“A man is not old until regrets take the place of dreams.” ― John Barrymore
------------------------------------------
Kasalukuyang nasa mall ngayon si Summer, kasama ang Mama’t Papa niya. Paggising palang niya kaninang umaga ay agad na siyang pinag-ayos ng Mama niya dahil lalabas daw sila para mag-simba, pero dahil maagang natapos ang misa, napag-desisyunan na rin nilang mag-mall muna at mag-ikot ikot.
Wala rin naman kasing tao sa bahay nila ngayon, bukod kay Yaya Bebang niya na nagbabantay do’n. Hindi rin kasi bumisita si Liana o kaya naman si Evan. Si James at Dona naman ay umuwi muna sakanila para makapag-pahinga, ilang araw na rin kasi silang nagaasikaso sa paggawa ng master’s bedroom.
Naalala nanaman bigla ni Summer ang pag-uusap nila ni James kagabi. Hanggang ngayon napapa-isip pa rin siya sa mga kwento at sa mga nalaman niya mula sakanya. Naaalala niya ang itsura ni James nung nagkukwento, sobrang lungkot ng itsura nito. Halata ang panghihinayang at pagsisisi. Kahit sino sigurong ama ay gano’n ang mararamdaman. Nasa bente na ang edad ni Evan at kahit kailan ay hindi niya nasubaybayan ang paglaki ng anak.
Isa lang ang hindi nasagot sa tanong ni Summer―Kung nasabi ng Mama niya kay James na buntis si Risa, bakit pinagpatuloy pa rin niya ang pag-alis niya ng Pilipinas?
Napatingin si Summer sa Mama niya na ngayo’y nag-iikot sa loob at namimili ng damit, habang siya ay naka-upo lamang. Ang Papa niya ay nag-ikot din sa kabilang shop. Nang mapalingon ang Mama ni Summer sakanya ay nginitian siya nito at lumapit sakanya.
“May nagustuhan ka ba? Tell me and I’ll buy it for you, okay?”
Ngumiti at tumango lamang si Summer bilang sagot. Napakunot naman ang noo ni Joan nang mapansin na parang may bumabagabag sa isipan ng anak.
“May problema ba?”
Huminga ng malalim si Summer. Kung hindi siya magtatanong, hindi niya malalaman, “Ma, anong―”
Natigilan si Summer nang biglang may lumapit na saleslady sakanila at iniabot sa Mama ang damit na naka-plastik.
“Teka lang, anak. I’ll just try this on.”
Ngiti lamang na tumango si Summer at tumayo na ang Mama niya para pumasok sa fitting room. Napahinga siya ng malalim. Kung kailan naman naka-ipon na siya ng lakas ng loob na magtanong, do’n naman parang hindi sumasang-ayon ang tadhana.
Naalala niyang bigla si Evan. Hindi pa niya nakikita ang binate ngayong araw. Balita kasi ni Summer ay lumipat na ang mag-asawang si Kamille at Terrence rito, at bumisita si Evan sa bagong bahay nila. Taga-Manila pala kasi si Terrence at napag-usapan ng bagong mag-asawa na dito nalang manirahan. Bibisi-bisitahin nalang daw nila si Risa sa probinsya.
Nagulo ang pag-iisip ni Summer nang bigla na siyang yayain ng Mama niyang lumabas ng shop para hanapin ang Papa niya.
--

BINABASA MO ANG
My Summer's Goodbye
أدب المراهقينNot all stories has its happy endings. But happy endings do exist... for others. Would this be one of the others?