Kabanata 3

718 2 0
                                    

Kabanata 3

The Bet

"Whaaaat!?"

"Are you kidding us?"

"Anak, saan kami nagkulang!"

"Kaya pala ang laki na ng katawan mo ngayon!"

Sunod-sunod ang mga naging tanong sa kanya ng mga tao sa lamesa. Ang Daddy at mommy niya ay nagsisisihan na sa hindi niya malamang dahilan. Na kasalanan daw ng daddy niya ang lahat dahil sa mga pinagbibili nito sa kanyang toy guns noong bata sya. Ang mga kuya niya naman ay shocked ang itsura pati na yung mga hipag niya. The only people na hindi over acting ang drama ay si Mia na napapangiting naiiling at si Ice na binulungan pa sya.

"Nice adlib. Not to mention na kasalanan mo kung atakehin sa puso yang daddy mo. Sige ka."

That snap her back. Oo nga pala, her dad has a mild heart attack. Itinaas niya ang kamay niya to get their attention. "Hep hep. I was just joking, people."

"Well that was bad, Happy." her mom said accusingly.

"Eh kasi naman kayo, ginagawa nyong big deal ang lovelife ko. Hindi pa ba kayo kuntento na may pamilya na si kuya Santi at ate Leni at binigyan pa nila kayo ng apat na makukulit pero mga cute na cute na apo--"

"True that." Tango tango si Santi.

"At si kuya Erwan na kakakasal pa lang two years ago? Katakot-takot na gastos rin natin para sa kasal nito, noh?"

 "Oy oy! Ako gumastos lahat ng sa kasal ko ha!"

"Hehehe joke lang kuya. Just humour me na lang, pwede?" At binalingan niya si Kenneth na nakaakbay kay Mia. "At si kuya Kenneth o ayan.. sa sobrang pihikan ay sinong mag-aakala na natagpuan na rin niya ang kanyang Princess Charming? And God knows kung ikakasal na din ang dalawang iyan this year. Now tell me, Mom, Dad.. nakukulangan pa ba kayo sa buhay nyo? Ha?" She said it with dramatics involved.

"Actually anak.. oo. Hay naku tinatanong pa ba yan? Eh nag-aalala kami sayo ng daddy mo. Ni isang lalaki wala ka pang pinakilala sa amin. Kaya nung sinabi mo na ano ka aba eh kamuntik na akong mahimatay!" 

"Eh kasi naman nga masyado ninyo akong inaalala. I can take care for myself. I do'nt need a... man." Hindi niya alam kung bakit nagalinlangan siya sa sinabi niyang iyon.

"Everybody needs somebody, Happy."

Napatingin siya sa kaliwa niya kung saan nagsalita si Ice. Seryoso ang mukha ng kumag na parang silently na ineenjoy nito ang paghaba ng usapan ng pamilya niya tungkol sa kanya.

"If it's okay sayo.. I could find you a date?" Patuloy ni Ice. Mukhang seryoso pero alam niyang pinagtritripan lang siya nito.

"Ayan ka na naman Ice eh. Nakikialam ka naman. Anong akala mo sa akin, kahit kailan pa hindi pa naranasang makipagdate? Jello! Do I look like the girl na hindi pa inimbitahan makipagdate ever??"

Ice's lips curved into a taunting smile. "Honestly?.. Oo."

"Urrgghh!! Well nagkakamali ka dyan. I go on dates sa Australia! Aussies.. English.. Pinoy..name them. I have dated them all!" Alam niyang she is stretching her lies way too much. Pero who cares? Pride niya na ang pinag-uusapan dito.

"Okay... if you say sooo..." Kumibit balikat si Ice at pakunwaring umiinom ng sabaw sa bowl niya.

"Grrr! You know what? Ang lakas ng loob mo na pagsabihan ako ng mga ganyan wherein ikaw ang dapat bigyan ng advice pagdating sa love na yan eh. You are a playboy! You break young girls' hearts!!"

My Heart Is On Bet!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon