chapter four

49.7K 1.3K 12
                                    

Chapter four

After dinner dumiritso na siya sa kwarto, niligpit ko ang pinagkainan namin at naglock ng mga pinto at bintana.

Hindi nya ako sinagot kanina sa tanong ko. Alam ko naman ang sagot doon, si Audrey parin ang pipiliin nya kahit may pananagutan na sya sa akin. Ano ba ang laban ko sa taong mahal niya, I'm just his wife in the paper. At kahit legal yun ay parang walang halaga naman iyun kahit pa ipaglaban ko, mapapahiya lang ako at magmukhang desperada.

Pagkatapos kong patayin ang mga ilaw ay dumiritso na ako sa kwarto upang makatulog, only to find Theo is still awake at may kung anong ginagawa sa laptop nya. Napabuntong hininga nalang akong tiningnan siya.

Pumasok akong banyo at nag toothbrush. Paglabas ko ganon parin ang ayus nya.Inaantok na talaga ako kaya pumwesto na ako sa kabilang dulo ng higaan at tumalikod sa gawi niya. A tear escaped from my eyes na agad kong pinalis, I'm secretly hurting inside.

"Goodnight!" I whispered kahit alam kong hindi na kailangan.

"Goodnight too." He said and take off the lamp. Nagulat ako doon pero hindi ko pinahalata. Kumagat labi nalang ako upang pigilan ang sarili umasa sa napakaliit na posibilidad.

Madali akong nakatulog dahil sa pagod kaya kinabukasan ay natagalan ako nang gising. I usually woke up 5:30 am bakit diko narinig yung alarm? 6:46 na.
Nagmamadali akong naghilamos at toothbrush. Mamaya na ako maliligo pagkatapos Kong maghanda ng almusal. Wala na si Theo sa kwarto, siguro maagang umalis dahil susunduin pa si Audrey? Iyun ang nakita ni Lian kahapon kaya posibling ganoon din ngayon. At hindi na niya ako hinintay magising dahil ayaw na niya akong makasabay dahil sa tanong ko kagabi.

Okay,that's life.

Paglabas ko ng kwarto ay amoy ng kape ang bumalot sa ilong ko. Kaya nagtaka ako.

There! I saw Theo reading a newspaper in the kitchen counter while sipping his coffee.

Ang gwapo nya, bagong ligo ito at naka sando at shorts lang.

Napansin yata nya ako.

"Good morning!" Bati niya sa akin. Hindi man nakangiti ay magaan naman ang pagkasabi.Uy good mood yata.

"hey." Sabi ko at dumiritso na sa cupboard at kumuha ng tasa para sa tsokolate ko. Napalis lahat ng iniisip ko kailan lang.

"Don't you like coffee?"pansin nya.

Napatingin ako sa kanya.

"Nasisira kasi ang tyan ko sa kape." Sagot ko at uminom ng kunti.

"Really?" Amazed nyang sabi.

"Oo,kaya I won't take the risk,buong araw ko pa man yun iindahin." Mahina kong sabi. Hindi parin mawala ang amusement sa mukha niya. Sumaya naman kahit papaano ang puso ko.

Nagluto ako ng scrambled eggs at bacon na pinarisan ko ng fried rice. Heavy eater kasi ako hindi lang halata.Natapos na ako't lahat ay hindi pa sya nag prepare for work. Hindi ba siya papasok?

"let's eat?" Pang iisturbo ko sa kanyang pagbabasa.

"Oh! Looks so delicious,huh." Sabi nya. Namula naman ako sa sinabi niya. May lagnat ba itong si Theo? Anong nangyayari sa kanya?

Una, Hindi sya nagmadaling pumasok. Pangalawa, sasabay siya sa breakfast. Lastly ang gaan ng mood niya.

Anong nangyari?

Napansin kong sarap na sarap siyang kumain."hmmm." Habang ngumunguya.

Ang gana nyang kumain ah, parang ang sarap sarap e usual lang naman na breakfast ang hinanda ko.

"Hindi ka yata nagmadali ngayon? " I asked. Nagsimula na rin akong kumain.

He look at me with a smile in his eyes. "Hmm," nginuya nya muna ang nasa bibig nya at lumunok.

"Mamaya pang 10am ang meeting ko" at sumubo ulit. Sarap na sarap talaga siya, at ang gwapo nya sa awra nya ngayon. Very light.

"Sabay na tayong pumasok, hatid Kita sa building nyo." Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi nya. Ano daw?

"Bakit?"

"Pambawi sa masarap na breakfast at masarap na dinner last night." Saad niya.

Kaya pala. Akala ko 'we will work our marriage' ang isasagot nya. Assuming naman kasi ako masyado.

May pumana yata sakin at nasapol yung puso,kumirot e.

Matapos kaming kumain ay nagpaalam siyang may tatawagan kaya naghugas ako ng pinggan at tumuloy na sa pagligo.

Saktong pagbukas ko ng pinto sa banyo at lumingon si Theo na nandoon pala at nagbihis,wala kasi kaming walk in closet.

Kitang Kita ko ang paghagod nya ng tingin sakin mula ulo hanggang paa. Nakatapis lang ako ng tuwalya at basa pa ang aking buhok. Napalunok naman ako sa init ng kanyang tingin.

I can feel the water drifted from my hair down to my cleavege. I saw him swallowed. Parang ang init ng silid, nakakapaso. Bigla namang gumaan ang tiyan ko at uminit ang batok. Tingin pa lang niya pinagpawisan na ako.

"Ahm, magbibihis lang ako?" Pamabasag ko sa pagnanasa nya. Talagang pagnanasa, e ano bang tawag doon. Hindi ako inosente sa mga bagay na iyan.

Napakurapkurap siya.

"Oh,sorry." Tinapos niya iyong huling botones ng polo nya at kinuha ang suit at laptop.

"I'll....wait... outside." Nagdalawang isip yata siyang tingnan uli ako kaya nagmadali itong lumabas. Kitang kita ko ang pag igting ng kanyang panga bago pa man sumara ang pinto ng silid namin.

What was that?

Naaapektuhan siya sa akin? May epekto ako sa kanya! Why not use it to keep this marriage? Alam kong desperate moves ito pero parang ayaw ko na siyang isuli pa kay Audrey. Akin na siya e, kasal kami.

Nagmadali akong nagbihis upang hindi siya mainip sa labas. Light make up lang ang ginamit ko at mabilisan pa. I'll make sure din na naelock ko ang bahay bago sumunod sa kanya sa kotse niya.













❤ LibRanz01

Mistaken Love (SBH Series#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon