MSG 4

381 9 5
                                    

“I thought about how there are two types of secrets: the kind you want to keep in, and the kind you don't dare to let out.”  ― Ally Carter, Don't Judge a Girl by Her Cover

------------------------------------------

“Mabuti naman at gising ka na, Summer,” bungad na sabi ng Lolo Lando ni Summer nang makalabas siya ng kwarto, “Kanina ka pa namin inaantay ng Tita Risa mo.”

Halata sa mukha ni Summer ang pagkagulat at pagtataka kung bakit nasa bahay nila si Risa, ang babaeng nakasalubong nila ng Lolo Lando niya sa palengke at inimbitahan siyang pumunta sa kasal ng anak niyang si Kamille. Nagtataka, naupo si Summer sa katapat na upuan kung sa’n nakaupo ang Lolo Lando niya at si Risa.

“Bakit? Ano pong meron?”

“Summer, susunduin na sana kita para masukatan ka na ng gown.”

“Ngayon na po?”

“Oo, sandali lang naman ‘yon. Pagtapos no’n, pwede ka nang umuwi. Ipapahatid nalang kita sa anak kong lalaki.”

“Po?” gulat na tanong ni Summer, “Edi ba po sa Linggo na ‘yung kasal? Magagawa po ba ‘yung gown sa loob ng tatlong araw?”

May punto nga naman si Summer. Thursday na ngayon at sa Sunday na ang kasal, kakayanin nga bang matapos ang gown bago ang araw ng kasal? Parang gusto nalang sabihin ni Summer na bumili nalang ng gown na gawa na para daretso suot nalang at wala nang poproblemahin pa. At saka, hindi naman siya ang ikakasal. Mas mahalaga ang gown ng bride.

“Oo naman! Matatapos ‘yun bago mag Linggo! Maniwala ka sa’kin!” pagpipilit na sabi ni Risa tapos ay tumayo na at nagpaalam sa matanda, “Sige po, Lolo Lando. Mauna na po kami ni Summer ha? Para na rin po makabalik siya agad. Ipapahatid ko nalang siya kay EJ.”

Tumango tango naman ang matanda at hinila na palabas ni Risa si Summer sabay sakay ng tricycle papunta sa bahay nila. Hindi naman pala kasi kalayuan ang bahay nila. Hindi malapit, hindi rin malayo. Sakto lang kaya pupwedeng mag-tricycle. Habang nasa tricycle nga sila, panay ang kwento ni Risa tungkol sa mga anak niya. Lalong lalo na sa nag-iisa niyang lalaking anak na makaka-partner daw ni Summer na maglakad sa kasal.

“Pagdating natin sa bahay, ‘wag kang mahihiya sakanilang lahat ha. ‘Yung anak kong lalaki, mabait ‘yun kaso tahimik lang talaga. At saka pag pasensyahan mo na muna, medyo busangot siya ngayon kasi may iba raw siyang gustong maka-partner. E sabi ko nga may naipalit na ako at ikaw ‘yon.” pagpapaliwanag ni Risa.

May gate ang bahay nila Risa at pagpasok mo do’n, maliit na hardin ng mga bulaklak agad ang mapapansin mo sa may bandang kaliwa, habang sa kanan naman ay may lamesa’t upuan. Nauunang maglakad si Risa at nakasunod lamang si Summer sakanya, nililibot niya ang mata niya sa paligid. Simple lang ang bahay pero masasabi mong maganda dahil nasa ayos ito, dagdag ganda rin kasi sa paligid ang mga maliliit na hardin na may iba’t ibang kulay na bulaklak. Napangiti si Summer nang makita niyang may dalawang paru parong palipat lipat mula sa isang bulaklak papunta sa isa, na tila ba parang naglalaro ng habulan.

Nang makapasok sila sa loob ng bahay, may babaeng nakatayo habang nakataas ang dalawang kamay niya. Mukhang sinusukatan din siya ng gown nung lalaki, na kung hindi nagkakamali si Summer ay isang bading. Napatingin naman ang babae kay Summer at ngumiti ito sakanya. Hindi agad naka-ngiti pabalik si Summer dahil parang nahipnotismo siya sa ganda nung babae. May itim na itim siyang buhok na hanggang bewang, at medyo kulot ang dulo nito.

My Summer's GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon