chapter twenty five

47.5K 1.1K 21
                                    

Chapter twenty five

Naghiwa hiwalay na kami after namin magkaintindihan. Nagpapasalamat ako at hindi nila pinilit ang gusto nilang mangyari bagkus ay sinuportahan nila ako. Napaka swerte ko at sila ang aking mga kaibigan, hindi nila ako sinumbatan o sinisi dahil binalaan na nila ako dati pa. If the I will given a chance to choose a friends I will always choose them over a parents who abandoned me from the very beginning.

Hindi muna ako umuwi ako at nag ikot ikot muna. Wala naman akong gustong bilhin, window shop lang. Exercise narin para sa sarili.

Napadaan ako sa stall ng frutaz, ang sarap yatang uminom ng shake kaya nagpagawa ako ng watermelon shake. Gusto yata ng panlasa ko ang mga prutas na e shake. Nang makuha ko na ang order ay napadako ang tingin ko sa isang manikin na ang sa suot nitong halter dress na kulay dilaw. Parang gusto ko yata soutin kaya nilapitan ko ngunit may babaeng nauna sa akin at nagtanong kung may iba itong kulay.

I stare the lady's back kasi familiar.

"Hon nakapili kana?" Sabi ng lalaking lumapit dito, and it was Theo and the lady was Audrey. Kaya pala familiar. I clenched my jaw, ang saya ng mga walanghiya. Hindi ko maiwasang murahin sila ng paulit-ulit sa aking utak. Hindi ko rin mapigilan na madaling magalit. At para maiwasan ito ay aalis na lang ako ng hindi nila namamalayan.

Aalis na sana ako ng tumingin si Theo sa banda ko at nahigit niya ang kanyang hininga. Nagulat siya, sigurado yun.

Parang gusto kong umiyak sa nakita ko,masakit. Bakit ko pa ba sila nakita? Para ipamukha sa akin na masaya sila samantalang ako nagluluksa? Nagdurusa?

"Toni" ani ni Theo at lumingon narin sa akin si Audrey. Dali-dali syang dumikit Kay Theo at ikinawit ang braso nya sa lalaki. Oh well kahit itali mo yan girl wala akong paki. Tinaasan ko lang sila ng kilay at tinalikuran.

I heard Audrey murmurd something at binara naman ito ni Theo.

Dumiritso ako sa powder room ng mall kasi para akong nasofocate. Bakit ko pa ba sila nakita!?

Hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha sa aking mga mata. Bakit para yatang sirang plaka na paulit ulit itong nagrereplay sa utak ko. Ang sama nya, hanggang kailan mo ba ako papahirapan Theo? Pinaubaya na kita sa kanya.

No! I need destruction para hindi ko na siya maiisip.

Kinabukasan ay pumasok na ako sa trabaho at laking gulat ko ng may construction na ginagawa. Actually sa ibabaw ito ng building namin. Ano nangyayari dito?

"Welcome back ma'am Toni." Sabi sa akin noong guard namin.

"Anong nangyayari dito at bakit wala akong alam kuya Raul?" Tanong ko sa kanya.

"Ang alam ko po ma'am ay padadagdagan ng palapag itong building niyo. At sponsored po ito ng asawa ni ma'am Amber." Masayang saad niya.

Galante.

"Ganoon ba? Dumating na ba sila?"

"Ikaw palang po ma'am. At ang opisina niyo ay pansamantalang doon sa kabilang building, baka kasi madisturbo kayo sa construction."

Sinamahan ako ni kuya Raul sa pansamantala kong opisina. It was fine, temporary lang naman. At least makakahinga naman ng maayos. Ito yung dating snack bar, hindi ko alam kung bakit hindi na sila nagrenew ng permit at pinasara na lamang.

I open my emails at tambak na ito. Good destruction.

Inabala ko ang sarili sa trabaho upang mawala sa isipan ko ang hindi dapat iniisip. I know ngayon lang ito dahil fresh pa naman pero mas mabuti nang simulan ang pag move on.

Maya maya ay nagsidatingan na rin ang mga kaibigan ko,simpling kamustahan lang at humarap na sa kanya kanyang trabaho. Hindi na kami nagkaroon pa ng oras pa upang mag usap usap kasi busy din sila. Lumalago na talaga itong negosyo namin, nakaka proud. May mga bago na din kaming mga tauhan at mga bagong kliyente na ako ang nagpapasok. When I checked our accounts, its growing every day.

Ganoon ang set up sa araw araw kong buhay, busy dito busy doon.Ni hindi na nga kami nagkakamustahan na mag kaibigan sa abala ang lahat.

As usual morning ginising na naman ako ng sama sa tiyan. Hanggang kailan ba ang morning sickness na ito? Ang bigat din yata ng pakiramdam ko ngayon, parang ayokong pumasok pero hindi pwede may meeting ako with the new client.

Kaya kahit masama ang pakiramdam ay papasok parin ako. I can do that rest this weekend nalang.

"Ma'am Toni may sulat pong dumating kahapon para sa inyo." Sabi ng katulong namin. Sino naman kaya magpapadala nito sa akin. Kinuha ko ang sulat na nilahad niya, isang long brown envelope.

When I open the envelope......

Annulment case

Para akong sinuntok ng pagkalakas lakas at bahagya akong napahawak sa aking dibdib. Tuloy na talaga. Puputulin na talaga niya ang tanging nag-uugnay sa amin.

Ang sarap magwala. Pero syempre pinigilan ko, masaya siya. Sabi nga nila ang pinaka masakit na ganti ay deadma.

Pero ganoon na nga ang katapusan namin masaya narin akong may bunga ang kamalian nasangkutan at ito ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Pinirmahan ko ang annulment papers ng walang pag alinlangan at ibinalik sa envelope.

"Ate paki padala po ng envelope na yan sa sa address ng sender, salamat." At binigyan ko siya ng pera.

Kailangan ng putulin lahat ng nakatali sa amin, upang pareho na kaming malaya. At pareho ng maging masaya nalang sa kanya-kanyang buhay. Ako, sa anak ko at siya sa babaeng mahal niya.

Sinubsob ko ang sarili ko sa trabaho, pagkatapos ng meeting ko ay dumiritso na ako opisina at tinapos ang aking report. Kahit lalong sumama yung pakiramdam ko ay diko pinansin, kailangan kong matapos ito bago mag weekend so I can rest peacefully.

Bigla ako nauhaw kaya tumayo ako upang makakuha ng tubig sa Despenser. Pero pagkatayo ko pa lang ay sumakit bigla ang puson ko, parang kidlat sa pagsidhi, napa impit na lamang ako sa sakit. Ang sakit talaga. Bigla ay nakaramdam ako na may umagos na likido sa aking hita at nang tingnan ko ito ay dugo.

Naisip ko agad ang baby ko. No!!!!

"Tulong!!!!, Amber!" Si Amber kasi ang pinakamalapit sa akin.

"Ang baby ko!" Sigaw.

Nagmamadali naman itong lumapit sa akin at parang nakakita ng multo.
"Tulungan mo ako Amber!" Impit ko.

"Omyghad!!! Dwight!! Help" nataranta itong lumapit sa akin.

"Dwight!! " sigaw ko parin sa sobrang alala sa kalagayan ng anak ko. Please baby, wag mong naman sukuan si mommy. Wag naman pati ikaw iniwan ako.

Lord, maawa ka sa akin. Maawa ka sa anak ko.

Nagmamadali naman si Dwight na andito pala.

Ang sakit na talaga.

"What happen? " namutla itong nakita ang kalagayan ko.

Dali dali nya akong binuhat. Hanggang sa nawalan na ako ng ulirat.











Mistaken Love (SBH Series#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon