Kabanata 25

101 2 1
                                    

Kabanata 25

Si Niko

Habang naghihintay sa paglabas nila ni Niko sa hapon ay ginugol niya ang oras sa panonood ng tv at pagbabasa ng magazines. Nasa garahe ang daddy niya at ang mommy naman niya ay busy sa paghahanda ng pananghalian. Ang kuya Santi niya at ang pamilya nito ay nasa isang guest room nila at tulog pa mula sa pagsalubong nila ng Bagong Taon noong nakaraang gabi. Sina Erwan at Penelope ay nasa kabilang kwarto naman at narinig niyang mageempake na para umuwi na sa bahay ng mga ito. Si Kenneth lang ata ang gising kanina pero umalis rin pagkatapos nilang mag-agahan.

"Happy, nak, palagay naman nitong ulam sa mesa at kakain na tayo. Patatawagin ko na din sa katulong ang mga kuya mo at magsikain na tayo."

Pinatay nya ang tv at nagtungo sa kusina. Nadatnan nya ang mommy niya na nakapamewang.

"Bakit, my?"

"Tsk tsk ang daddy mo talaga. Pinapagluto ko ng panibagong kanin, hindi man lang nagawa. Ako na naman tuloy ang gagawa."

"Ako na lang po, my." Nagtakal siya ng bigas at hinugasan. Pagkatapos ay nilagay sa rice cooker. Habang naghihintay ay naalala niya si Ice. Hindi pa rin siya mapakali dahil sa nakaraang gabi. Ilang tawag na din nito ang hindi niya sinagot. Natatakot kasi siya.

"Tulala ka dyan, okay lang ba anak?"

Hindi niya napansin na kanina pa pala siya tinitingnan ng mommy niya.

"Yes po."

Lumapit sa tabi niya ang mommy niya at hiniwa ang liempo na pananghalian nila, "Matanong ko lang, ikaw ba ay babalik agad sa Australia matapos ng kasal ng kuya mo?"

"Yes, my. Kailangan ko na din asikasuhin ang business ko doon." Muli niyang naisip si Ice. Babalik din kaya ito ng New York matapos ng kasal? Maghihiwalay na naman sila ng landas nito. Parang gusto niyang malungkot sa iniisip.

"Bakit hindi ka na lang pumirmi dito sa Pinas? Dito ka nalang magtayo ng business mo, anak. At least malapit ka pa sa amin ng daddy mo. Ang mga kuya mo nagsiasawahan na. Kung maghahanap ka man lang ng asawa, sana eh tagadito na lang."

"Wala pa nga po ako nahahanap, ma. Saka na po yan."

"Ang akin lang, simulan mo na maghanap. Hindi ka naman namin pinipigilan na ng daddy mo. Kumusta na yung mga nirereto sayo ni Ice?"

Napasimangot siya, "hmp. Ayoko sa mga yun."

"Bakit naman?" Nakakunot ang noo na tanong ng mommy nya.

"Hindi ko lang ho gusto."

"Alam mo kung hindi lang kilalang playboy yang kababata nyo, okay na sana ako kay Ice e. Matalino at talagang may itsura." Napaisip na sabi ng mommy niya at pagkatapos ay napailing, "pero hindi e. Baka katulad lang sya noon ng daddy mo. Napakabulakbol at baka hindi mo makaya ang kabi kabilang pambababae niya. Ayokong madanas mo ang nangyari sa akin. Naku sabi ko nga noon, muntikan nang iwan ko yang daddy mo e. At nakikita ko si Ice sa kanya ngayon."

"Ayaw nyo kay Ice?" Parang bigla syang nalumo.

"Hindi naman sa ayaw, napakabait ng batang iyon. Ang akin lang eh playboy yun."

"So, ayaw nyo nga sa kanya?"

"Hindi naman nga sa ayaw.. Teka, gusto mo ba sya?" Balik tanong ng mommy niya na sinulyapan pa siya, "alam mo naman na kahit kailan hindi ako nangingialam pagdating sa mga bagay na yan. Kung gusto mo si Ice-"

"Hindi ko po sya gusto! Uhm, naitanong ko lang naman. Actually, may date ako ngayon, my. Niko ang pangalan nya and he's a cousin of Ice's friend."

Dinala niya ang iba pang ulam sa dining table at nakasunod ang mommy niya.

"Nakilatis ba ni Ice? Baka naman hindi mo na naman magustuhan yun."

"He is nice. And..," napaisip sya. "Ice doesn't like him at all."

"Bakit naman? Unless that guy's a jerk kaya hindi gusto ni Ice."

"I don't know with Ice. He's acting a bit strange lately. Hayaan na natin."

Nagkibit balikat na lang ang mommy niya at ilang sandali pa ay naglunch na silang lahat. Matapos nun ay naligo na siya para maghanda sa paglabas nila ni Niko. Saktong pababa na siya nang marinig na may kausap na ang daddy niya sa sala.

"Ano nga uli pangalan mo, iho?"

"Niko ho."

Agad siyang napabilis ng pagbaba. Knowing her dad, mukhang ilalagay nito sa hot seat si Niko.

"Ah Niko. Niko ano? At saan mo naman dadalhin ang anak ko? Siguraduhin mo lang na-"

"Niko! There you are! Sorry medyo natagalan ako," nilampasan nya ang daddy niya at palihim na inirapan ito, "pasensya ka na sa daddy ko. Masyadong matanong."

"I'm an ex military, son. Just so you know."

"Okay! Dad, let's not get into that details okay?" Pinandilatan nya ng mata ang daddy niya. "Let me do the honors of introducing you to my dad. Dad, si Niko. Niko, si dad. Now that's more I like it."

"Hello sir. Nice to meet you," nilahad ni Niko ang kamay niya na atubiling kinuha ng daddy nya. "And to answer your question, Ferrer po ang last name ko. Niko Andrei Ferrer. Nakatira ho ako sa Block C, Cornell Place sa Greystone Village. Kung sakali man pong kailangan nyo pa ng additional info tungkol sa kinaroroonan ko."

Napamata lang siya kay Niko habang nakikipagkamay ito sa daddy niya. If he is this brave na humarap sa pamilya niya, mukhang may papupuntahan ito.

"Niko Ferrer? Alright, tatandaan ko ang pangalan na yan until you take my daughter safely today. Sige na lumakad na kayo."

"Thanks Dad. Halika na, Niko." Hinila na niya ito at sabay silang lumabas. Lihim siyang nagpasalamat na wala doon ang mommy niya at mga kuya niya. What could have happened if they are? Pinagbuksan sya ng pinto ni Niko. Nang maupo ito sa driver's seat ay nagpawala ito ng mahabang buntong hininga.

"Akala ko kailangan ko pang ilabas ang mga IDs ko dun, or worse my birth certificate."

Natawa siya nang makita na pinagpawisan ito nang malapot, "Akala ko nga din. Pagpasensyahan mo na and daddy. Its just that you're the first guy who went to our house to fetch me. Baka nabigla natin. Nung bata kasi ako, tumatakas ako dahil may mga kuya pa ako na kasing kulit ng daddy. I remember last time-"

"Wait, sorry to cut you," tiningnan siya ni Niko kaya napatigil sya sa pagsasalita, "you mean to say ako ang kauna unahang lalaki na humarap sa daddy mo?"

"Uhm.. Yeah. I know nakakahiya at nakakatakot pero I should have warned you about him first."

"Are you kidding? Happy, I am actually honored." Tumaas ang kilay niya nang napangiti nang malapad si Niko nang simulan nitong paandarin ang kotse. "In that case, I should level up our date considering na pinaubaya ka sa akin ng daddy mo for a date."

"Okayy." Hindi niya malaman kung bakit natutuwa pa si Niko. The way she expected it, matatakot ito sa daddy niya after that first encounter. Not the other way around. Mukhang high na high pa ito. "Hindi ka naintimidate kay daddy? Kasi usually guys who I dated are. I mean, uhm, they b-back off?"

Nakangiting sinulyapan siya ni Niko habang nagdadrive. "Intimidated? Nope. Intimidation is nothing if you are serious about something. And you, Happy, is what I'm planning to get serious about. Hindi na ako magpapaligoy ligoy tulad ng iba. I like you. And I'm willing to be intimidated by an ex soldier anytime."

Natameme siya. Her heart skipped a bit and she quickly analyzed the situation. She is in a car with a very hot guy for a date, her dad did not scare the shit out him, and he told her he likes him on their first date. Napangiti siya. This could mean something.

My Heart Is On Bet!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon