MSG 11

272 8 0
                                    

“The true measure of a man is how he treats someone who can do him absolutely no good.” ― Ann Landers

------------------------------------------

“Bakit hindi mo sinabi sa’kin? Bakit mo ‘ko iniwan nang walang paalam?”

Hindi nakasagot si Summer sa tanong ni Evan, tinitigan niya lang ito. Alam naman niya ang sagot sa tanong na ‘yan pero ayaw nang sabihin pa ni Summer. Akala niya hindi na itatanong ni Evan ang tungkol do’n, pero nagkamali siya.

Bakit nga ba hindi masabi ni Summer kay Evan? Kasi natatakot siya. Ayaw niyang malaman ni Evan ang tungkol sa sakit niya. Ayaw niyang kaawaan siya. Ayaw niyang madamay pa si Evan sa mga problema niya.

“Hey, Evan! I’ve been looking all over for you! Nandito ka lang pala.”

Napalingon si Summer at Evan sa may hagdan at nakita nila si Dona na papalapit sa pwesto nila. Para bang sa puntong ‘to, hindi naiinis si Summer kay Dona. Parang gusto pa nga niya itong pasalamatan sa pagligtas sakanya. Kung hindi siguro siya dumating, baka napilitan si Summer na sabihin ang totoo kay Evan.

“You left this outside,” iniabot ni Dona ang isang maliit na notebook kay Evan, “Anyway, Dad saw your sketches and he thinks you’re really good. Come, he wants to see you!”

Agad na hinila ni Dona si Evan paalis ng veranda at pababa ng hagdan. Napa-iling nalang si Summer kasabay ng paghinga niya ng maluwag. Napapangiti siyang natatawa pag naaalala niya ang sinabi ni Evan na parang si Kamille si Dona, madaldal. Ang pinagkaiba lang ata nung dalawa, ayaw na ayaw na nagi-english ni Kamille.

Naiinis na ginulo ni Summer ang buhok niya nang maalala niyang muli ang tanong ni Evan. Alam niyang hindi pa iyon tapos, alam niyang kahit kailan ay pwedeng itanong muli ni Evan ‘yon sakanya. Ngayon palang nag-iisip na siya ng pwedeng sabihing dahilan bukod sa katotohanan.

--

Sobrang saya ni Summer ngayon nang biglaang bumisita si Liana sa bahay nila, kasama ang Lolo’t Lola niya, ang Tita niya at si Jecjec. Ang lahat ay nasa garden, pati na rin si Dona at James, nagkukwentuhan silang lahat. Si Liana at Summer ay nasa kusina at naghahanda ng makakain para sa lahat.

Nang makalabas sila, inilapag nila ang dala nilang tray na may mga pagkain sa lamesa. Magkatabing naupo si Liana sa tapat ng inuupuan nila Evan at Dona. Saktong do’n nagkatinginan silang dalawa ni Evan hanggang sa napunta ang mata niya sa kamay ni Dona na nakahawak sa braso ni Evan. Nang mapansin ‘yon ni Evan ay agad din niyang simpleng tinanggal ang pagkakahawak ni Dona sakanya. Iniwas nalang ni Summer ang tingin niya sa dalawa kahit na napaka-imposible no’n dahil magkaharap sila.

“Oh, ito na pala ang apo ko,” biglaang sabi ng Lolo Lando niya, “Kamusta ka naman ang pakiramdam mo, apo?”

Sandaling natigilan si Summer. Nabigla siya sa tanong. Ang dami kasing pwedeng itanong, bakit ‘yun pa? Alam ng lahat na ang pinaka-ayaw ni Summer ay ang tinatanong siya tungkol sa kalagayan niya dahil ayaw niyang maya’t maya siyang kinakamusta tungkol do’n na para bang pinapaalala sakanyang ikamamatay niya ‘yon.

My Summer's GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon