chapter twenty seven

47.9K 1.1K 25
                                    

Chapter twenty seven

Bago tumuloy sa hospital ay bumili muna kami ng fruit shake sa may mall, talagang sinadya pa namin. Wala na nga ang morning sickness ko pero nanatili ang aking paglilihi, normal lang naman daw iyon sabi ng doctor ko.

Si Lian ang naging driver ko. Kapag ka kasama ko isa sa kanila pagchecked up ay hindi ako nagdadala ng driver. Gusto ko lang ng namumurwisyo. Gusto ko minsan ang naabala sila, nakakatuwa. Minsan kahit hating gabi ay namumulabog ako sa isa sa kanila. Isang buntong hininga lang ang naririnig at papayag na ang mga ito sa cravings ko.

"Ang laki na ng tiyan mo sissy,malapit na natin siyang masilayan." Gigil niyang sabi.

"Oo nga, nakaka excite na nakakatakot. Ganito din tayo dati Kay Osang no? Pero iba talaga pag ako mismo itong nag buntis,.... Magiging mommy na din ako." Mangiyak-ngiyak Kong sabi dahil sa emosyon.

Tumawa kami pareho.

Nang makarating kaming hospital ay ako na agad ang tinawag, nagpasched na kasi ako kahapon.

"Wow, Mommy ang sigla ni baby. Excited na rin siya sa inyo...your doing great Miss Emmanuel. Just continue the vitamins at wala tayong magiging problema but if something is happen just rush  in the emergency okay?  Nasa seventh month na siya at complete na." Masayang sabi ng doctora at pina ikot-ikot ang  aparatu sa aking tiyan. Every month niya ako ini-ultrasound. Masaya naman kami dahil nakikita namin ang munting anghel na nagpapasaya sa akin ng sobra sa kabila ng lahat.

Hindi maipaliwanag ang saya ko sa tuwing napagmasdan ko ang baby ko sa monitor ng ultrasound. Lalo na kapag sumipa ito. Nakakakilabot sa tuwa. Ang sarap sa pakiramdam lalo na siguro at nasa mga  braso ko siya at hinihili. Ini imagine ko palang ang saya-saya ko. Tuloy-tuloy na ang imagination kung iyun sa lahat ng una niyang naroon ako. Unang masasambit, unang lakad, unang takbo at kung ano-ano pa.

May mga pangarap na ako para sa kanya. And I'm thinking who is he/she looks a like. Ang ganda niya siguro kung babae siya at ang gwapo din niya kapag lalaki. Excited na talaga ako.

Marami na kaming nabili na mga gamit nya, of course unisex yun kasi di pa naman namin alam ang gender. Excited na rin ang mga kaibigan ko, infact mas marami pa nga silang nabili para sa baby.

"okay, you can come again next month Miss Emmanuel." Nakangiting sabi ng doctora.

"Thanks doc." Habang inayos ko yung suot kong maternity dress.

"Sissy, ang cute ng baby. Gumalaw galaw siya." Sabi ni Lian noong palabas na kami ng Ospital para umuwi o magliwaliw kung mapag-isipan.

"Oo nga eh...mahal na mahal ko na siya Lian."

"Kami din." Emotional niyang saad.

"Mauna kana sa kotse uubusin ko lang itong shake at itatapon."

Tumango naman si Lian at nauna na,lumapit ako sa gilid ng entrance kasi may basurahan doon. Inibus ko muna ito, as in simut! ang sarap kasi. At ng maubos na ay itinapon ko na ito ngunit isang sagitsit ng gulong ang aking narinig at biglang may matigas na bagay na bumundol sa aking likuran at tumilapon ako. Agad kong sinapo ang aking tiyan kahit nahihirapan.

Jusko ang baby ko!.

Sumindi ang matinding kaba at takot sa aking damdamin. Mas nauna pa ito kaysa sakit sa aking likod noong bumundol sa akin.

Masakit!

Sobrang sakit. Parang nabali ang aking spinal cord. At dahan-dahan ding sumakit ang aking tiyan. Na alarma ako sa pwede mangyari sa baby ko. Nakahandusay na ako sa gilid ng basurahan na natumba narin. Narinig kong lumayo ang sasakyan na nakabundol sa akin at iniwan ako.

The pain is too much, sa likod at sa akong tiyan. Ngunit mas matindi sa aking puson.

"Jesus!!! Toni!!!!" Tarantang sigaw ni Lian at nagmamadaling tumakbo sa akin.

"Ang baby ko!!" Iyak ko ng hindi ko na makayanan ang sakit ng tiyan ko.

" Oh Jesus, tulong!!!!" Sigaw niya.

May mga lumapit sa amin at tinulungan akong buhatin. Parang mabiyak ang tyan ko sa sakit na aking naramdaman.

Nanghihingalo ako sa sakit at sa pag alala sa baby ko.

No!, jusko wag niyo sanang hayaan na may mangyaring masama sa baby ko. Pagmamakaawa ko.

"Hold on Toni," pinahiga nila sa ako stretcher at nagmamadaling pinasok sa loob ng ospital. My vision is already blurring down.

"Lian, whatever happens please save my baby...please! promise me sissy. Uunahin niyo ang baby ko." Iyak ko, ang sakit na ng naramdaman ko, halos hindi ko na makakayanan. Halo-halo na sa buong katawan ko. Mas uunahin ko ang kapakanan ng baby ko keysa sarili ko. I would trade my life for my baby no matter what.

"No sissy, kayanin mo to. Lumaban ka, please hold on!!! Wag mong sabihin yan!" Umiiyak na din ito at pagalit niya itong sinasabi. Ramdam ko din ang takot niya at pag aalala.

Nang makarating kami sa emergency room ay agad akong inasikaso.

"Ang daming dugo...anong nangyari?" Tanong noong nurse.

"May bumundol sa kanya, si Doctora Capistrano ang OB niya... Dalian nyo. Buntis ang kaibigan ko." Halos mawalan na ako ng ulirat ng naririnig ko parin si Lian na natataranta at nagsisigaw ng tulong.

May itinurok agad sa akin, may kumuha ng bp at kung ano ano pang hindi ko na nasundan pa dahil nabuburyo na ako sa sakit.

"Excuse me ma'am, pero kami na po ang bahala dito." Hindi ko nakitang umalis si Lian dahil nakapikit ako at naramdaman na may kung ano silang ginagawa sa akin.

"Prepare the operating room, nasa panganib ang buhay nila." Rinig ko mula sa isa sa mga nag asikaso sa akin.

"Please.... Save....my......ba..by" pinilit ko iyung sabihin sa gitna ng aking buhay.

"Prepare bags of blood. Ang dami na ng nawawala sa kanyang dugo....si Doc Capistrano?"

"Papunta na,naihanda na ang operating room...ililipat na natin siya.''

Hanggang sa Unti unti ng nawala ang aking diwa. Para akong nalulunod sa kung ano at walang lakas upang labanan ang agus.

My baby.







Mistaken Love (SBH Series#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon