Kabanata 29

122 1 1
                                    

Kabanata 29

Im in love

Pagkauwi sa bahay ay dumiretso si Happy sa kwarto. Ni hindi na niya nagawang bumati sa mommy at daddy niya dahil sa pamumula ng mga mata. Pagbukas niya ng kwarto ay napanganga siya.

May isang malaking bouquet of red roses na nakahiga sa kama niya. Napatingin siya sa mga bulakalak na hawak niya. Magkapareho ang mga iyon. Hindi kaya-

"Be my date?," nabasa niya sa unahan ng card at nang tumingin siya sa likod nun ay may iba pang nakasulat. Pagkabasa niya sa mga iyon ay hindi na niya napigilan ang damdamin niya.

Loko lokong Ice yun! Bakit ngayon lang!

Naiinis na pinunasan niya ang luha na nasa mga mata na pala niya. Kahit kailan, palpak talaga ang lalaking iyon! Kung kelan nakakamove on na siya mula rito saka naman.. Ugh!

Balak sana niyang itapon ang mga bulaklak sa basurahan pero napatigil siya. What if this is Ice's way of telling her how he feels? What if kung ito lang ang kayang paraan nito para sa kanya ang nararamdaman nito? Choosy pa ba siya? Mas lalo siyang nainis!

"Oy oy! Saan ka pupunta? Kadarating mo lang, aalis ka na naman?" Nakasalubong niya ang daddy niya habang tumatakbo siya pababa nang hagdan.

"Dad, pumunta ba dito si Ice? Anong sinabi niya? May sinabi ba siya?"

"Huh? Aba'y wala naman. Ang sabi ay kakausapin ka daw pagkita nyo sa rehearsal. May dala pa ngang mga bulaklak. Teka nga..," tiningnan siya ng daddy niya. "may hindi ba ako nalalaman dito? Nanliligaw ba sayo ang batang yun? Eh pano naman yung isa? Di ba nililigawan ka din nun?"

"Uh.. Hindi po ako nililigawan ni Ice. At si Niko- ah basta! Ehwan! Hindi ko alam!"

"Aba kailangan mamili ka, anak. Parehong okay sakin yung dalawa pero kung sino ang mas matimbang, doon ka. Mahirap kung dalawa ang nasa puso mo."

Napangiti siya sa sinabi ng daddy niya at hinalikan ito sa pisngi. "Thanks dad. I think I know what I have to do. Kakausapin ko silang pareho. Sige po, I'll see you later at dinner!"

Bago pa man magsalita ulit ang daddy niya ay nakalabas na sya sa garahe nila at muling pinaandar ang kotse. Tinext niya si Niko na magkita sila nang mas maaga. Mamaya na niya pupuntahan si Ice.

Nagkita sila ni Niko sa isang private cafe sa labas ng sinehan. Sinabihan niya itong wag munang bumili ng ticket dahil kailangan nilang magusap. Halos sampung minuto na ang nakalipas at hindi pa rin niya magawang magsalita. Parang umuurong ang dila niya.

"Happy? Is everything okay?"

Para siyang nagising na napatingin sa concern na mukha ni Niko. Hinawakan nito ang mga kamay niya, at kamuntik na siyang mapaiyak sa bigat ng sasabihin niya dito.

"Uy, hindi ako sanay na ganyan ka. I want you always smiling, hey."

"N-niko.. Will you hate me if.. If.. P-pinaasa kita?" Sa wakas ay nakapagsalita na siya. Hindi siya tumitingin dito. Ilang minuto din bago umimik si Niko.

"What do you mean na pinaasa? Alam ko na nanliligaw ako sayo. At kapag nanliligaw ang isang tao, there should be no expectations. Although I admit, I want to expect a good thing from this." Saglit itong nangiti at tiningnan siya, "pero desisyon mo pa rin iyan. Wala akong right na pilitin ka."

"Yung tanong ko.. Will you hate me?" She insisted. Kung magagalit si Niko sa sasabihin niya, she knows she will understand.

Naramdaman niya na marahan siyang pinisil sa kamay ni Niko pagkatapos ay bumuntong hininga ito.

My Heart Is On Bet!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon