Kabanata 13

169 2 2
                                    

Kabanata 13

Usaping Suitors

"Kwento ka na. What happened sa Sagada?"

Nasa mall sila ngayon ni Mia para maghanap ng sapatos na isusuot nito para sa nalalapit na kasal. At kanina pa siya nito tinatanong tungkol sa kanila ni Ice. Dalawang araw na ang lumipas mula nang bumalik sila sa Manila.

"Wala. Ano naman ang mangyayari?"

"Hmp? As in wala?" Lumapit ito sa kanya at kinapa ang dibdib niya. Napaigtad siya.

"Mia!? Yuck lesbian ka ba?"

"Loka! Hinahanap ko lang kung nasayo pa ba yung puso mo. Malay mo nasa kuya ko na."

"Hay naku di yan mangyayari. Masyado kong kilala ang kapatid mo para magpauto dun." Umupo siya sa isa sa mga upuan doon habang nagsusukat si Mia. "Pero seryoso.. I need to find a date para sa kasal ninyo. Ayoko naman na pumunta without anyone at all. I might not hear the end of Ice's jokes pag nangyari yun."

"Eh bakit ba hindi na lang si kuya ang isama mo? I heard wala din yun dadalhin e."

"Mia Margaret utang na loob?! Ayoko nga. Eh di mas lalo akong iinisin nun na wala na ako mahanap dahil siya na yung dinala ko? No. Kailangan may makita ako kahit magbayad pa ako ng tao."

"Ang OA lang? Magbabayad talaga?"

"Last option ko na yun. Syempre maganda naman ako para hindi makahanap ng makakadate e."

"Oo nga, nagtataka ako. Ang ganda ganda mo, kaya nung nalaman ko na never ka pang nagkaboyfriend, parang hindi ako makapaniwala."

"Sa tingin mo hindi di ako nagtataka? I mean from what I remember may mga umaaligid din naman saakin na mga suitors noon. May mga nagpapadala pa mga na mga flowers at stuff toys sa bahay noon. Pero agad din silang nawawala kinabukasan."

"O? Hindi kaya natatakot sila sa mga kuya mo? Bunso ka tapos tatlo pa yung mga kuya mo. Nakakaintimidate nga yun para sa mga manliligaw mo."

Nakabili na sila ng magandang pares ng white shoes at nagmemeryenda na sa paborito nilang Japanese restaurant.

"At eto pa, alam mo bang may super duper crush ako nung highschool ako na balak talaga akong ligawan? As in nagpapadala ng mga love notes and chocolates sa klase ko."

"O what happened?"

Kumibit balikat siya. "Ayun. Just like all my other suitors, bigla na lang hindi nagparamdam. Pag nakakasalubong ko noon sa hallway, aba parang hindi na ako kilala? I dont know. I just had the weirdest suitors ever."

"Hhmmmnn..."

"At wala pa yan nung college ako. Nung first year college ako sa Belfort, I studied kasi at the same university as my kuyas and your kuya, I remember this president of the student council na nagpapalipad hangin sa akin noon. Ako naman kilig na kilig kasi gwapo talaga un. We had a couple of dates and then all of a sudden, he stopped pursuing me!? I don't even know if I did wrong or what!"

"Hhmmmnn?"

"He even invited me to be his date sa annual victory ball. Pwede kasi magyaya ng date sa lower years or vice versa. Tapos he got the nerve pa to cancel on me at the last minute! Nakakainis di ba? Eversince that night, I vow not to date again. Its a disaster."

"But did you end up attending the ball? You must have. Sayang ng dress and make up."

"Oh yea.. But lets just forget about the details, shall we?" She dismissed the topic with a sip of her orange juice. May naalala na naman siya sa mga nangyari noong gabing yun. "So ayun lang, thats the history of why, my future sister in law, Miss Happiness Joy Garcia Ledesma is a poor, pathetic Nbsb. Hahahaha"

"Hhmmm.. By the looks of it, it seems like someone is not wanting you to date anybody that time."

"Huh? What do u mean?"

"Come to think of it.. All your suitors has the same pattern. Magpapakita ng interes saiyo at first and they lost interest on the next. And we're not talking about just one or two, but all of them! Its a bit suspicious if you ask me."

"Well, may tama ka sa theory na yan. Pero everything changed naman when I reached second year. Ako na lang ang nawalan ng gana na makipagdate etc."

"Nagbago ang lahat nung second year?"

"Yep. Now kung may kinalaman ang mga kuya ko sa kawalan ko ng mga manliligaw nung bata pa ako, well they really lived up to their 'no boyfriends until your 18' philosophy in life. Geee the downfall of having three kuyas huh?"

"Or having a fourth one?" Naibulong ni Mia sa kanyang sarili pero kinimkim na lang niya. If she is right with her theory, maaaring may makita syang magandang patutunguhan sa kanyang binabalak.

My Heart Is On Bet!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon