chapter two

54.3K 1.3K 15
                                    

Chapter two

Ipinaliwanag ko sa kanila ang nangyari sa amin ni Theo. And they're all in shocked.

Galit ang nakita ko sa mga mata ni Osang. Naiintindihan ko sya kasi isa sa mga batas naming magkakaibigan na hindi pinipilit ang mga bagay na hindi naman dapat.

And I am so guilty, alright. Pero nandito na ito at hindi ko ito desisyon, I consider dad's situation. Ano nalang ang magiging reaksyon niya kung ako naman ang magmamatigas samantalang pumayag na si Theo. Baka itakwil na niya ako, they're  only my legit family at kapag itinakwil nila ako babalik na naman ako sa dati. Walang pamilya at nag iisa sa isang sulok ng orphanage.

"So ano na ngayon? Kahit ikaw ang asawa nagmumukha kang kabit kasi ikaw ang itinago!!!" Bulyaw sa akin ni Osang. Nadurog ang puso ko sa sinabi niya, Alam ko naman kasi iyun mas masakit lang dahil isinatinig niya.

"O my-- nakita ko si Theo sa village namin kaninang umaga sinusundo si Audrey, alam mo naman na same village kami diba?"  Mahinang sabi ni Lian at medyo nanlaki ang mga mata.

Parang may matalim na tumusok sa puso ko sa sinabing iyon ng aking kaibigan. Bakit pa sya nagsinungaling? E alam ko naman na nagkikita sila. Talaga bang wala akong halaga sa kanya kahit kaibigan man lang? Mula noon I'm always the least priority, no! Not a priority. Wala talagang halaga.

Hindi ko alam pero parang ang sakit lang. Knowing that I'm the wife pero iba ang mas pinapahalagahan niya ay sampal sa mukha. Anong magagawa ko, napasubo na ako.

Noon pa man gusto ko na si Theo, who wouldn't? Lahat yata ng babae sa batch namin ay nahuhumaling sa kanya pati pa bakla.Pero dahil sa rule namin ng mga kaibigan ko ay hindi ko inaalagaan ang damdamin na iyon although minsan natutulala ako kapag nakikita sya. Gwapo, yun naman lage. Achiever, atleta at masipag kahit mayaman ay hindi mayabang, snob nga lang.

Dati kami naglalaban sa chess pero tinigil ko ng naging sila ni Audrey, feeling ko kasi mali, hindi tama. Siguro dahil ayaw kong mas lumalim dahil palage ko siyang nakikita.

Hindi ko man pinatay ang damdamin kong iyon ay hindi ko rin inalagaan. Isinantabi ko lang. Kaya noong may nangyari sa amin ay half of me is guilty and half of it is happy. Guilty man ako sa kasal namin may bahagi ng pagkatao ko ang nagbunyi. Syempre si Theodore Monteclaro ito.

"Hayaan niyo na. Kung saan man kami dalhin ng pagsasamang ito-"

Kumalabog ang silyang inupuan ni Osang. Natumba pala ito pagka tayo niya at nagulat kaming lahat.

"Sissy, you're doing a suicide!!. " sabi ni Amber

Kumonot ang noo ko.

"What are you trying to say,Amber?" Nagtatakang tanong ko.

" Sissy no one can resist a Theodore Monticlaro !! At ang ideyang asawa mo sya sa tingin mo hindi ka mahuhulog ng tuluyan? At lalagapak ka lang sa lupa kasi ang ang taong yun ay may mahal ng iba! Hindi ka niya sasaluhin." Naaawang pahayag ni Amber. Nakaawang ang bibig ko sa pahayag niya.

Alam ko,na alam ni Amber na may gusto ako dati Kay Theo kasi kahit siya at si Lian Kay may lihim din Kay Theo. Sa school namin dati walang hindi nakakapansin sa kanya.

"Annulment" si Osang yun.

Marahas akong napatingin sa kanya.

"No!!" Agap ko.

"Sinasabi ko na nga ba!" Biglang bawi naman ni Lian.

"We're trying to save you sissy!" Amber.

Nag init ang ulo ko sa sinabi nila. Anong akala nila sakin batang paslit na kailangan gabayan? Oo dilikado ang puso ko pero alam hindi naman ako ganoon ka tanga para hayaan nalang ang sarili sa putikan kung sakali man, hindi na ako bata at siguro naman kakayanin ko yun.

"No! You guys are trying to blocked my own decisions!  I know your my friends and even my sisters but don't you see? I'm all grown, I can take care of myself." I burst.

"Now your blinded!" Si Osang at umirap sa akin.

I stood up. " Wag niyong pangunahan ang mga pangyayari, Hindi natin alam kung yan ba talaga ang mangyayari."

Tumayo na rin si Lian "paano kung mangyari nga?"

Katahimikan ang bumalot sandali sa amin. Nag isip ako kahit wala namang tamang maisip dahil malaki naman talaga ang chansa sa mga sinasabi nila.

" I know how to cry and be wasted and after that I  will stand up, accept and move on.....yun naman yun diba?" Kalmanti kong sabi kahit parang pinipirapiraso ang puso ko sa nakikitang posibilidad.

"Easy for you to say" si Osang na hindi parin humuhupa ang galit sa akin.

"Guys let's get out of our comfort zone, and when everything get mess we still have each other. Right?" I'm trying to make the tension light dahil ang bigat sa pakiramdam na ang mga kaibigang sinandalan mo dati ay against sayo ngayon.

"What am I trying to say is that hayaan na muna natin ang mga sarili nating mainvolve minsan sa labas ng mundo natin... We're guarding ourselves too much since high school kaya nga tayo walang mga boyfriends.....at hindi tayo habang buhay single." Explain ko sa kanila,alam kong hindi naman talaga iyun ang dapat na sabihin ngunit kahit ako ay nangangapa para lang maintindihan nila ang sitwasyon ko.

Walang ganang kinuha ni Osang ang bag niya sa table ko. " yeah right, good luck. " at tuluyan ng umalis.

Napahawak ako sa aking silya dahil para akong  nawawalan ng balanse sa disappointment na nakikita ko sa mga mata nila. Para bang nilalayuan na nila ako na parang meron akong sakit. Sila ang pinakakailangan ko ngayon pero halos itakwil nila ako.

"In love kana yata," Lian whispered at siniko pa ako.







❤ LibRanz01



Mistaken Love (SBH Series#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon