chapter thirty seven

56.7K 1.2K 47
                                    

Chapter thirty seven

I let a hem to destruct their conversation and all eyes went to me.

"Hey, are you okay? You want something?" Lumapit agad si Theo sa akin, at nakita ko rin ang malisyosa nilang mga tingin.

Hindi ako kumibo. Galit parin ako sa kanya, knowing that Audrey did this to me parang pinagkaisahan nila ako. Ayokong maging unfair pero nakakainis lang talaga yung feeling na akala mo ay totoo yun pala may pinag tatakpan lang, nakaka gago.

"Sissy, you wanna eat something? Wala ka pang Kain." Si Osang na nagtatago lang ng nararamdaman. Her lips tells other thing than concern.

I heaved a sigh.

"I wanna see my daughter." Gusto kong makita ang anak ko at masigurong okay ito, thinking about my daughter melted my heart. Sa wakas ay nakita na ng dalawa Kong mga mata ang anak ko, nahawakan at naramdaman niya ako. Ang sarap sa pakiramdam at ang saya ko despite how terribly bad I'm feeling right now.

"Sure." Si Theo. His eyes glitters.

He offers me help but I just glared at him, gusto Kong ipakita sa kanyang hindi biro ang nangyayari ngayon. I'm being on the thought of the woman he chooses was the woman behind my misery and my daughter's early coming. Sana mas naging handa ito sa panahon na gusto na nyang lumabas sya nakalabas, my poor baby girl.

Si Osang ang umalalay sa akin palipat sa wheelchair ngunit nag insist si Theo na siya ang magtulak dito.

Nang makita ko ang anak ko na pina dede ni Aliyah ay naiyak ako. I could have breastfeed her. Sana nasa mga braso ko na sya ngayon at hiniheli ito. I can't help my sob.

"Can I?" Tukoy ko sa paghawak ng feeding bottle nya. Tumango naman agad ng kapatid ko, ang bote ay kasalukuyang nasa bibig ng anak ko kaya isinuoong ko yung kamay ko sa butas ng incubator at pinalitan sya. Ramdam ko ang paggalaw ng bote dahil sa pag sipsip nya. Ang cute nya, para syang Angel, napaka amo ng mukha nya pero ang kanyang mata ay nakuha nya Kay Theo kaya hindi mo maikakailang sa kanya ang bata.

"She'll be fine ate, nagiging okay na ang paghinga at lumalakas sya araw araw sabi ng pedia niya." She kissed my head.

"Salamat naman dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung may masamang nangyari sa kanya.Naging maingat ako sa kanya pero may mga tao talagang sadyang makasarili." Diniinan ko ang huli kong sinabi. Gusto kong ipaalam sa kanya kung gaano ako ka suklam Kay Audrey lalo pa at nakapag pyansa ito. Walang kapatawaran ang ginawa nya.

Naubos ni Thea ang bottled milk, wow ang lakas nyang dumede kaya pala ang takaw ko dahil matakaw ka din. Natuwa ako doon, inalis ko na ang bote sa bibig nya kaya lang ay parang gusto pa nito. I heard I chuckle from behind.

"Gusto nya pa ata sissy, ang takaw nya mana sayo." May pangungutya sa boses ni Amber. Ngumuso naman ako.

I saw Theo hold a smile kaya inirapan ko sya. Malamang alam nyang matakaw ako kasi nagsabay naman kaming kumain dati.

Nang makatulog ulit si Thea ay bumalik na ako sa silid ko upang makakain, nagugutom narin ako. I just ate soup yun pa daw muna ang allowed sa akin. Nakakainis, pinapakain ka nga bitin naman. Habang kumakain ako ay nasa labas si Theo may phone call daw. Hindi kaya si Audrey na yun? Patatakasin kaya nya ito? O tutulungan sa kaso? Ang kapal naman ng mukha nya kung gagawin nya iyun. Anak nga nya iyong napahamak.

Matapos kong kumain ay nagpaalam si Osang na siya ang susundo Kay Jared ngayon sa school upang madala nya ito dito sa ospital para dumalaw. Si Amber naman ay pupuntang opisina at mag a-update. So bali ako lang ang matitira dito, sigurado umalis na si Theo.

They kiss me good bye before leaving. Sinuri ko ang sarili ko sa maliit na salamin na nakasabit malapit sa banyo. I look weak, may bandage  ang gilid ng noo at ang putla. Ano kaya ang feeling ni Audrey pag nakita nya ang kalagayan ko. Pagtatawanan kaya nya ako? Na dahil desperada ako dati kaya ito natamo ko?

Nag ngingitngit ako sa kanya. Kapag Nakita ko sya hindi lang sampal ang aabutin nya sa akin. Bigla naman bumukas ang pinto at pumasok si Theo. Akala ko ba umalis na.

"Hi" he greeted me awkwardly.

"Ano pa ba ang ginagawa mo dito?"

"Toni...I want us to talk." He pleaded.

"What for?" Nakakunot ang kilay ko.

"About us."

"There's no more us Theo-"

"There is! And I'm still you're husband that's why I have all the rights to stay." He's in his annoying tone but still holding and trying his best to be gentle and more patient.

"Look I'm gonna fix everything about us, leave it to me wife. About Audrey pina surveillance ko na sya para hindi sya makatakas, kailangan nyang managot sa nangyari sa inyo ni Thea." Sa mas mahinahong boses.

I look at him confused.

"Why you're doing these? Are you guilty?"

"Yeah, I am... Kasi kung hindi lang ako kalahating gago sana hindi umabot sa ganito... I'm sorry kung ngayon ko lang naintindihan lahat ng mga rumors about Audrey dati pero hindi ko rin inakala na aabot sya sa ganito. Noong nasa US kami doon ko naisip na mas hinahanap Kita, I am used being With you and life sucks without you." He confessed and I'm surprised but half of me is not believing him.

"Bakit hindi ka bumalik?"

Ano to confessions? Kinakabahan naman ako.

"Because dad needs me. He had cancer and a few months left for him so I stayed there with my siblings. When dad passed away I got in the Philippines right away, I don't know pero may kailangan akong klaruhin sa sarili ko. Nang pumunta ako sa dati nating tinirhan may nakatira na doon, mag asawa. Pero may binigay sila sa akin bago ako umalis." He said with heavy heart.

Nagtaka naman ako. At ano ba ang pinapahiwatig ni Theo? Sana hindi na ito paasa or aasa pa ba ako? Hindi pa rin ba ako nadala? Jusko tulungan nyo po ako. Ayoko ko na sana e, alam kong masasaktan lang ako pero ayoko din ipagdamot si Thea sa kanya. Ngayong alam nya ang tungkol dito ayokong maging makasarili. My daughter also needs him at ayokong tulad ko maramdaman nya ang pagkukulang ng isang pamilya.

May kinuha ito sa bulsa nya. Isang maliit na pouch bag. Ano kaya yan?
At ng kunin nya doon ang laman nito at nakita ko ang sing sing na minsan kong tinapon. Lumapit sya sa akin at kinuha ang kamay ko.

"Pwede mo bang isuot ito? At magsimula tayo uli?"

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para yata itong sasabog. Lumabo ang paningin ko dahil sa luha na nagbabadyang tumulo. Is this really happening? Alam ko sa sarili ko mahal ko pa sya, hindi naman nawala yun. Natatakot lang ako lalo na at may anak na ako at gumagala pa si Audrey. Pero ito na yung hinihintay ko. I want a normal family for Thea and that's includes him. Tataya ba uli ako?

"Let's start a new with Theanna, me..you..and her as a family... Please?" His voice is full of sincerity and his eyes tells what his heart is. Nadadala ako sa mga pagsusumamo niya, and again gusto kong magpakatanga. I like the feeling of him near me. Alam Kong malakas naman ako kahit ako lang pero iba ang dalang lakas ni Theo. I feel safe and home.

My tears fall  sino ba ako para humadlang sa pagbuo ng pamilya? Ito din ang pangarap ko mula bata pa  ako and I can't let just slip.

I look at him... Pumikit ako ng mariin.

At namahalang tumango.













Mistaken Love (SBH Series#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon