Kabanata 8

487 5 3
                                    

Kabanata 8

Sagada

"O yung mga bababa ng interseksyon patungong Sagada hanggang dito na lang po tayo."

Naalimpungatan si Happy sa sigaw na iyon ng konduktor ng bus. Kinukusot kusot pa niya ang mga mata niya nang tumayo sa tabi niya si Ice.

"Nandito na pala tayo. Are you fully awake?" tanong ni Ice sa kanya. Halos mabato balani siya sa nakitang itsura ng lalaki. Bakit ang hot pa rin nito tingnan kahit bumiyahe pa sila ng mahigit anim na oras? Samantalang siguro siya ay pwede nang pagprituhan ng itlog ang mukha sa pagkamantika nito. Ugh nakakaconscious ha!

"Wala bang bababa?"

"Sandali lang ho." Si Ice na mismo ang kumuha ng mga gamit niya at ipinasa kay Filo ang isa sa mga bags niya. Isinubkit nito sa balikat ang isa pa niyang dala at inalalayan siya makatayo. Magkahawak kamay silang naglakad para bumaba.

Hindi kaila sa kanya na pinagtitinginan sila ng mga kasama nila sa bus partikular na ang ilang mga kababaihan doon. Kung ganito ba naman kagwapo ang makikita mo sa araw-araw kung hindi ka magsesecond look? Feel na feel tuloy niya ang holding hands nila ni Ice. Hihihi :3

"Uwaaaaaaaaaah ang lamiiiiigggg!!!!" Agad siyang nagsumiksik kay Ice nang maramdaman niya ang unang dampi ng hangin ng Sagada sa kanyang katawan. "M--mmyy gaaashhh diiii kohhh a--akalain na ganito kalamig ditooo."

"Kunin mo ang sweater mo sa bag mo. Sandali doon tayo sa waiting shed umupo. Filo, dito ka muna at mag-abang ng masasakyang jeep ha."

"Yes boss." 

"Dumating lang tayo sa panahon na talagang malamig dito sa Sagada. I think it's around 2 degrees ang temperature ngayon at mas lalamig pa siya bandang hapon." Yumuko si Ice para buksan ang duffel bag na dala niya. "Nasaan ba dito ang sewater mo? Tingnan mo nga yang sarili mo. Nakatalungko ka dyan na parang ewan."

Grabe ang hot- hot talaga nito tingnan. Parang di alintana dito ang lamig ng lugar. Umaapaw sa sex appeal ang mokong. Napansin niya na bagong gupit din ang binata at mukhang bagong shave ng balbas. Sabayan pa na nakashades ito na itim.. ahhh Hollywood superstar na ang kasama niya!

"Happy? Happy, hey I said nasaan ang sweater mo dito?"

"H-ha?" Ano ba yan. Nagiimagine na naman siya ng kung ano-ano. "Ahm eto, suot ko na. Ano eh.. isa lang kasi ang dala ko na sweater. Malay ko ba na napakalamig pala dito sa Sagada."

Ice tsk-tsked at tumayo mula sa pagkakaduko sa bag niya. Nagulat na lang siya nang hubarin nito ang jacket na suot at mismong inilagay ito sa kanya. Nakaputing simpleng t-shirt na lang ito.

"Ice, ano to?"

"Jacket. Hindi nga lang masyadong makapal but that would do."

''Tse, alam kong jacket ito. What I mean is paano ka?"

"I'll be fine."

"No. Sayo na lang ito--" Akmang huhubarin niya ang jacket nito nang pigilan siya ni Ice.
"Haps, are you crazy? Tingnan mo nga yang sarili mo. Your lips are turning purple sa lamig. At ang mga kamay mo.. they are trembling. Suootin mo na yan coz I'm fine." Nauna nang lumakad si Ice sa kanya habang siya ay naiwan na nakamata lang dito. Kumakabog ang dibdib niya. Uh-oh iba na naman ang nararamdaman niya. Iwinaksi na lang niya ang damdamin at sumunod kay Ice na kausap ni Filo.

NAPABALIKWAS SIYA nang bangon nang magising. Ilang minuto din niya prinocess na wala siya sa kwarto niya. Nang maalala na nasa Sagada siya ay bumangon na siya. Hindi na gaanong kalamig dahil nakaheater ang kwarto na tinutulugan niya. Napatingin siya sa orasan sa bedside table. Ala-una na ng hapon. Ibig sabihin nakatulog ulit siya ng mahigit dalawang oras. Nasaan kaya si Ice?

My Heart Is On Bet!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon