Kabanata 9

451 6 4
                                    

Kabanata 9

Jealous Ice

"So what's new, Ice?" Hindi namalayan ni Ice ang paglapit na iyon ni Tiffany dahil sa busy siya kakaikot ng tingin sa paghahanap kay Happy. Mga tatlumpong minuto na siguro niya hindi nakikita ang babaeng iyon. Nasaan na ba iyon?

"Ah.. nothing much. Just got home for my sister's wedding. That's all."

"You mean you're half sister." Pagtatama ni Tiffany sa kanya na hindi niya napansin dahil nagkandahaba na ang leeg niya sa kakahanap kay Happy. Nagsimula na magsidatingan ang mga bisita ni Tiffany para sa luau party na hinanda nito sa mismong beach front nito. At dahil hawaian ang tema ng party ay nagkalat na din ang mga babae na nakabikini at nagsasayawan sa buhangin. Dapat sana ay nageenjoy siya ngayon at nagpapakilala isa-isa sa kanila. Kaya lamang ay hindii siya makabwelo dahil hindi niya makita si Happy. Hindi naman niya maatim na magsaya na hindi ko pa ito nakikita. Eh di lagot siya sa mga kuya nito. Tss

"Bossing may ipapakilala ako sayo, si Amanda. Kanina ka pa gusto lapitan nito o." Lumapit sa kanila ni Tiffany si Filo na may kasamang babae na halos pumutok na ang pisngi sa kalasingan. Namumula na halos ang mukha nito at ang siste, tiningnan pa siya nito na parang adobong manok na masarap pakpakin. Pinigil niya ang mapailing. Maganda nga ang Amanda, mukhang lasenggera naman. In the end he just smiled at the girl at binalingan si Filo.

"Psst asan si Happy? Alam mo ba kung saan nagsususuot ang babaeng iyon?"

"Ha? Eh hindi ba kasama mo?"

"Magtatanong ba ako kung nandito siya sa tabi ko?" Pigil ang inis na tanong niya dito.

"Hala. Hindi ko alam, boss. Huli kong kita kay Happy nasa gilid lang yun. Baka nakipagdate na yun sa isa sa mga lalaki dito. Nasa tabi- tabi lang yun, boss. Wag mo na hanapin, hindi na yun bata."

Pero hindi naman siya mapakali na hindi nalalaman kung nasaan ito. Hinarap niya si Filo. "Dito ka lang dahil hahanapin ko yun. Pag nakita mo, wag mo nang paalisin pa at hintayin nyo ako dito." Tumayo sya at nagpaalam kay Tiffany. Sakto naman na pagharap niya sa likod ay mismong mukha ni Happy ang nasalubong niya. Nagkabanggaan tuloy sila at kung hindi niya ito maagap na nasalo ay baka natumba ito.

"Aray ko naman. Nagmamadali?"

"Sheesh where have you been!?" Iyon agad ang tanong niya dito na ikinanuot noo naman nito.

"Yun talaga ang tanong? Di ba pwedeng 'Sorry' muna o kaya 'Okay lang ba ang ilong mo na tinamaan ko'? Hay naku Ice sinasabi ko sayo. Kapag ako napango--"

"Happy!" He is becoming impatient habang ito naman ay inaalala pa ang ilong na kahit malakas na tumama sa dibdib niya ay imposibleng ikapango nito. At saka.. bakit nakabikini itong babaeng ito? Happy is wearing a black two- piece bikini na ngayon niya lang nakita na suot nito. Nakahinga naman siya nang maluwag nang makita na may nakapulupot na puting satin sa bandang ibaba na katawan nito. Kung hindi ay baka maihubad niya ang suot na puting polo at ibalabal ito dito.

"What? Itanong mo kay Tiffany."

"What?" Naguguluhan niyang sabi at bumaling sa natatawang si Tiffany. "Tiff?"

"Hahahaha okay fine. Pasensya na kung hindi ko nasabi sayo. I kept Happy for a while at pinagsuot siya ng damit na aakma sa party ko. She has a beautiful body kaya she better flaunt it, di ba? And my gosh Ice, hindi naman mawawala si Happy sa buong villa noh? Relax ka lang. You sound like a concern senior citizen sa inaasta mo."

"Kanina ko pa siya hinahanap. The least thing you both could have done is tell me where you are." Seryoso niyang sabi na tiningnan si Happy. My god. Bakit iba ang aura ng babaeng ito? He has this sudden urge to cover her from the prying eyes of men around them.

My Heart Is On Bet!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon