chapter thirty

51K 1.2K 62
                                    

Chapter thirty

Theo's POV.

Sinusundan ko si Osang. Huminto ito sa may Watson's.

Dumistansya ako sa kanya upang hindi niya ako makita. Nagiging stalker na naman ako.
Bumili siya ng mga hygen, at bumili din sya ng adult diaper. Bakit may adult diaper? Ahh, oo nga pala hindi pa daw ito nagigising. Pero ang nakakapagtaka ay kumuha din sya ng newborn diaper. Para kanino naman ito. Kumuha din ito ng infant milk. Nanganak na kaya si Amber? At ito ang naatasan? Pero impossible kasi wala pang isang taon ako nawala. Imposible din kung sa anak niya ito dahil malaki na yun.

Napansin kong nagbayad na ito sa cashier. Nag dial ito sa kanyang cellphone at may kinausap. Tama lang naman ang aking layo upang marinig ang kanyang sasabihin doon sa tinawagan niya.

"Aliyah, nasa presinto na si Audrey... Oo sisiguraduhin kong pagbayaran nya ginawa nya sa ate mo.....oo papunta na akong hospital may binili lang akong kakailanganin dyan... Anong sabi ng doctor?....buti naman baka magigising na sya...Sana nga..sige pupunta nako diyan." Yun lang at tinapos na nito ang tawag. Ito yung kapatid ni Toni.

Sumunod parin ako sa kanya.

Ganoon ba kalakas ang pagbundol ni Audrey sa kanya kaya nasa ICU sya? I clenched my fist.

Sana may matino kang rason Audrey kung bakit mo nagawa yun, pero mali parin e. Kahit may rason sya hindi nya dapat sinagasaan si Toni, hindi makatarungan yun. Bigla ako nainis.

Huminto ito sa kilalang hospital kaya hindi ko na ipinark ng maayos ang sasakyan ko,gusto ko na siyang makita.

Sumakay siya ng elevator, hindi ko siya pwedeng tabihan, makikita niya ako baka hindi niya ako payagang makita si Toni.

Lumapit ako sa reception at nag tanong. Kinakabahan.

"Miss. Ang room po ni Miss Maritonie Emanuel?" I asked.

"Sa ICU yan Gale, isa ako sa sumaklolo niyan kahapon sa emergency." Sabi noong nurse na lalaki.

"Kaano niyo po ang pasyente sir?"
Habang may pinipindot sa computer.

Napatigil ako at nag isip. Paano kung nearest relatives lang ang pwedeng dumalaw? Hindi na ako nagdalawang isip.

"Husband."

Tumaas ang kilay noong babae at napatingin sa akin. Nakikita kong hindi siya naniniwala sa sagot ko.

"What room miss, nagmamadali ako. Ngayon ko lang nalaman ang nangyari sa asawa ko." Pagalit kong sabi upang masindak. I have no choice but to be rude.

Namutla naman ang nurse.

"2nd floor, ICU 228."

Hindi na ako nagpasalamat at sumakay na ng elevator. Gusto kong manduhan ang elevator upang mabilis akong makarating ng ICU. Kinakain na kasi ako ng takot at pag aalala. Pagbukas ng elevator ay agad kong nakita si Amber,nakatayo sa may bintana ng isang kwarto. At nang lumingon ito sa akin ay nanlaki ang mga mata niya. Mabilis akong nakalapit sa kanya at hinawakan ang braso niya ng marahas kahit hindi ko naman sinasadya.

"Si Toni?" Para itong nakakita ng multo at lumipas pa ang isang minuto bago ito kumurap.

"Theo? Anong--"

Tumingin ako sa glass window na kanina ay sinilip niya at nakita doon si Toni nakahiga, walang malay. Nanlumo agad ang puso ko sa nakita.

Nabitawan ko ang braso ni Amber at nakatutok ako sa kalagayan ni Toni.

She has bandage on her left forehead and a bruises on her face. She's so pale. Nanlumo ako lalo.

"Pwede ba akong pumasok?" I asked Amber without even looking at her.

Bumuntong hininga ito.

"Okay, magsoot ka ng hospital gown."

Isinoot ko ang binigay niyang damit. Nagsoot din siya,sasamahan siguro nya ako. Nang makapasok kami ay lumapit ako agad sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Walang kahit kunting lakas.

"Kumusta siya?"

She shrugged. "Hindi naman siya na coma, bumaba lang ang mga vital signs niya at nag internal bleeding ito,kaya kinailangang tutukan,mataas kasi ang dosage ng mga gamot niya at pain killers. Hinihintay na lamang namin siyang magising...sige maiwan muna Kita." Maarahan niyang sabi.

Itatanong ko sana kung paano ito nangyari ngunit lumabas na siya ng silid.

I clenched my fist, humanda ka sa akin Audrey, hindi ko ito mapapalampas.

I just stared at her face when someone enters. Its a nurse.

"Excuse me sir, pero kailangan na po e.dressing ang sugat niya."

Dressing? Bakit? May tahi ba ito?

Tumabi ako upang bigyan siya ng espasyo. Inihanda nito ang bagong gauze at betadine.

Dahan dahan niyang tinaas ang hospital gown nito at tumanbad sa akin ang tahi sa kanyang tiyan. Bakit may tahi? May napuruhan ba sa internal organs niya? May isang pulgada ang haba ng tahi. Namulamula pa ito at nandoon pa ang tumigas na mga dugo.

Kinabahan ako. Kaya hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. Tinanong ko ang nurse.

"Bakit may tahi sa tiyan niya?"

Napahinto naman ito sa tanong ko. Bakit may mali ba sa tanong ko?

"May napuruhan ba sa mga internal organs nyia?" Pagtataka ko.

"Sir CS po ito. As in caesarean session."

Caesarean session diba ito yung sa panganganak?

Wait! Panganganak? Buntis si Toni. Nanayo ang mga balahibo ko sa braso.

Bumundol ang kaba sa aking dibdib. Totoo ba ito? Paano?

"Miss pwedeng paki ulit ng sinabi mo?"

Nangunot naman ang noo ng nurse.

"Sir kaano mo ba ang pasyente? Bakit wala yata kayong alam?"

Napa ayus naman ako ng tayo at lumunok dahil umaabot na sa lalamunan ko ang tambol sa aking puso.

"Matagal kaming hindi nagkita." Bigla ko nasabi.

"Pasensya na sir pero hindi ko po detalyado,nag change shift po kasi kami at ngayon lang ako na assign sa kanya. Ang alam ko po ay dahil po sa pagkabundol nya, kinailangan pong ilabas ang baby sa tyan upang mailigtas sila pareho kaya sya nag undergo ng CS. Unfortunately premature po ang baby dahil 7 months pa po ito pero nagsurvive naman ito at nasa incubator." Maayos niyang paliwanag.

Nanlamig ako sa narinig ko. Anak ko yun, sigurado ako doon.

Oh God! What have you done Audrey. I could kill you for doing this sa mag Ina ko. I gritted my teeth in anger.

Kaya pala galit na galit si Osang kanina. Kahit ako man ngayon hindi ko masukat ang galit na lumukob sa akin. Nagdidilim ang paningin ko sa galit.

Pagbabayaran mo ito ng mahal Audrey.

I clenched my fist. Pagbabayaran mo talaga ito Audrey.

I looked at Toni, tapos na pala itong e dressing kaya maayos na uli ang damit niya. Nag excuse ang nurses at lumabas na.

Im sorry Toni.

I'm so sorry.

Hindi ko napigilan ang luhang tumakas sa aking mga mata.




















Mistaken Love (SBH Series#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon