chapter three

50.6K 1.2K 9
                                    

Chapter three

Tahimik ang lahat sa opisina, Hindi nila ako kinibo. Ang bigat sa pakiramdam,para akong outsider sa dating na ito. Hindi ko sila pinilit, kasalanan ko naman. Nanghihinayang lang talaga ako dahil sa lahat ng tao dapat sila ang unang iintindi sa akin pero wala sila. Mas lalo tuloy akong naging down.

Panaka naka akong tumingin sa kanila pero bisi-busyhan lahat sila. Iisa lang ang opisina namin kasi gusto namin nakikita ang isa't isa, maliit lang kasi itong building namin. Pero ngayon feeling ko isolated ako at walang nakakakita.

Tree storey building itong inupahan namin sa tiyuhin ni Amber. Ang first floor ay nahahati sa showroom at printing section ang likod nito. Ang second floor naman ay nahahati sa opisina naming apat at mga sewing machine, we have 10 machine at amin ang apat, may lima kaming mananahi at freelance ang isa kasi studyante pa. Ang third floor ay ang mga tela at mga tapus na mga orders.

Kumikita na man ang aming negosyo kasi passion namin lahat ito. Si Amber ang nagmistulang designer at taga lay out, mahilig sya gumawa ng mga damit na ayun sa mga imagination nya. Ang showroom ay mistulang dressing room nya kasi doon sya naglalagi at madaming kabataan ang nakaabang sa kanyang mga new designs.

Si Lian ay ang aming accountant lahat ng lumalabas at pumapasok na pera sa aming maliit na kompanya ay siya ang naka assign. Nagtatahi din siya ng mga pambatang mga damit, Ewan ko pero forte nya iyon.

Si Osang sa mga tela at mga orders. Ako naman ang taga hanap ng mga possible clients. Tumutulong kami sa pag tatahi kapag ka madami ang orders at rush.

"Magpapadala tayo ng dalawang mananahi sa St.Theresse para sukatan ang mga bata sa kanilang PE uniforms. Nailahad ko narin ang terms of payment." Sabi ko Kay Amber at Lian na may ginagawa sa kanikanilang mesa.

Amber turn her gaze at me. "I think Jessy and Norma will be fine''. Sagot nya.

"Okay."

It ends up very tiring, tumulong kami sa pagtatahi ng mga basketball uniforms kasi kukunin na ito bukas. Marami kasing nagpapatahi ng mga PE uniforms , tatlong schools at pang apat na ang St.Therese.

I went home drained.

Before I get inside  pinagmasdan ko muna ang bahay, Theo just rent this house for us. Simple lang, good for a starting family.

Never in my dreams na maging asawa ko si Theo. Theo is on his way to be the future CEO of a construction supply company. Ni train siya ng papa niya ngayon kaya ayaw niya muna ng destructions. Kaya ang nangyari sa amin ay nilihim nya.

Ne rentahan nya ang bahay na ito upang hindi na kami magtalo kung saang condo titira. He is earning on his own,he's building his own name in there industry kaya wala pa daw siyang pambili ng bahay. If I know wala naman talaga siyang planong seryusuhin ang pagsasama namin dahil kung oo makakabili naman talaga siya ng bahay o di Kaya ay ititira niya ako sa condo niya. Palage akong nasasaktan sa ideyang iyan ngunit hindi ko maiwasang isipin. For him, temporary lang itong lahat.

Pumasok na ako upang makapag luto ng hapunan, sana this time sasabay siya sa akin sa dinner para naman hindi masayang ang luto ko at nang maibsan naman ang kalungkutan ko.

After kong makapagluto at naligo muna ako upang mabuhayan naman ako ng kunti kasi pagod na talaga ako.

Nagbihis ako ng aking pantulog na cotton nighties para after ng dinner ay matutulog nako. Hintayin ko nalang muna si Theo ng kunte, nagbabakasakaling sasabay siyang dinner.

 Hintayin ko nalang muna si Theo ng kunte, nagbabakasakaling sasabay siyang dinner

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Narinig kong dumating na ang sasakyan ni Theo.

Dali dali akong lumabas ng kwarto namin. Pagkapasok nyang bahay ay sinalubong ko siya at kinuha ang dala nyang laptop, asawang-asawa ang peg.

"Thank you." sabi niya at mukhang pagod na pagod.

"Dinner is ready!" I said with a smile. At sana ay paunlakan niya.

He look at me.

"Sure!." Pagod parin niyang sabi.

Nabuhayan ako sa sagot niya kaya nagmadali ako upang hindi magbago ang isip niya.

I put his laptop on the center table sa living room at sabay na kaming pumunta sa dining. Pinaghanda ng plato at kubyertos. Sinandukan ko pa siya ngunit kanin at ulam. Masaya lang talaga ako at sa wakas ay pinaunlakan niya ako ngayon.

"You can cook." He said na parang nasasarapan. Calderita at pritong isda lang naman ang ulam namin.

''I do, I'm an independent you know." May pagmamayabang kong sagot.

Nagpatuloy siya sa pag Kain. First time namin magsabay kumain sa bahay. May nag pop up na tanong sa utak ko.

When he almost done--

"Ahm Theo...did you...ever think... Of..."

He stared at me. "Spell it out Toni"

Kinabahan ako bigla. Umayos ako at siniguro ang piling mga salitang gagamitin ko.

"Did you ever think of working this marriage? " diritsong sabi ko. Para hindi mawala sa isip ko. Namula ako sa sariling tanong, Alam ko naman ang sagot noon pero tinanong ko pa talaga, nagsisi tuloy akong nagsalita pa. Baka hindi na siya sasabay sa akin sa susunod.

He stiffened. And stared at me with tension. Napakagat labi ako at yumuko, parang gusto ko nalang maglaho ora mismo.









❤ LibRanz01



Mistaken Love (SBH Series#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon