chapter twenty

46.9K 1.1K 15
                                    

Chapter twenty

Lakad takbo kong tinungo ang emergency ng ospital at sa di kalayuan ay nakita ko si Aliyah na nakaupo sa may bench. Umiiyak.

"Aliyah!" Tawag ko sa kanya.

Lumingon naman ito at tumayo. Tumolo ang mga luha nito ng sunggaban ko siya ng yapak. I can feel that she is shaking.

"Si Dad?" Nag alala kong sabi at hinawakan ko ang magkabilang balikat nya. Natatakot narin sa isasagot niya na kokompirma sa iniisip ko kanina pa.

Humihikbi na ito. "Comatose ate." Tuluyan na itong humagolgol. She look so fragile and weak. Para siyang batang iniwan ng mga magulang. Tulad ko noon.

"Ssshhh.!!" Pagtatahan ko sa kapatid ko. Gusto kong maging malakas sa ngayon para sa kanya pero nàtitibag ang pundasyon ko ng hindi ko makayanan ang sakit. Napahagolgol na rin ako. The father who I was known from the start is now in coma. He was nice at I owe him my name now. Kung hindi dahil sa kanila ni mommy, wala akong pamilyang tinatawag ngayon at posibling walang pinag aralan.

"Nasaan siya?" Nanginig kong sabi.

"Inihanda pa para ilipat sa ICU." Napapikit ako. My poor Dad. Hindi ako handang makita siyang nakaratay.

Hindi ko inakala na magkakaganito si Dad. His a healthy man, lahat nang exercise at healthy diet ay ginagawa niya. Hindi din siya stress sa trabaho dahil wala naman yang trabaho, dakilang investor ito. Ayun sa kanya mas importante ang pamilya na mapag tuonan kaya nag iinvest lang ito sa mga kompanyang pinagkakatiwalaan niya. Pera lang ang pinagtatrabaho niya. Minsan lang naman siyang pinapatawag ng mga ito.

Naupo kami sa bench doon at hinintay na tawagin ng attending doctor o di kayay nurse para sa instructions. While waiting bumalik sa aking alaala ang mga nagawa niya sa buhay ko. He gave me his name, sheltered me and made me his family. Hindi pa nga ako nakakabawi dito ito na ang mangyayari.

"Ate may sugat ka! Dumudugo!" Napatingin ako sa paa ko, dumudugo nga. Ito yung kaninang nahiwa ng bubug.

"Padressing ka muna ate,baka ma infection yan." Nag alala na rin ito. Tinutukan ko ito at naramadaman kong humahapdi, sana pala hindi ko nalang pinansin.

"Sige,humahapdi na rin kasi. Tawagin mo ako pag nailipat na si dad."

"okay."

Tumayo na ako at lumapit sa emergency. Inasikaso naman nila agad ako. Medyo malalim ang sugat dahil bumaon na ang bobog dahil sa pag lalakad ko,kinailangan pa nilang hiwain ito ng kunti upang makuha ang nadiing bubog. Tinahi nila ang sugat at nilagyan na ito ng bandage ng nakita ko si Aliyah na papunta sa akin.

"Ate, nailipat na si dad. Pwede na natin siyang puntahan." Tumango lang ako sa kanya. Not minding my painful wound.

"Hintayin mo na lang ako, sabay na tayo." Ani ko. She only nod.

Nang marating namin ang kwarto ni dad nanlumo ako sa nakita ko. Ang daming life support na naka kabit sa katawan nya. May tubo sa bibig at maingay na life machine ang naroon.

Heart failure.

Kahit pala masaya ang tao susuko din ang puso nito, siguro Totoo ngang ang lahat ng sobra ay masama. Sobra kaya silang masaya ni Aliyah? Kahit Wala na si mommy I can see that they're still happy as it was. Walang ka problema-problema, nagmamahalan lang sa bawat araw na dumadaan.

Naiinggit ako sa attention na natatanggap ni Aliyah sa mga magulang niya. Buong buhay ko hindi ako naging komplito, palaging may kulang.Kahit naman inampon nila ako at binihisan alam ko parin sa sarili na hindi ko sila ka ano-ano.

Pinangako ko noon dati na kapag ako nagkapamilya magiging buo kami para sa anak namin. Ayokong lumaki siya na may kulang sa buhay niya. Pero hindi na iyon matutupad, hindi pa nga kami nagka-anak ay naghuwalay na. I'm a failure.

Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Life is really unfair.

"Umuwi ka muna Aliyah, magpahinga ka. Ako na ang bahala Kay Dad." Mahinahon kung sabi sa kanya at hinagod ang kanyang likod. Her eyes we're sleepy and tired, siguro sa kakaiyak at puyat.

"okay ka lang ba dito ate?" She asked.

"Oo naman. Pahiram nalang muna ng cp tatawagan ko lang muna ang mga kaibigan ko,hindi muna ako papasok bukas." Marahan kong sabi.

Kinuha niya ang phone niya sa bulsa at iniabot sa akin.

"sige."

Pagod na ang mga mata ko dahil wala pa akong tulog at umaga na. Dito nalang ako iidlip sa silid ni dad mamaya. For now I have to tell my friends about this, I'm sure magtataka sila kapag wala ako sa trabaho.

I dialed Amber's number. In few rings ay may sumagot din. I know it's still early in the morning but I know that she is awake by now.

"Hello?" Boses lalaki, si Dwight siguro.

"Ahm Dwight si Toni ito, andyan ba si Amber?"

"Oh, Toni. She's still in the shower. You can just leave a message." Kalma niyang sabi.

"Uhm, hindi na muna ako papasok kasi nasa hospital yung dad ko." I bit my lip upon mentioning him, it hurts.

"okay, copy."

"Thanks Dwight." At binaba ko na.

"Dadalhan ko si dad ng gamit." Ibinalik ko sa kanya ang phone. Tumango nalang ako. Exhausted.

Umalis na si Aliyah. Punta muna akong canteen, nagugutom na kasi ako. Pagpasok ko palang ay sumalubong na sa akin ang amoy ng kape at ang sarap nito inumin, pero syempre diko gagawin yun masisira lang yung tiyan ko. Pero naglalaway na talaga ako e. Bumili ako ng isang baso at inamoy amoy lang ito, ang weird ko yata ngayon. Ano ba ang nangyayari sa akin dulot ba ito ng pagliban ko ng Kain? Jusko mababaliw pa yata ako kawawa naman kapatid ko. Kailangan kong kumain baka matuluyan pa ako. I have to set aside my personal pain to concentrate on dad's condition.

Uminom lang ako ng tubig kasi ang choco ay hindi ko malunok,nakakasuka. Burger lang din kinain ko pero pinadamihan ko ng coleslaw. My spare room for watcher ang ICU unit ni dad kaya doon muna ako umidlip. Para akong nalalanta sa pagod, ngayon ko pa naramdaman ang paglubog ng enerhiya ko.

May pumasok na mga nurse at doctor, rounds daw. The doctor said that dad's life in only holding by the life support na nakasaksak sa kanya, nagcomplicate na kasi ang sakit niya. Araw nalang ang hinihintay nila kung bibigay ang katawan nito.

Nanlumo ako sa narinig ko. Grabi na talaga si Dad, pero how come hindi ko ito nalaman? Itinago kaya niya? Alam Kaya ito ni Aliyah? Nakakainis ka dad. Ayaw mo ba na aalagaan Kita? Bakit ka ganoon? Ayaw mo ba talaga sa akin?

Bumukas ang pinto at nakita ko doon ang mga kaibigan ko.

"Sissy!!" Sabay sabay nilang sabi at niyakap ako nang pagkahigpit.

Napahagolhol nalang ako. Kahit papaano ay hindi ako pinabayaan ng Diyos, I still have my best friends.






Mistaken Love (SBH Series#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon