“Don't sacrifice your peace trying to point out someone's true colors. Lack of character always reveals itself in the end.” ― Mandy Hale
------------------------------------------
"Jecjec!"
Agad na napalingon si Summer sa kaibigan nang marinig niyang tawagin nito ang pangalan ng pinsan. Nakita niya si Liana na hawak ang kanang kamay ni Jecjec, habang sa kaliwa ay may hawak itong kulay asul na lobo. Nagmadaling lumapit si Summer kay Jecjec at umupo sa harap nito para makapantay ang pinsan, tapos ay sunod sunod na sermon ang nanggaling kay Summer.
"Jecjec, sa'n ka nanaman ba nagpunta? Sabi mo, rito ka lang. Nag-promise ka sa'kin, 'di ba? Pa'no kung nawala ka?"
"Hindi naman ako lumayo, Ate Summer. Sumama lang ako kay Kuya Evan."
"A-ano?"
Natigilan si Summer sa sinabi ni Jecjec na pangalan. Kung tama man ang narinig niya, labis siyang nagtataka kung pa'no nagkakilala ang pinsan niya at si Jecjec. Kahit na matagal na rito si Evan at kilala na niya ang Lolo Lando niya, imposibleng makilala niya si Jecjec. Hindi naman kasi pinapayagan na lumabas labas nalang basta ang pinsan niya, pwera nalang kung nakapunta na si Evan sa bahay nila.
Inangat ni Summer ang ulo niya nang maramdaman niyang may lumapit sa pwesto nila ni Jecjec. Nanlaki ang mata ni Summer nang makita kung sino ito. Agad siyang tumayo.
"Summer? Kilala mo si Jecjec?"
"Ah o-oo. Pinsan ko siya," sagot naman ng dalaga, "I-ikaw, magkakilala rin pala kayo."
"Yeah, just a minute ago."
"Pasensya ka na. May pagka-makulit talaga 'tong pinsan ko."
"It's okay. Ang cute niyang bata." ngiting sabi ni Evan tapos ay ginulo ang buhok ng bata.
Tumango tango na lamang si Summer. Simple siyang lumingon kay Liana, na kanina pa nakatayo sa isang tabi at pangiti ngiti, para tanungin siya gamit ang mata niya kung ano pa ba ang dapat niyang sabihin kay Evan. Kaso ilang segundo lang ay naagaw ng atensyon nila ang biglaang palakpakan ng mga tao sa 'di kalayuan. 'Yun ay ang parte ng perya kung sa'n may maliit na stage at may mga audience.
May umakyat na dalagang babae sa stage at pinasalamatan ang lalaking kakatapos lang kumanta. May sunod pa siyang sinabi pero hindi na inintindi pa 'yun ni Summer dahil biglaan nang nagpaalam si Evan sakanya at agad na umalis sa harap niya. Sinundan lang siya ng tingin ni Summer at napahinga ng malalim, na kanina pa niya pinipigilan.
Napatingin si Summer sa relos na suot niya, alas siyete na ng gabi. Kinuha niya ang kamay ni Jecjec at niyaya na si Liana na mag-ikot sa perya para maka-uwi na rin bago pa lumalim ang gabi. Nang may isang pamilyar na boses na narinig si Summer na talagang nagpako ng paa niya sa kinatatayuan niya. Ibinalik niya ang tingin niya sa stage at nakita niya si Evan na nakaupo sa isang tool, may hawak na gitara at kumakanta.
♪♫
Magkalayong agwat, gagawin ang lahat
Mapasa'yo lang ang pag-ibig na alay sa'yo
Ang awit na to ay awit ko sa'yo
Sana ay madama

BINABASA MO ANG
My Summer's Goodbye
TienerfictieNot all stories has its happy endings. But happy endings do exist... for others. Would this be one of the others?