Kabanata 11

172 2 2
                                    

Kabanata 11

Day Off

Habang nasa daan ay wala silang kibuan na dalawa. Nakatutok lang sa pagmamaneho si Ice samantalang siya ay kuntento na lang na tumitingin sa labas. Wala din naman siya gustong sabihin at wala din siya gustong umpisahan.

"Tahimik ka?"

Napalingon siya nang biglang nagsalita si Ice. "Ako ba kinakausap mo?" 

"Hindi, yung stereo."

"Ah.."

"Hala tao ka ba? Natural ikaw kinakausap ko." Napapalatak na sabi ni Ice. "Teka nga galit ka ba? May ginawa na naman ba akong masama? Akala ko ba okay na tayo?"

"Bat di ka nagsasalita?"

"Ha? Kelan?"

"Ngayon. Mas pinili mong manahimik dyan ng kalahating oras kesa kausapin ako."

"I was thinking of a good topic, Haps. Ikaw kaya di namamansin dyan. Feeling ko nga tinotopak ka na naman."

"Ikaw kasi e..."

"Ako? Ano na naman ginawa ko?" Bahagyang bumagal ang takbo nila para humarap sa kanya si Ice.

"W-wala.." Inilayo niya ang mukha niya dito para hindi nito makita ang mga mata niya. Sigurado siyang mababasa nito ang selos na nararamdaman niya kay Tiffany.

Inihinto na ni Ice ang kotse sa gitna ng daan.

"Hoy ano ka ba? Paano kung may dumaan na sasakyan? Magdrive ka na lang nga."

"Hindi ko ito paaandarin hanggat di mo ako tinitingnan at sabihin kung bakit nagkakaganyan ka na naman."

"Nge. Ang korni mo Ice."

"Hmmmnn dinedeny pa.. Nagseselos ka samin ni Tiffany no?" Inilapit ni Ice ang mukha sa kanya. May himig panunukso ang tinig nito.

"What? Wag ka ngang ambisyoso."

"Nagkaganyan ka lang nung nakita mo kami kanina ah. So I have to formulate my own guess. Haha."

"Never!"

"Ows?"

"Hoy di porke may" tinaas niya ang dalawang kamay niya at nagsenyas "'past' tayo noon ay pwede mo nang sabihin na yun ang dahilan."

"Ows may past ba tayo noon?" This time mas ginanahan si Ice na magbiro. "Salamat naman at ikaw na din ang nagbrought up niyan."

"Ewan ko sayo!" Naiirita na siya dahil alam niyang pinaglalaruan na naman ni Ice ang damdamin niya. Tumingin siya sa labas at hindi na sana papansinin ang binata.

"Wag mo na kakausapin yung Nico na yun ha. Nagseselos din ako eh."

Mabilis pa sa tambol na biglang rumigudon ang puso niya sa narinig. Ano daw!??! Nang pumihit siya para tingnan si Ice ay nakatutok na ang mukha nito sa daan at sinimulang paandarin ang kotse.

"O anong tinitingin mo dyan?" Amused na sabi nito nang nahuli siya nitong matagal na nakaestatwa. Gumawi ang kamay nito sa bibig niya ay bahagyang isinara. "Laway mo tumutulo na o."

Bigla siyang napasimangot. Tama, niloloko na naman siya ni Ice. "Tse! Magdrive ka na lang nga."

Ang lakas ng tawa ni Ice pero hindi na ito sumagot pa. Napahalukipkip na lang siya. Oo nga pala, muntik niya nang makalimutan. Kailangan pagbalik niya sa Manila kinabukasan, buo at hawak pa rin niya ang puso niya.

AMUSED na tiningnan ni Ice ang tuwang tuwa na si Happy habang bumibili ito ng mga souvenir items sa wet market sa bayan. Dapat sana ay kakain na sila pero dahil mas nakakuha ng atensyon dito ang mga nakadisplay na mga souvenirs ay doon sila dumiretso.

"Ice tingnan mo. Ang cute no!" Pinakita nito sa kanya ang isang key chain ng isang nakatalungko na Igorot man. "Gumanito ka ngang posisyon, tingnan mo kamukha mo."

"Haha baliw"

"Sige na.. Titingnan ko lang naman kung kamukha mo."

"Ayoko nga." Ingos niya dito na tinawanan lang ang nangingiti na tindera.

"Ice naman eh. Ang Kj nito."

"Pagbigyan mo naman ang girlfriend mo, iho. Ganyan talaga maglambing ang mga babae." Biglang singit ng tindera.

"Hay naku hindi nyo ho ako madadaan sa ganyan kahit magjoin force pa po kayo, manang."

Natawa na lang sina Happy at ang tindera. Feeling close na nga ang mga ito kaya naman todo discount ang mga pinamiling souvenirs. Haayy iba talaga pag dinaan sa karisma.

"Balak mo bang magtayo ng sariling souvenir shop sa maynila sa dami nito?"

"Oa ka naman. Apat na plastic lang yan. Sa dami ba naman ng mga friends ko na hindi ko pa nakitta eversince bumalik ako, kulang pa yan."

"Straight from Sagada ang pasalubong mo sa kanila?"

"Yep, at kaunting chocolates straight naman from Aussie."

"Pambihira. Ikaw lang ang kilala ko na galing ng ibang bansa na ang pasalubong galing pilipinas. Kakaiba haha" hindi niya napigilan tumawa.

"Ang sosyal ko no? Hahahaha"

"Teka lang lalagay ko muna sa sasakyan ang mga ito at pagkatapos ay kakain na tayo. Mukhang mawawala ang energy ko sayo."

"Buti naman alam mo. Simula lang to ng araw ko." :-)

My Heart Is On Bet!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon