Kabanata 26

106 1 0
                                    

Kabanata 26

Really

Dinala siya ni Niko sa isang miniature golf course. Bagamat hindi niya pa natry ang maglaro nun ay game naman siya. Kinuha niya ang club na hawak nito.

"Don't expect too much. I haven't done this before." Naiiling niyang sabi at tumira. Hinintay niyang mahulog ang bola sa mga lagusan at sa laking gulat niya ay nashoot iyon sa putt. "Whoa! Take that!"

"Magaling ka naman pala e. Wow, you impress me."

Binigay niya kay Niko ang golf club at ito naman ang sumunod na titira sa mas complicated na course.

"Lets see you do that. That is one hell of a maze." Tiningnan niya ang mahabang babagsakan ng bola at paliko- likong course.

"Are you underestimating me?," natatawang sabi ni Niko. "Just watch and learn, miss."

Tumira na si Niko with one swift stroke and together they watch the ball bounce at sa ilang sandali pa ay nakita niya itong nahulog sa putt sa ibaba.

"Oh yea oh yea!" Halos mapahalakhak siy nang makita niyang nagvivictory dance si Niko.

"Oo na, magaling ka na. Hail to you." Natatawa niyang sabi.

"Hey I can teach you if you want? Only if you go out with me more often, we can be pros together."

Nilingon niya si Niko na tinaas taas pa ang kilay. Ano ba ang nakikita niyang mali sa binata? Wala naman. Mula pa kanina ay napakagentleman nito. Inaalalayan siya at pinagbubuksan ng car door.

"Hmmm why not? Only you have to speak to my dad first."

Lumuwang ang mga ngiti ni Niko, "Bet you I will. Wanna grab something to eat na?"

Wala siyang maitulak kabigin sa taste ni Niko. Dinala siya nito sa isang five star hotel para lang sa kanilang meryenda. When the waitress let them sit, kita niya how Niko's presence demands a second look. Pagkaalis ng waitress ay napangisi siya.

"What?" Kunot noong tanong ni Niko.

"Wala. May naisip lang ako."

Naalala niya si Ice. If Ice would have been in Niko's place, hindi pa natatapos ang isang minuto ay nahingi na nito sa waitress ang number nito. No. Naipilig niya ang ulo. Kailangan mawala sa isipan niya si Ice and enjoy her date with Niko.

"I judge that its funny kaya ka natatawa."

"No, its annoying.," she sipped from her fruit juice. "Usap na lang tayo about something. What do you do?"

"I am a sculptor." Nakangising sabi ni Niko dahilan para mamilog ang maya niya.

"No way?! Are you, really? I mean don't get me wrong. You just dont look like it."

"I get that all the time, no need to apologise. Well, sculpting is my passion. My dad was one before he married my mom. Since then, naipasa na yata niya sa akin ang galing nya."

"Wow. So do you exhibit them as well?"

"Yes. As a matter of fact, mine was in the art and photo exhibit that happened last night. Ours was just in the last part as it was mainly for photography. Pero sa susunod na buwan ay may exhibit din kami. Maybe you should come."

"Sige, if nandito pa ako, pupunta ako." Nakangiti nyang sabi na nagsubo ng fettuccini.

"Oh yes, you'll go back to Australia right? Kelan ang balak mo?"

"Uhm maybe two to three weeks from now. Ikakasal ang kuya ko in less than two weeks. After that, i'll go."

"Man, three weeks? Is there any chance of you staying?" Nakangiting sabi ni Niko.

"I doubt. Nandoon ang buhay ko."

Ang sumunod na tanong ni Niko ay hindi niya inaasahan, "What about Ice? Are you guys.. You know, are you?"

Nakuha niya ang ibig sabihin nito at umiling siya. "We are friends. Matagal na namin siyang kakilala pati na si Mia, yung mapapangasawa ng kuya ko. Ice had been a regular fixture in our family."

"I guess the reason why he is protective over you?"

Kumibit balikat sya, "Magaling siyang umastang kuya ko, as if three brothers is not enough for me. Thats just him."

"I should have not told you about this," marahang sabi ni Niko at tiningnan siya. "But he told me off when we run into each other a week ago."

Napamata siya sa nakangiting mukha ni Niko. Para itong natatawa na naiinis. Anong sabi nito!

"P-pinagsabihan ka niya? What-why! Really! Bakit nya gagawin yun? That reminds me of what happened last night, pasensya ka na sa inasta nun kagabi. He's just a bit crazy."

"Yeah. We run into each other at a friend's house. No wonder he looks familiar. I would have not thought he was Ice kung hindi ka niya nabanggit."
Kumibit balikat si Niko, "but then again, walang kaso sa akin yun."

Bigla ang pagkapahiya na naramdaman nya. How could he do that? He is going beyond crazy! She noted to herself na kakausapin niya ito pagkauwi niya. Pero hindi na sya naghintay pa dahil sa oras na iuwi siya ni Niko ay agad niyang natanaw ang sasakyan nito sa labas ng garahe nila.

Just great. The idiot is always perfect timing!

"I had a great time. Thank you Niko." Aniya niya nang alalayan sya nitong makalabas ng sasakyan.

"Im happy to hear that. I should walk you now into your doorsteps."

Akma na itong hahawakan sya pero umiwas sya. She can already see Ice peeping through their window.

"Ah thats okay. Nandyan ang mga pamangkin ko, makukulit. Baka magulo ka pa."

"Oh okay. If thats what you want. Ang akin lang baka magalit ang daddy mo-"

"Ako na magpapaalam kay Dad. He's busy siguro." Ngumiti siya dito. Wala nang nagawa si Niko kundi ang magpaalam at tumalikod. Parang gusto niyang maguilty. Hanggang sa narinig niyang bumukas ang front door nila.

"Finally! Akala ko hindi na aalis ang isang iyon."

Ang nakakabwisit na boses ni Ice habang hinahatid nya ng tanaw ang papalayong kotse ni Niko.

"That guy. Akala niya makakalusot siya. Tss." Dagdag pa nito na mas kinainis niya.

Bigla ang pagharap niya kay Ice dahilan para mapaatras ito. Kitang kita sa mukha niya ang galit.

"We need to talk!" She hissed at him, her eyes blazing in anger.

Nakita niyang napalunok nang sunod sunod si Ice.

My Heart Is On Bet!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon