Kabanata 27

111 1 0
                                    

Kabanata 27

Be serious

"We need to talk!" Galit na sabi niya kay Ice nang mawala ang sasakyan ni Niko. Kanina pa niya gusto ito pagalitan, mula sa pagsilip nito kanina sa bintana hanggang sa makaalis si Niko.

"Talk? Lady, I've been calling you a hundred times today. Hell yeah we need to talk." Tinaas ni Ice ang dalawang kamay. "But not when you look like a dragon about to roast me. We can talk in a few-"

"Magsasalita ako kung kelan ko gusto. Don't you even tell me when!"

"Okay, okay. Just.. Just lower your temper okay? Nakakatakot ka." Mahinang sabi ni Ice na parang ayaw pa iparinig sa kanya.

"Come again? Natatakot ka sakin?" Kung hindi niya napigilan ang sarili niya ay baka sumilay na ang ngiti sa labi niya. Pero kailangan niyang sumeryoso. "Wow, thats a first. Bakit ka sumisilip samin kanina ha? Hindi ka ba tinuruan ng salitang privacy?"

"Tss I was watching over you. Baka ano nang ginagawa nyong dalawa."

"What? Ang dumi talaga ng utak mo. Hinatid nya lang ako pauwi."

"Yeah, which reminds me akala ko ba ayaw mo sa kanya? Sinabi mo pa lang kagabi."

"I never told you I don't like him, nor will I go out with him! Get your details correct." Nang may bigla siyang naalala at hinampas niya ang braso ni Ice, "At ano itong nalaman laman ko na binalaan mo siya na iwasan ako?"

"Ah! So he told you!" Parang nangaasar pa na sabi ni Ice. "Sabi ko na nga ba sasabihin nung-"

"Bakit nga!" Muli niya itong hinampas.

"Aw! Here you are again, amazona ka na naman. Bakit hindi na lang yung pretty boy mo ang hampasin mo?," hinimas nito ang braso. "Ang sakiiit, Haps, ha."

Ngumiwi siya dito at ngumiti naman ito. Clearly pinagtitripan na naman siya nito. Sabi na nga ba niya, kaya dapat hindi sya nagpapaniwala sa mga sinasabi nito. Tinalikuran niya ito.

"Hey! Akala ko ba mag-uusap tayo?" Hinabol sya ni Ice.

"Kausapin mong lelang mong panot!"

"Huy hindi panot ang lola ko ha. Ikaw talaga judgemental ka."

Mabilis ang naging pagharap niya dito dahilan para mapatigil si Ice sa paghabol sa kanya. He was almost gonna bump into her pero mabuti na lamang at nakahinto ito. Malapit na sila sa isa't isa.

"Why can't you be serious?! Even.. even for once!" She said exasperatedly. Ang frustration ay nasa mga mata niya.

Napakaraming bagay ang gusto niyang itanong kay Ice pero ang pumipigil sa kanya ay ang sarili niyang utak. She knows Ice will never take her seriously. Para saan pa para magtanong siya? Natatakot syang maulit ang nakaraan nila.

Nagulat siya nang hawakan ni Ice ang dalawang balikat nya at titigan siya sa mata, "I have always been serious. Ikaw lang ang ayaw tumingin sa totoo."

Piniksi niya ang mga kamay nito. "At anong totoo? Why the hell did you tell Niko that! Why are you eavesdropping on us! Why, Ice? Why!"

"Kung sasabihin ko ang dahilan, theres no stopping me of being that guy's competition. Gusto mo ba iyon?"

She did not expect his answer at all. Kumabog nang malakas ang puso niya. Eto na naman si Ice, pinapagulo na naman ang sitwasyon!

"Tigilan mo ako, Saturian! Hindi ako nakikipaglokohan sayo." Sa hindi niya malamang dahilan, natatakot sya sa mga pinagsasabi ni Ice. Kaya eto, hindi niya alam kung bakit niya iniiwasan ang mga sagot nito.

My Heart Is On Bet!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon