Kabanata 12

174 5 0
                                    

Kabanata 12

Pictures

Sa Cavern Real naisipan nilang kumain matapos ang nakakatulirong 'shopping spree' ni Happy. Nagorder siya ng kape at ng paborito niyang pancit loglog samantalang si Happy naman ay palabok, chicken at mango lassi.

"Grabe ang ganda pala dito sa Sagada no? Parang Australia lang pag winter. Malamig."

"Ganun din naman sa New York. Pero alam mo naisip ko? Wala pa rin talaga tatalo sa Pilipinas."

"Aba oo naman."

"Dito ako magaasawa at bubuo ng pamilya."

Biglang nabilaukan si Happy. "Ano kamo!? Magaasawa? Naku naman Ice mangangarap ka na lang nga, yung hindi pa achievable."

"Aba anong hindi achievable? Wala na ba akong karapatang magasawa ha?"

"Wala ka na karapatang manloko at mambiktima pa ng mga babae."

Natawa siya nang malakas. "Akala mo naman sakin hindi tao? Hindi ako nanloloko ng babae oy. Kasalanan ko ba kung sila mismo ang lumalapit sakin? Hahahaha"

"Grabeeee ang lakas ng hangin! Waiter, pahinaan nga yung aircon nyo."

"Pero kidding aside, hindi naman talaga ako magtatagal sa New York. Dito at dito pa rin ako mabubuhay at mamamatay sa Pinas."

"Ang oa mo Ice. Hindi bagay sayo."

"Ikaw, kelan mo naman balak magasawa?" Naitanong niya sa Happy. Natigil sa pagnguya ito.

"Boyfriend nga wala, asawa pa kaya? Pinagtritripan mo na naman ba ako? At tsaka akala ko ba ikaw na bahala sa part na yan. Nag-deal nga tayo di ba?"

"Oo naman. Dont worry pagbalik natin manila ang lovelife mo agad ang aasikasuhin ko." Nakakaloko niyang sabi.

"Pyn. Pero balik tayo sa tanong mo, siguro magaasawa ako kapag sure na sure na talaga ako sa isang tao. Yung kilalang kilala niyo na isat isa. Yung kahit mautot ka sa harap niya, ok lang yun sa kanya. Yung pag nagaway kayo pupuntahan ka niya sa bahay niyo at susuyuin. Yung maghihintay sayo sa ilalim ng ulan na may dalang flowers. Yung isusurprise ka kahit na mga little things. Yung magpapafireworks pa sa kalagitnaan ng Moa pag sinagot mo na siya.. Yun!"

"In other words, yung lalaking non existent."

Hinampas siya ni Happy sa braso. "Anong non existent? May mga lalaki pong ganun no?"

"Yea right. Kung hindi yun mga nasa pelikula, mga bakla yun malamang. Ang problema sa inyong mga babae napakaidealistic nyo. Kaya bumebenta ang mga romantic movies dahil sa inyo. Ang taas ng standards nyo sa mga lalaki."

"Palibhasa kasi hindi ka ganun. Hay naku Ice, ikaw kasi ayaw mo ng mga ganyan. Gusto mo lagi kang pamacho effect. Try mo nga din yan minsan, baka magpanovena pa ang babae sayo."

Kumibit balikat na lang siya. Ang isipin nga ang mga bagay na yun gives him the creep, what more kung gagawin nya?

Matapos ng lunch nila ni Happy ay nagsimula ulit silang maglakad lakad. Bitbit naman niya ang kanyang camera pero punong puno naman iyon ng mga pictures ni Happy.

"Dun! Dun tayo sa tatlong igorota magpapicture!" Parang bata ba sabi nito habang hinihila siya

"Ano? Ang haba ng pila ano ka ba? Aabutin tayo ng isang oras para lang sa isang picture."

"Ice naman e"

"Alam ko na dito na lang tayo sa rebulto magpapicture. O di ba wala pang pila at solo ka lang. Nyaha" hinila naman niya sa tabi ng isang nakatalungko na rebulto si happy

"Iceeee namaaaannn eeeeeee" napapadyak ito. "Gusto ko doooonnnn"

"Hala bata ka ba? Oo na oo na, ok pyn pocupine. Sabi ko nga doon na lang tayo."

"Yeeheeyy!"

"Baliw." Napapalatak niyang sabi at sumunod na kay Happy. Nasa unahan niya sa pila si Happy at sa dami ng gustong magpapicture sa mga igorota na iyon, tiyak na aabutin sila ng syam syam dito. In fairness nakakabagot ang pumila huh..

Or not?

"Ah excuse me, may bayad ba ang pumila dito?" Isang boses ng babae ang nagpalingon sa kanya sa likod. Woah not bad? Maganda at mestisahin ang babae.

"Uh wala naman. As far as i know libre sya." Nakipagngitian siya dito. He immediately knew na nagpapapansin lang ang babae sa kanya. Pano naman kasi sa gilid nito ay nakabuyangyang ang napakalaking karatula na nagsasabi na Free Photos.

"Oh sorry akala ko kasi meron eh wala akong cash na dala. Tourist lang kasi ako dito with some of my friends." Tinuro nito ang tatlong babae na sabay sabay na kumaway sa kanya. "Ikaw?"

"Ah same din. Although second time na ako dito."

"I'm Chloe by the way."

"Ice." Sanay na siya na minsan ang mga babae na mismo ang kusang nagpapakilala sa kanya. "Kasama ko kaibigan ko." Kinalabit niya si Happy na busy sa kakakulikot ng mga pictures nito sa camera niya. "Haps, si Chloe.. new friend ko."

Hindi ligtas sa paningin niya ang pagsmirk ni Happy sa sinabi niya. Pasimple niya itong siniko nang marahan.

"Hello Chloe. Nice to meet you. Magpapapicture ka din?"

"Ah yea. Haba pala ng pila dito no?" Sagot nito pero nakatingin naman sa kanya.

"Summer kasi kaya maraming turista."

"Oo nga. San ka nga pala nastay dito? Sa Blue Manor kami, malapit lang dito."

"Sa La Estelle naman kami."

"Are you serious? Malapit lang yun from where we are.. Maybe we can exchange numbers?"

Naramdaman niya ang pinong pagkurot ni Happy sa tagiliran niya at ang bulong nito.

"Ulol ka talaga. Hindi ka na nahiya na kasama niya mga kaibigan niya.."

Ilang saglit pa ay nagkapalitan na sila ng numbers ni Chloe at sila na ni Happy ang magpapapicture. Tumayo sila sa magkabilang gilid ng mga matatandang igorota at nagpose. Pagkatapos ay sa gitna naman sila. Insakto na nasa gitna sila nang bigla niyang inakbayan si Happy.

"Para sweet naman tayo tingnan. Say cheese!"

Matapos ng picturan ay inis na inalis ni Happy ang braso niyang nakasampay sa balikat nito.

"Eww Ice wala ka na talagang pagbabago."

"Whoaa ano na naman sinasabi mo?" Hinabol niya ito. "Wala naman ako ginagawang masama ha?"

"Nakipagpalitan ka ng number sa isang di kilalang babae? At nakilala mo lang sa pila? Wow very unusual."

"As if naman itetext ko sya?"

"Huh?"

Piningwit niya ang celphone niya sa bulsa ng pantalon niya. "Hindi niya ako matetext dahil hindi ko naman binigay ang number ko sa kanya."

"What do you mean?"

"Did you see her finger? May wedding band sa kamay niya. She's married so I backed out."

"Nakita mo agad yun?"

"Ano ka ba yun dapat agad tinitingnan no? You know me, I dont mingle with taken ones."

Nakita niya na saglit na napangiti si Happy. "Gago!"

"Oy nangiti na siya. Nagselos ka no?"

"Haha assuming ka talaga! Tara na nga. Ang dami pa nating pupuntahan e."

"Oo ba." Muli niyang inakbayan si Happy pero this time hindi na nito iyon inalis.

My Heart Is On Bet!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon