chapter thirty nine

51K 1.1K 9
                                    

Chapter thirty nine

Nag ayos ako ng kaunti sa mukha ko upang maging presentable  kahit papaano. May pumasok na nurse upang tanggalin ang IV ko, ubos na kasi at inireklamo na ito ni Theo.

"Ma'am tatanggalin na po ito, pwede na po kayo ng walang dextrose." Natuwa naman ako sa balita nya siguro makakalabas narin ako. Pero Nalungkot din agad ako kasi kapag nakalabas na ako ay maiiwan pa din si baby Thea kasi kailangan pa nyang e incubate ng dalawang buwan.

Nakatingin ako sa pagtanggal ng karayum sa kamay ko at may kunting dugo doon na lumabas. Bigla ako natakot, nagkaka phobia na yata ako sa dugo, kaya umiwas ako ng tingin at binaling sa ibang deriksyon ang paningin ko.

"You okay?" He asked in worries.

"Yeah, I'm fine." Baliwala ko dito.

Kanina pa sya may pinagkakaabalahan sa kanyang cellphone at medyo balisa, ano kaya ang problema.

"May problema ba?" Hindi ko mapigilan ang magtanong.

Bumaling ito sa akin. "Ah kasi yung mga sumusunod Kay Audrey sinasabing papunta daw sya dito." May pag alalang sabi nito.

Na statwa ako bigla. Ano papunta si Audrey dito? Kinakabahan ako bigla at naalala ang anak ko.

"Si baby Thea... "
Taranta at nag alala kong sabi. Bigla ako tumayo ng marahas kaya sumisid din bigla ang sakit sa likod ko at sa tyan kaya napa igik ako.

"Shit!"

"Hey, careful" inalalayan nya ako at ibinalik sa pag upo. Kaya ko naman maglakad pero kailangan ng ibayong ingat.

"Ang anak ko Theo baka puntahan nya." Mangiyakngiyak kong sabi at halos mag makaawa na sa kanya.

"Don't worry may dalawang bodyguards doon at kilala nila ang mukha ni Audrey, aalerto agad ang mga yun kapag nandoon si Audrey." Pilit parin nyang akong pinapaupo kahit gusto ko nang takbuhin ang NICU na kinaruruonan ni Baby Thea.

"Pupuntahan ko sya Theo please, hindi ako mapakali kinakabahan ako sobra."

"Kumalma ka, hindi maganda para sayo yan...at oo pupuntahan natin sya ngayon din, wait here ihahanda ko lang ang wheelchair para madali tayong makapunta don." Tumango naman ako kahit may luha parin sa mga mata ko ang nag uunahan sa pagkahulog.

Theo quickly grabbed the wheelchair beside the sofa at hinanda ito. Binuhat nya ako paupo doon. He wiped my tears first before heading the door.

Pagkabukas namin ng pintuan ay tumambad sa amin ang nagpupumilit na si Audrey.

"Gusto ko lang syang kausapin...sandali! " pagpupumiglas nga niya sa dalawang bodyguards na nakahawak sa kanyang braso.

"Hindi po talaga pwede ma'am, malalagot po kami." Sabi naman noong lalaki at halatang nahihirapang mamwersa dahil babae nga ito.

Ngunit nanlaki ang mga mata nyang makita nya kami sa pintuan na nakatingin sa kanya.

"What are you doing here?" He clenched his fist at tumalim ang tingin nito sa babae.

"Theo...please halika na umuwi na tayo."Pagmamakaawa niya. She pleaded like and orphan who wants to be adopted.

Galit!

Yun lang ang nakapa ko sa mga oras na ito at gusto kong sabunutan ang babaeng ito. Ang kapal ng mukha nyang magpakita dito pagkatapos ng ginawa nya sa amin ng baby ko.

"Pwede ba Audrey wag kang mag skandalo dito, magkita nalang tayo sa korte." Madiin nyang sabi.

"No!!!...bakit mo ba mas pipiliin ang babaeng yan? E sya ang sumira sa atin, sya ang umiksena at kinuha ka nya sa akin. Ako naman ang mahal mo diba? Wala naman talaga sya eh, nilandi ka lang nya...please Theo sumama kana sa akin, I'll do anything you want. Please." Nag panting  ang tenga ko sa sinabi nyang malandi ako, call me bitch but don't you dare call me flirt.

Tumayo ako bigla at sinampal sya ng pagka lakas lakas sa magkabila nyang pisngi, feeling ko nga nayanig ang mundo nya sa sampal. Ang tigas ng mukha nya dahil ang sakit ng palad ko. Hindi ito nakailag dahil hawak sya ng mga bodyguards. Nagulat ang lahat sa ginawa ko sa kanya at walang nakapaghanda.

"Ang kapal ng mukha mo!! Akala mo kung sinong malinis e mas malala kapa sa salitang malandi!!!" Sigaw ko sa kanya.

Hinawakan ni Theo ang bewang ko bilang suporta upang hindi ako mabuwal dahil kinakain na ako ng galit. Nanginginig ako sa galit dito.

"Its true, pinikot mo lang naman talaga si Theo upang mapa sayo. Alam mo naman diba alam kong gusto mo sya kaya gumawa ka ng paraan para mapasayo sya-"

"Wala kang alam!!!" Sigaw ko sya kanya. "If only I could trade my father's life ginawa ko na pero hindi ako makasarili. Oo nagkamali ako pero ibinalik ko sya sayo ng buong buo  kaya wala kang karapatan para idamay ang anak ko!" Nanggigigil kong sigaw sa kanya. Ang bilis ng paghinga ko na para akong hinahabol.

"That child was a mistake!! Dapat lang na mawala sya!" Sigaw nya pabalik sa akin na nag pag galit sa akin lalo.

"Demonyo ka talaga, kahit walang muwang idadamay mo sa kasamaan mo!" Lalo lang akong nang galaiti sa kanya.

I feel tiny pain in my body for my burst but nothing is more painful than hearing that someone wanted to kill your most precious angel.

"Tama na Toni, please makakasama ito sayo." Niyakap na nya ako dahil halos susunggaban ko na si Audrey.

"And you!!" Duro nya Kay Audrey. "Don't you dare call my daughter a mistake! If I have mistaken things that's what trusting you... You'll gonna rot in jail I'll make sure of that!!"

Bawat bigkas ni Theo ng mga salita ay para itong patalim sa tulis at kasing bigat ito ng bato sa diin.

"Ilabas na yan" sabi nya sa mga bodyguards. Nagsisigaw ito habang kinaladkad palabas.

Pilit nya akong kinakalma at pinapaupo sa wheelchair.

"Please calm down, I'm going request for a TRO, para hindi na sya makalapit sa atin." He sounds so worried. Taas baba parin ang paghinga ko sa galit.

Ang sama nya, balak nya talagang patayin ang anak ko, nakakakilabot sya. Hindi ko akalain na may ga noong babae mag isip, halang ang kaluluwa nya.

"Toni! Hey...look at me" pilit nyang hinuhuli ang paningin ko. "Hindi ko hahayaan na masasaktan ka ni Audrey, I will protect you and our baby with all my strength. You don't have to worry, leave it all to me." I looked at him intently. Gagawin nya ang lahat para sa amin, nakakatuwa ngunit nakakatakot. Hanggang kailan nya kami paninindigan?gusto kong panghawakan ang mga sinasabi nya pero paano kung mapatawad nya si Audrey balang araw dahil ito naman talaga ang mahal nya at magsama sila uli? Masisira na naman ba ako? Masasaktan at mawawasak, kakayanin ko pa kaya? May tumulong  luha sa aking mga mata.

"Please stop crying, everything will be alright." He kissed my forehead."let's go"

Kung pwede lang pigilan itong nadarama ko. Nadadarang ako palage sa kanya. Kinakain ang galit ng sobrang pagmamahal ko sa kanya na kahit masusunog na ako ay hinahayaan ko makasama lang siya sa kahit anong paraan.














Mistaken Love (SBH Series#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon