chapter fourty

53K 1.1K 8
                                    

Chapter fourty

"Tita Toni!!" Sigaw ni Jared mula sa pintuan ng NICU. Napalingon agad kami ni Theo at lumapad ang ngiti ko ng makita ito.

"Jared,wag kang maingay nagigising ang baby." Saway sa kanya ni Osang.

Natakpan naman nito agad ang bibig at nag peace sign, ang cute talaga ng batang ito. Dali dali itong lumapit sa akin at excited na tiningnan ang kinaruruonan ni Baby Thea.

"Tita, ito na ba yung baby mo sa tummy? She's so tiny. Hindi ko pa ba sya pwedeng laruin?" Sunod sunod nitong tanong.

Napangiti naman ako. "Isa isa lang sa tanong kuya Jared." Natawa kong sabi.

"Kuya? Pwede akong maging kuya kahit hindi naman sya baby ni mama?" He was very amazed.

"Of course, you were my baby before kaya ngayon na may baby na ako kuya kana." Masaya kong sabi. Nakakatuwa sya,kung sana kilala sya ng papa nya magiging proud ito sa bata, napaka talino nito. Pero kahit kami ay hindi alam kung sino ba talaga ang ama nito.

"Cool, hello baby I'm your kuya Jared Lorenzo at ako magtatanggol sayo sa mga bad guys...ahm Tita ano po ang gender nya?"

"Girl po sya kuya. Kaya you take care of her ha." Paglalambing ko sa kanya.

"Of course Tita, I will be the greatest kuya ever. Mama pwede din ba tayo magkaka baby? Tulad ng baby ni tita?"Nakita kong napalunok si Osang.

"Pasensya na baby pero hindi na e."

Nagkatinginan kami ni Theo, alam kong may tanong ito pero hindi na nya isinatinig pa.

"Bakit si tita pwede e tayo hindi? Paano ba magkaroon ng baby?"

"Jared naging matanong kana. That's not right, hayaan mo malalaman mo rin yan paglaki mo." Sabi ni Osang. Kung ano ano na lang talagang pambara nya sa bata. Tumango lang ito pero halatang naging malungkot.

Nginitian ko si Theo na biglang naawa sa bata.

"Excuse me guys may susunduin lang ako sa baba." Paalam ni Theo at hinalikan naman ako nito sa aking buhok. Tumango lang ako at nakita ko ang mala agilang tingin ni Osang.

Nang makalabas si Theo ay tumabi si Osang sa akin at siniko ako.

"Ano yun? Bati na kayo? Back to each other's arms ang peg?" Panunudyo nya sa akin.

Tumingin lang ako sa kanya ng makabuluhan. I feel guilty, mga kaibigan ko sila at nakita nila paano ako noong iniwan ako ni Theo at ngayon nasisiguro kong iniisip na niya ang katangahan ko. Nahihiya ako ngunit hindi ko maikaila ang pagmamahal sa aking damdamin.

"Silence means yes, so paano ang kontrabida?" Taas ang isang kilay nito. Of my friends, si Osang talaga ang advance mag isip at pinakamatigas ang damdamin pagdating sa pagdedesisyon.

"Wala na sila, at kami ang pinili ni Theo."Simply kong sabi.

"Ganoon kadali? How about the feelings?"

Napahinto ako sa sinabi nya at tiningnan sya. Umiwas ako ng tingin at binaling Kay Jared na aliw na aliw parin sa anak ko na ngayon ay gising at gumalaw galaw.

Huminga ako ng malalim.

"I can compromise...ang importante hindi na nya ako itatago. At may kikilalaning ama si Thea. You know my life from the very beginning, sissy. At ayokong pagdaanan ng anak ko ang kahungkagan sa puso ng walang kinikilalang pamilya."

Nangunot ang noo nito.

''What do you mean?" Lumingon ako sa kanya.

"Ipapakilala na nya ako sa mga kapatid nya ngayon...at sinusundo na nya ito sa baba."

Mistaken Love (SBH Series#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon