MSG 6

304 9 1
                                    

“Work like you don't need money, love like you've never been hurt, and dance like no one is watching.” ― Randall G. Leighton

------------------------------------------

“What the hell were you thinking, Summer? We’re all worried back in Manila! Bigla ka nalang nawala, hindi ka man lang nagpaalam! Sinong magulang ang hindi mag-aalala niyan?”

Nakaupo lang si Summer sa gilid ng kama habang ang Mama niya ay nakatayo sa harap niya at sinesermonan siya, ang Papa naman niya ay nakatayo lang sa may pintuan at hindi umiimik. Lagi namang ganito ang eksena, laging Mama niya ang patuloy sa sermon sakanya at ang Papa niya ay tahimik lang sa isang tabi habang nakatingin sakanilang dalawa.

Walang masagot si Summer sa Mama niya. Kanina pa kasi niya iniisip kung pa’no kaya nakaabot sa magulang niyang nandito siya ngayon sa probinsya, e wala naman siyang pinagsabihan na kahit sino bago siya umalis. Nakayuko lang siya, hindi makatingin daretso sa Mama niya. Alam niyang mali siya pero sana man lang palipasin nalang ‘to ng Mama niya at intindihin nalang siya, pero hindi niya masabi ‘yon sakanya kasi paniguradong sermon nanaman ang ibabalik sakanya nito.

“Kausapin mo ‘yang anak mo,” sabi ng Mama ni Summer sa Papa niya, “Sa’yo lang naman nakikinig ‘yan. Sawang sawa na akong pagsabihan ‘yan.”

Binigyan ng huling tingin ni Joan ang anak bago tuluyang lumabas ng kwarto. Saglit na nabalot ng katahimikan si Summer at ang Papa niya hanggang sa tumabi ito sakanya. Mula sa pagkakayuko ay nilingon ni Summer ang Papa niya. Kung ang ibang anak ay mas close sa kanilang mga nanay, ibahin ninyo si Summer. Masyadong istrikto ang nanay niya sakanya, mas napapaki-usapan niya pa ang Papa niya.

“’Pa, I’m sorry.”

Huminga ng malalim ang Papa ni Summer, “Naiintindihan kita, anak. Alam kong gusto mo lang sumaya at kalimutan ‘yang problema mo, pero sana intindihin mo rin kami ng Mama mo. Nag-alala kami.”

Yumukong muli si Summer at hindi na nagsalita pa. Ayaw na niyang magpaliwanag pa o mangatwiran dahil alam niyang siya pa rin ang mali at alam niyang wala namang makaka-intindi sakanya. Hindi kasi sila ang nasa posisyon niya.

Lumapit ang Papa ni Summer at hinalikan siya sa noo, “You take your rest for tonight. I’ll talk about this with your Mom. Good night, anak.”

--

Kahit anong pilit ni Summer na matulog, hindi niya magawa. Kanina pa siya paikot ikot sa kama niya hanggang sa mapag-desisyonan niyang lumabas muna ng bahay at maupo sa mahabang upuan doon. May kadiliman na ang bahay nila dahil patay na ang mga ilaw at tulog na ang mga tao, tanging ilaw nalang na nakukuha niya ay mula sa poste sa tapat ng bahay nila at sa ibang bahay na bukas pa ang ilaw.

Hindi kasi matahimik ang isipan niya, hindi na niya alam ang dapat niyang gawin. Sigurado kasi siyang pipilitin siya ng Mama niyang bumalik sa Manila sa ayaw at sa gusto man niya. Hindi niya malaman kung bakit simula palang noon, pilit na siyang inilalayo rito sa probinsya. Naramdaman din niya ang unti unting paghihigpit sakanya.

My Summer's GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon