chapter nineteen

43.4K 1.1K 26
                                    

Chapter nineteen

Iiyak,tutulala. Iiyak naman at matutulala uli.

Nababaliw na yata talaga ako.

Nagagalit  ako pero hindi ko alam kung kanino, Kay Theo ba o sa sarili ko mismo. Nagagalit ako Kay Theo dahil akala ko matino siyang lalaki yun pala katulad din siya ng karamihan, mapagsamantala. Nagagalit ako sa aking sarili dahil hinayaan kong mahulog sa taong walang kasiguraduan, Nagagalit ako dahil nagiging bobo ako.

Ang tanga tanga ko!!!!

Gusto kong sumabog dahil sa samot saring mga emosyon lumukob sa akin. Kinuha ko ang vase na pinakamalapit sakin at binato iyun. Lahat ng nahahawakan ko ay pinagbabasag ko, gusto kong ilabas itong nakakamatay na damdamin.

Ang sakit, sobrang sakit.

"Ahhhhhh!!!!"

Nagsisigaw ako sa poot, para na nga akong baliw. Nakaramdam ako ng hapdi sa aking paa at ng tingnan ko ito ay may tumarak na bobog at umaagos na doon ang sariwang dugo mula sa sugat. Alam kong masakit ito pero mas masakit itong nasa puso ko ngayon.

Tumigil ako sa pagwawala at naupo sa sahig, umiiyak na naman. Wala na bang kapaguran itong mga mata ko?

Dad was a chess player, a great player actually.And he teach me to play wise. At sa limang set ng laro namin natatalo ko siyang dalawang beses, ibig sabihin magaling ako. Yun ang sabi niya, kaya tulad ng paglalaro ng chess gagawin ko din ito sa totoong buhay, ang maging clever at maingat bago gumawa ng hakbang o desisyon. Pero nabigo ko si dad at higit sa lahat ang aking sarili. Napaka walang kwenta ko. Nakakahiya ako, kaya pala ako ipinamigay ng sarili kong mga magulang dahil wala akong kwenta. Sariling buhay hindi pa maayos.

Nanatili akong nakaupo hanggang sa Wala ng luhang tumulo sa aking mga mata. Pati narin ang dugo sa aking paa ay hindi na dumadaloy, namanhid na ito tulad ng nararamdaman ko.

I stood up and took my things in the laguage, wala ng dahilan  upang manatili pa ako dito. Ang bahay na ito ay alala ng kasinungalingan. Alaalang kahit matamis at masaya ay ayaw Kong baunin dahil hindi iyun makakabuti sa akin. Mga alaalang dapat ay manatiling lihim. Para akong nabubulunan sa isiping iyun, it's too much. It's really hard and painful.

Pagkatapos kong isalin lahat ng gamit ko sa maleta ay lumabas na ako ng silid, locking it with our disgusting memories behind.

Sa huling pagkakataon ay tiningnan ko ang loob ng bahay, its a mess. Napaka gulo at humalo pa doon ang dugo ko. Para itong nalooban at niransak ng mga kawatan. Napadako ang tingin ko sa wedding picture namin na naka frame, nilapitan ko ito at tinanggal ang litrato sa frame saka hinati sa gitna upang maihiwalay ko ang aking imahi sa kanya. Itinapon ko ang may mukha niya at pinipiraso ko ang akin. Hindi ako yun. Simula ngayon hindi na ako paloko pa, ibabalik ko ang pader na nakaharang sa puso ko at pagtitibayin ko ito. Hindi ko kailangan ang ibang tao, kailangan ko lang ang sarili ko. Matutoto ako sa pagkakamaling ito. Itatak ko yan sa isip ko.

Nang hawakan ko ang door knob ay nasagi nito ang sing sing ko dahilan upang gumawa ng kunting taginting. I held the ring, its our wedding ring. Tinitigan ko ito, ayoko ko ng mag isip pa pagod na ako. Tinanggal ko ito at inihagis sa loob ng bahay. Diyan ka nababagay. Ayoko ng kahit anong alala mula sa taong sumira ng puso ko. Sa taong nag paasa sa akin. Balang araw luluhod rin kayo sa akin at sa pagkakataong iyon lalagpasan ko lang kayo.

I Left the house without closing it.Highly Secured naman ang village kaya walang mananamantala dito. Dumiritso ako sa kotse inilagay ko ang bagahi ko sa compartment at tumuloy na. Its 2am dawn kaya napaka tahimik ng kalsada, katulad sa paligid humupa rin ang pait na naramdaman ko. Kasing lamig nito ang pang umagang hangin. Nakakabingi din ang kamandihan, noh.

Mayamaya ay nag ingay ang aking cellphone na nasa dashboard at ng sulyapan ko ito ay si Aliyah ang tumatawag. Bakit gising pa ang isang ito?

"Aliyah!"

"Ate!" Humihikbi ito. Linukob ako ang takot at kaba.

"Aliyah what's happening?" Nag papanic na ako.

Humihikbi parin ito. "Ate si Dad" lumaki ang mata ko. Anong nangyari Kay dad? Tuluyan na akong nanginig. Mukhang alam ko na ang nangyayari. no!

"Where are you?" Nanginig kong sabi.

"St. Luke's, magmadali ka ate, natatakot ako." And my phone went dead. Lowbat na pala. Inihagis ko ito at nagmadaling pinatakbo papuntang Hospital ang kotse.

Wag naman sana ngayon Dad, kailangan Kita. Kailangan ko ng taong magpapatahan sa akin at alam kong ikaw iyon, kahit hindi tayo ganoon ka close hinahangaan Kita sa mga payo at paninindigan mo Dad. Wag muna ngayon, babawi pa ako sa mga kabutihan ninyo.

"Hold on Dad, I'm coming."

Umiiyak na ako sa pag alala. Ang kaninang humupa kong pighati ay bumalik at natatakot narin ako para Kay Dad.










❤ LibRanz01

Free to comment.
Not edited.

Mistaken Love (SBH Series#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon