chapter twenty nine

49.8K 1.2K 31
                                    

Chapter twenty nine

Theo's POV.

I keep my marriage to everyone. I'm on my way of becoming a CEO of our family's business which is a construction company or a Builders. I don't need any hassle and destruction, that's why I let Audrey persue her dream and its a modeling abroad. She just promise me na pagkatapos ng aming mga pinagkakaabalahan ay babalik kami sa isat-isa at bubuo ng sariling pamilya. I just said yes, and she take it as a promise.

I'm not a Playboy type of a guy. I don't even do flings. Sabi ni mommy kung ayaw daw namin na nadihado ang kapatid naming babae we must learn to respect womans. Kung ano raw ang gagawin mong kabulastugan sa mga babae mangyayari daw iyun sa kapatid mong babae or even to your own daughter someday. Of course I don't want it, makakapatay siguro ako kapag may mananakit sa mommy at kapatid kong babae at kahit pa sa magiging anak ko.

Kaya ang laki ng pagsisisi ko ng sinaktan ko si Toni. Ramdam ko ang talim at lamig sa kanyang mga titig at natatakot akong kamuhian niya ako. Parang gusto kong bawiin lahat ng mga maling nagawa ko sa kanya, pero paano? May pagkakataon pa ba ako? Pero paano din si Audrey?

Mula ng maghiwalay kami ni Toni ay nakuha kong ikumpara silang dalawa although its not right,hinahanap ko lang talaga ang pag aasikaso ni Toni sa akin. Gaano man siya ka busy she will always save time para lang pagsilbihan ako which is very unlikely to Audrey. She's bossy at walang ganang gumawa ng mga pambahay. Wala kaming katulong ni Toni dati pero nagagawa niya ang mga household chores ng walang sinasabi. Si Audrey pagtitimpla nga lang ng kape iniutos pa.

Pero bakit ko ba nakikita ang mga pagkaibahan ni Audrey at Toni? Di kaya namimis ko lang siya? Dati tinatanaw ko lang siya pero naging asawa ko siya at abot kamay na pero pinakawalan ko lang.

I am a totally jerk.

Napabalik ako reyalidad ng mag ring yung phone ko sa may dashboard. And its Audrey calling.

"Audrey!"

"Theo! May mga pulis sa condo ko puntahan mo ko please! Natatakot ako."She cried.

"What? Bakit may pulis?" Pagtataka ko.

"Please!! They're arresting me!! Hurry up!" Takot ang bosess nito!

Kinakabahan ako.

"OK, I'm on my way."

Pinasibad ko ang sasakyan patungong condo ni Audrey, bakit kaya? Anong kasalanan niya? Sa tono ng boses niya kanina ay takot na takot ito. Dalawang araw na kaming hindi nagkita nito kasi ang dami niyang dahilan ni hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.

Nang marating ko ang building ng condo niya ay may dalawang Police Mobil kaya dali-dali kong inakyat ang palapag ng condo niya. At pagdating ko doon ay nasa labas ang mga police, siguro hindi niya pinapasok.

"Excuse me officer, what's these all about?" Tanong ko sa isa sa apat na police na nandoon.

"Inaaristo namin si Miss Abonitalla sa salang--"

"Nasaan ang walang yang babaeng yun ha?" Asik ng familiar na boses papunta sa amin.

"Hindi po kami pinapasok ma'am."sabi ng isang police.

"Ang kapal ng mukha nya!!!" Si Osang ito ah, kaibigan ni Toni. Galit na galit ito at parang kakain tao. Nawawala ang poise niya sa galit.

Pinaghahampas niya agad ang pinto ng condo ni Audrey nang makalapit.

"Walangya ka!! Buksan mo tong pinuntuan mo kung ayaw mo sirain ko to basagin yang pagmumukha mo bruha ka!!" Sigaw niya at nanggagalaiti na talaga sa galit. Anong atraso ni Audrey sa kanya. For I've known hindi sila magkakilala.

Biglang bumukas ang pinto, umiiyak doon si Audrey. Nabahala agad ako sa itsura niya.

"Please, umalis na kayo hindi ako yun," pagsusumamo niya.

Bigla syang sinunggaban ni Osang at hinablot ang buhok palabas.

" Wait! Ano ba!!" Pigil ko Kay Osang at pumagitna sa kanila. Ngunit hindi parin nito tiantantanan si Audrey, pilit niya itong inaabot sa likod ko. Nalito naman ang mga pulis sa mga nangyayaring kaguluhan.

"Kapal ng mukha mo,kitang Kita yang demonya mong pagmumukha sa CCTV dahil hindi naman tinted yang sasakyan mo!..sa susunod na gagawa ka ng krimin siguraduhin mong walang plaka yang sasakyan mo!! Mabubulok ka sa kulungang hayop ka!!" Galit na galit ito.

I tried my best to cover up for Audrey, kapag mahawakan siya ni Osang I'm sure hindi lang sabunot ang makukuha niya.

"Sandali lang! Sandali lang, pwede naman siguro itong pag-usapan ng maayos? Hindi ganito."

Nanlilisik agad tingin niya sa akin ng makilala.

"Oh here comes the night in shinning armor....(ang talim ng mga titig niya) sinagasaan lang naman yang magaling mong babae ang kaibigan ko at hanggang ngayon hindi pa nagigising sa ICU!!!! Sa tingin mo mapag uusapan pa ito ng maayos kung nanganganib ang buhay ng kaibigan ko?" Singhal niya at nanlaki ang mga mata ko.

Si Toni.

Walang ibang pumasok sa isip ko kahit meron pa naman siyang ibang kaibigan.

Umiiyak parin si Audrey na nagtatago ngayon sa likod ko.

"It was an accident." she cried and tried harder to explain.

"Bakit? Kailan naging highway ang entrance ng hospital?.... Hala dalhin yan Wala akong panahon sa mga kaartihan mo!!!." Umuusok na ang ilong niya sa galit.

Hindi ako nakagalaw.Pinusasan agad si Audrey nang hindi na ako humarang. Umiiyak ito at umiiling.

"No.no.no" she cried and tried to hold  me but the police are already surounds her. Hindi ko parin naiintindihan ang mga nangyayari.Dinala na ng mga pulis si Audrey habang nakasunod naman si Osang.

"Sandali, Osang." lumingon naman ito sa akin, ang lamig ng kanyang mga tingin ay nagpakaba sa akin.

"Where's Toni?" Sabi ko sa pinakamahinahon na paraan. Mentioning her name hurt so much.

"Magsama kayo ng babae mo!" Madiin nitong sabi at tinalikuran ako,sumakay na din sya ng elevator.

Kailangan kong malaman ang kalagayan niya. Kung nasa ICU ito ibig sabihin ay malala ito. Why the hell is this happening to her?

Nagmamadali akong sumakay sa kabilang elevator. Susundan nalang Kita Osang kung ayaw mong sabihin sa akin ang kinaruruonan ni Toni.

Hindi ko malaman ang dapat kung maramdaman, nakakabobo. Kinakabahan talaga ako, gusto ko syang makita. Natatakot ako at the same time ay sinisisi ko ang sarili ko. But what about Audrey, bakit niya nagawa ito?



















Mistaken Love (SBH Series#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon