least there is someone to let her mind off Ice. Masama man aminin, she needed a distraction from thinking of him too much.

Inis na binagsak ni Ice ang celphone sa kitchen counter. Hanggang ngayon hindi pa rin sinasagot ni Happy ang tawag niya. He just wants to explain. Pero mukhang hindi pa nga siya nakakagalaw ay iniiwasan na siya nito. He dialed again, but this time the line was busy.

"Darn it!"

"Hoy kuya anong problema mo?" Kanina pa siya tinitingnan ni Mia na abala sa pagluluto ng kanilang breakfast.

My Heart Is On Bet!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon