chapter twenty three

45.8K 1.2K 6
                                    


I went to an OB that morning to confirm my condition.

Nanghihintay pa lang ako sa labas ng clinic kinakabahan na ako, paano kung totoo? Anong gagawin ko e wala na kami ni Theo, magiging katulad ko rin ang baby ko kung sakali. Para akong sinaksak sa ideyang iyon. Kung ipapaalm ko naman sa kanya tatanggapin kaya nya? Baka maging bastardo lang ang anak ko. Hindi pwede. Alam ko ang pakiramdam na sampid ka lang , ayokong maranasan iyon ng magiging anak ko.

"Maritonie Emmanuel?" Ani ng nurse na lumabas mula sa loob.

"Yes!" At tumayo na ako upang sumunod ako sa kanya. Kinakabahan na naman ako.

"Good morning!" Ngiti sa akin ng doctora.

"Single or married?" Tanong nya sa akin.

Ano ba ang isasagot ko? Deborsyada?

" single po doc."

"OK, mas mahirap kapag ganoon." Sabi nya habang may kung anong kinalikot sa na aparato.

Ang epal ni doctora no?
"We're performing a transviginal ultrasound since first trimester pa ito,OK? Hindi naman ito masakit."

Pinahiga nya ako sa hospital bed doon matapos nya akong pinag bihis ng hospital gown.

"See that spot?" Turo nya sa monitor na may maliit na bilog."that's your baby, and sad to say hindi sya ganoon ka healthy, weak ang heartbeat nya." Malungkot na sabi ng doctora.

Kinabahan ako, may buhay na pala sa loob ko hindi man lang ako naging maingat,nagpaka wasted pa ako. I'm sorry baby,ang sama ni mommy.

May isang butil ng luha ang tumulo mula sa mata ko ng diko napigilan. " don't worry bibigyan Kita ng mga vitamins at dapat healthy kinakain mo mommy." Ani nya. May pinipindot pa sya sa computer. "And the baby is three weeks young... You must be very careful, mommy ha."

"Maselan ang first trimester, nandoon ang morning sickness, mood swing at pihikan sa pagkain. And most of all kailangan mong moral support from the nearest family if you don't have partner."

Nasaktan ako sa sinabi nya,pero totoo naman.

Bago ako umuwi ay pumunta muna akong Watsons at bumili ng mga vitamins, nag grocery din ako ng mga fruits ang veges. Nang makarating ako sa bahay ay natulog agad ako. Ang sarap lang talaga matulog.

Hindi ko ipapaalam Kay Theo ang tungkol sa bata. As far as ayoko ng kahit anong bagay na konektado sa taong yun, hindi ko pwedeng ipa abort ang bata, hindi ako criminal at sarili ko ito ng dugo. Mamahalin ko sya sa about ng aking makakaya, hindi nya mararamdaman ang kulang sa buhay niya.

Nang gumabi ay tumabi sa akin si Aliyah sa Kama, kagagaling lang nito sa school.

"Ate," maligaya nyang sabi at yumakap sa akin.

"Hmmmm. Good evening" inaantok kong sabi.

"Ate Gabi na hindi ka pa raw bumangon sabi ate Gina." Paglalambing nya.

Hinalikan ko ang kanyang ulo." Aliyah may sasabihin ako sayo."

"Ano yun ate?" Tumingala ito sa akin

"Magiging tita kana!" Sabi ko.

Namilog ang kanyang mga mata. " really? Your pregnant? " kumislap ang kanyang mga mata at hinaplos ang aking tyan.

"Wow, I'm going to be a tita, I'm so excited!!!" She exclaim. Natawa naman ako sa reaction nya. " but how about the father? " nag alala nyang saad.

Umiwas ako ng tingin."hindi natin sya kailangan. Mamahalin mo naman sya diba? Magiging OK tayo kahit wala sya."
Nalungkot ang mukha nya.

"Aalagaan natin sya ate. Hindi ko man alam ang sitwasyon nyo ni kuya ngunit nakikita kong nasasaktan ka kaya hindi na Kita pipilitin, I'm just here ate." She kiss my check. And I just smiled at her.

"Halika na kakain na tayo baka nagugtom na si little one."

Tumawa kami pareho at tumayo na. Nagpapasalamat parin ako dahil kahit papaano ay may nakaintindi sa akin.

Sabay kaming kumain at sinali na namin ang dalawang katulong para masaya, nahiya pa sila noong una.

Bago matulog ay nagkwentuhan muna kami ni Aliyah, andami ko palang na miss sa kanya. Nakakatuwa pala ang may kapatid. Hindi ko ito naranasan dati kasi dumidistansya ako sa kanila kahit pa panay ang kulit ni Aliyah sa akin dati.

Tenxt ko ang mga kaibigan ko if available ba sila bukas linggo naman eh. Sasabihin ko na sa kanila ang dapat nilang malaman tungkol sa amin ni Theo at sa pinagbubuntis ko.

From: sissy Amber

OK ako bukas, sa church nalang tayo Kita saka tayo lalabas.

May particular kasi kaming simbahan na pinupuntahan kapag Sunday.

From:sissy Lian

OK ako,sa church tayo magkikita. See you and we miss you sissy.

From:sissy Osang

Sa church nalang tayo magtagpo dadalhin ko Jared, I'm sure matutuwa yun pagnakita kayo.

Tukoy nya sa anak nya. Nakakatuwa naman kasi ang batang yun.

Magiging katulad na din ako ni Osang single mother. Nakayanan nya kaya kakayanin ko.

Ano kaya ang magiging reaksyon nila. Magagalit kaya sila? Ipipilit kaya nila na ipaalam kay Theo na magkakaanak na kami? Sana hindi.

Bago natulog ay uminom muna ako ng gatas. Kailangan kong maging maingat kasi mahina ang kapit ni baby.

Hold on baby, mommy loves you.


Free to comment.

Mistaken Love (SBH Series#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon