Kabanata 30

161 5 2
                                    

Kabanata 30

Three words

"By the way, thank you for everything, Ice. I enjoyed the night."

Napatigil sa paglalakad si Happy nang bumukas ang pintuan ng condo unit ni Ice at niluwa ang isang babae na nakasuot ng seksing seksi na damit. Mas lalo siyang natigilan nang marinig ang sinabi nito at ilang sandali pa ay sumunod na lumabas si Ice na walang damit pang itaas. Napako siya sa kinatatayuan at nagpalipat lipat ang tingin sa dalawa.

Kitang kita niya ang gulat sa mukha ni Ice nang makita siya. Samantalang ang babae na lumabas ay mas lumawak ang ngiti at nakataas pa ang kilay na nilampasan siya. Parang tuwang tuwa pa ito na makita siya.

"H-happy.. I-" sa wakas ay nakapagsalita si Ice pero hindi naman nito tinapos ang sinasabi. Nakatitig lang ito sa kanya. Helpless ang itsura.

"Uhm, S-sorry hindi dapat ako pumunta dito nang hindi ka sinasabihan. M-may gusto lang kasi akong itanong.. Uhm, i didn't mean to disturb what-whatever is happening." Gusto niyang batukan ang sarili sa pagiistammer. Ano ba, Happy? Ngayon na dapat ang panahon na magwalk out ka. "Sige aalis na ako.."

Akto na siyang tatalikod nang mariin na hawakan ni Ice ang kamay niya. "Don't please." His voice is pleading at napatingin siya dito. "Walang nangyari sa amin ni Lorie. She just turned up today nang hindi ko alam."

Pagak siyang tumawa, "But she is inside your condo. Paano mo maipapaliwanag iyon? And- and you're half naked, for petes sake!"

"Natutulog ako when she knocked. I thought she was Mia and she let herself in kahit hindi ko inimbita. She was seducing me and- and- I resisted."

Wait, wait! She's now confused. A very hot girl is seducing Ice at tinanggihan nito iyon? Tama bang pagkarinig niya?!

"Wag mo akong patawanin, Saturian. I won't be buying your lies anymore."

"Its the truth. At alam mo kung anong sinabi ko sa kanya?" This time he was looking at her intently at pakiramdam niya ay nanunuot na ang mga titig nito sa kanyang pagkatao. "I'm inlove with somebody else. All this time I have been in love with the girl I have been looking at right at this moment for years. Yun ang totoo."

His revelation hit her like a bullet straight to her chest. In an instant pakiramdam niya ay nanghina ang mga tuhod niya. Gusto niyang maiyak. Gusto niyang tumalon. Pero nakapako lang siya sa kinatatayuan niya at walang magawa.

"I love you, Happy. I just don't know how else to say it."

Those three words brought sweet thugs to her heart. Ang boses ni Ice ay may halong pangungumbinsi na maniwala siya sa sinasabi nito. Kung tutuusin it would have been really easy to say those three words back at him. In the first place iyon ang pinunta niya dito. She wants to be honest with him. Pero sa sobrang bago ng sitwasyon, she almost run out of things to say.

Hinila niya ang kamay na hawak ni Ice at tiningnan ito. "I-if you love me, noon pa man ay gumawa ka na ng paraan. Not until you wait for somebody else to sweep me off my feet. Not until you figured out I can fall for someone else. Ang unfair mo, Ice."

He hung his head sa mga accusations niya. Nagpatuloy siya, might as well sagarin na niya.

"Wala kang idea how you made me feel, Ice. It was all heartbreaks and damn expectation from you since the start. Kung pwede lang sana iwala ko ang nararamdaman ko sayo, matagal ko nang ginawa iyon."

"Don't! Just.. Just please don't.." Ani Ice na sa unang pagkakataon, she actually saw him beg for something.

"I was moving on. I was erasing you from my core. M-masaya na kami ni Niko, but then here you are! Giving me false hopes and sweet letters for God knows what for." Naalala niya ang sulat nito, "you have loved me before I even loved you? Really Ice? May itatamis pa ba yang mga dila mo? Is that what you do para makuha kaming mga babae mo?"

"You are never one of those girls. Never." Sinalubong ni Ice ang mga mata niya na nagsisimula nang mamuo ang mga luha. He lifted one hand and brushed away her tears. "God, I'm so stupid. I should have told you from the start pero ang bata mo pa noon. You were just seventeen and I am living a pretentious life. It was not a stable one and I got scared that I won't even know how to take things from there. And please, Haps, don't cry. It pains me a lot. Lalo na kung ako ang dahilan ng pag-iyak mo na yan."

"Some.. Some people cry because they're in pain. At the moment i'm not, Ice. Im- I'm confused. Gustong gusto kitang paniwalaan, but its not easy. Not your letters nor your confessions can make me believe everything." Lumayo siya nang bahagya dito. "Give me some time. Please."

"I would love to give you the time you need.," Nakatingin lang si Ice sa kanya as she walked away from him. "But Happiness Ledesma, remember that I love you. Please hang on to it."

Lumipas ang ilang araw at kasal na nina Mia at Kenneth. Nasa hotel room ang bride at ilan pang mga babae na kasali sa entourage samantalang ang mga lalaki naman ay nasa ibang kwarto. Abala siya sa paglalagay ng huling touch ng makeup nang lapitan siya ni Mia at bigyan ng isang maliit na kahon. Napatingin siya dito.

"Ano to? Hindi ba dapat ikaw ang may regalo dahil ikaw ang kinakasal?"

"Basta buksan mo na lang, excited din ako makita what he gave you."

"Ang ibig mong sabihin, hindi ito galing sayo?"

"Nope!" Abot tenga ang ngiti nito. "Hay nako ang tagal buksan. Excited na nga ako makita ang laman eh." Kinuha nito sa kamay niya ang regalo at sinimulang alisin ang ribbon,

"Hey hey, regalo mo ba yan?" Natatawang sabi niya pero hinayaan na rin niya ito. Pareho silang namangha nang makita ang laman niyon. It was a silver necklace na may blue tourmaline stone sa gitna. "Wow?" Kinuha niya ang necklace sa lalagyan.

"Oh my gosh, pareho tayo! Mine's only purple amethyst, Look!" Tuwang tuwa na pinakita sa kanya ni Mia ang suot niyang necklace sa ilalim ng suot na wedding gown. "Ang galing talaga ng taste ng kuya ko."

"Huuh? Ibig mong sabihin, galing to kay I-Ice?"

"Yep! At wag ka nang maginarte. I knew you loved his gift. Suotin mo na para terno tayo." Hindi na siya nagreklamo pa nang si Mia na mismo ang nagsuot ng kwintas sa kanya. "Ayan, ang ganda! Sabi nga niya nang binigay ito sa akin, babagay ito sayo. He knows that you love the color blue so much and you rarely wear jewelries, except kung necklace ito."

"Hep hep, pinagchichismisan nyo ba akong magkapatid ha?"

Guilty na nagpeace sign si Mia, "Sort of. Well, actually always. As a matter of fact, ikaw nga ang laging topic namin sa bahay. Kayo ng family nyo. Pero si Kuya ikaw lagi ang bukambibig. Nung una, casual lang. Pero aba, nung nakahalata na ako, aba eh hinamon ko ng inuman at doon ko siya pinaamin!" Proud pa sa sarili na sabi ni Mia.

"Sandali nga, ang daldal mo. Pinaamin mo si Ice? Kelan? At umiinom ka pala?!"

"Occasionally lang naman at tsaka may purpose naman un noh! So anyway ayun, we had a one on one talk about things. Isa ka na nga dun. And..," sinulyapan siya ni Mia. "Wag ka magagalit ha?"

"O!?"

"Naalala mo yung time na kwinento mo why you wonder where have all your suitors gone nung highschool ka? Actually he told me about it. He and your brothers were responsible for it. Tinatakot nila at pinagbabantaan ang mga manliligaw mo hanggang sa sila na mismo ang umayaw."

Shock sya sa mga natuklasan. Pero part of her half expected it. Eh yun din naman kasi ang ginawa ni Ice kay Niko e. Tss! Makukutusan niya ang lalaking iyon!

"What else did he say to you? Lubus lubusin mo na habang hindi ko pa nakikita ang kuya mo."

Natawa si Mia. "Namaan eh, sabi mo di ka magagalit. Basta I think its better that you let him talk. Para naman malaman mo ang side ng story niya."

"Places, people!! Magsisimula na ang wedding, lets go!"

Biglang pumasok sa silid nila ang uber excited na si Gabby. Isa-isang nagsilabasan ang mga naroon sa kwarto at huli sila ni Mia. Bago pa man sila maghiwalay ng bride ay niyakap siya nito.

"In a few hours from now, isa na akong ganap na Ledesma. I hope that one day we still continue to be a family by you becoming a Saturian. Mahal na mahal ka ng kapatid ko. Sana bigyan mo siya ng chance, he is worth it."

My Heart Is On Bet!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon