Kabanata 5

621 0 1
                                    

Kabanata 5

Ice Princess

"OKAAAAYYYY... What are you doing here?"

Umaga pa lamang na pababa ng hagdan si Happy nang mabungaran niya na kasalo ng pamilya niya si Ice sa agahan. Nang makita siya nito ay nakangiting tumayo ang binata at sa gulat niya ay binigyan siya nito ng isang pumpon ng red roses. Hindi naman niya inaasahan iyon kaya nagulat siya.

"Ano to?"

"Roses."

"Alam ko engot ka ba? What I mean is.. bakit mo ako binibigyan nito?"

"Hindi. Pinapahawak ko lang. Baka kasi hindi ka pa nabibigyan niyan." Ice said sheepishly. Nabubuwisit na tinapon niya sa mukha nito ang mga bulaklak. "Ouch hinay hinay naman dyan. Amazona ka talaga. Sayang naman ng mga rosas o." 

"Anong akala mo sakin, never been? Umagang umaga pambwisit ka ng umaga ko. Hala layas! at dalhin mo yang mga cheap na roses na yan no!"

"Ikaw talaga hindi ka na mabiro. Para sayo nga yan. Tanggapin mo na lang. Sayang naman ng effort ko na pitasin yan sa halamanan ng mommy mo."

Nginiwian niya ito. Magbibigay na lang nga, doon pa mismo sa bakuran nila. Kabwisit! Umupo siya sa upuan na katabi ng daddy niya. "Wala bang makain sa inyo at dito ka pa talaga magaalmusal?"

"Wala eh. Hindi nagluto si Mia." 

"Hoist loko ka. Baka naman inaalipin mo doon ang girlfriend ko ha!" ang kuya Ken niya na tinapunan pa talaga ng napkin si Ice.

"Baliw! Eh di ako ang pinatay mo kung inalila ko ang kapatid kong iyon?"

"Teka teka.. Mia who? You mean..." Tumingin siya sa kuya niya at kay Ice at pagkatapos ay sa kuya niya ulit. "Kapatid ni Ice si Mia na girlfriend mo??"

"Ay sa wakas! Nakahabol din sa usapan!" ani Ice na pumalakpak pa. "Oo. Half sister ko si Mia. Anak siya ng daddy sa..alam mo na.." kahit hindi na tinuloy ni Ice ang sinasabi ay naunawaan naman niya ito.

Naging dahilan ng hiwalayan noon ng mga magulang ni Ice ang pambababae ng daddy niya. Kaya naman noon ay panay ang pag-aaway ng mommy at daddy ni Ice at dahil doon ay mas napalapit ang binata sa pamilya nila tuwing lalayas ito sa bahay nito. Itinuring naman itong parang pang-apat na anak na lalaki ng daddy niya lalo na nung nalaman nila ang pambubugbog na ginagawa ng ama nito kay Ice. Sa huli ay hindi na nakatiis ang mommy nito sa poder ng asawa kaya lumuwas papuntang America ito kasama si Ice na kakatapos lang ng college noon.

"Woooa? At ngayon ko lang talaga nalaman? Nasaan ang pamilya ni Mia?" Curious niyang tanong.

"Wala na. Nang mamatay ang daddy two years ago, saka kami umuwi ni mommy para sa burol. Doon namin nakilala si Mia at sa pagbalik namin sa States ay isinama na namin siya since she's already an orphan. Mom adopted her. After all hindi naman niya kasalanan ang nangyari sa pamilya namin."

"Eh paano nakilala ni kuya si Mia kung nasa States siya?"

"Ahem. Hindi mo ata kilala na isang magaling na cupid itong kausap mo? The moment Ken saw Mia sa burial ni Papa, itong kapatid mo hindi na ako tinantanan tungkol sa kapatid ko. Hanggang sa naging magSkype friends sila at nang umuwi kami ni Mia recently the next thing I knew, my sister is in a relationship with this turtle."

"Kuya dinaan mo sa mabilisan si Mia? Ganyan ka na ba kadesperada?" 

"Oy oy for your information, it took me six months to court her online. Tinatago lang namin sa kolokoy na to dahil for sure sisiraan ako nito sa kapatid niya. And I have to wait another two months to finally ask her to be my girlfriend. What can I say? I was head over heels with her." Parang nagdedaydream na sabi ni Ken na ikinaismid naman niya.

My Heart Is On Bet!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon