MSG 8

297 8 0
                                        

“You’ve got to take the good with the bad, smile with the sad, love what you’ve got, and remember what you had. Always forgive, but never forget. Learn from mistakes, but never regret.” ― Unknown

------------------------------------------

Paglabas ni Summer ng kwarto niya, naabutan niya ang Mama niyang nasa kusina at naghahanda ng pananghalian nila. Lumingon si Summer sa sala at nakita naman niya ang Papa niyang nanunuod ng TV, saglit itong tumingin sakanya at nginitian siya.

Nilibot niya pa ang mata niya para hanapin ang Lolo’t Lola niya, pero nabigo siya. Pati ang Tita Mina niya at ang pinsan niyang si Jecjec ay wala rito. Mukha namang nahalata ng Mama niyang may hinahanap siya kaya bigla itong nagsalita.

“Umalis silang lahat,” sabi ni Joan habang daretso ang tingin sa hinahain na pagkain, “I told them to go and have fun, para naman makapag-bonding din sila. Masyado silang nagkukulong dito sa bahay.”

Napa-iling nalang si Summer sa sinabi ng Mama niya. Kahit kailan talaga ang hilig mangialam ng Mama niya. Tinignan niya lang siya daretso at tila ba napapa-isip. Bakit parang wala lang sa Mama niya ang mga nangyari kahapon at kagabi? Sinampal siya nito at sa pagkakatanda niya, nasagot din niya ito kagabi pagkauwi niya galing sa bahay nila Evan. Hindi naman sa gusto niyang masermonan nanaman, pero ‘di ba dapat sinesermonan na siya ngayon? Nakakapagtaka.

Hindi na siya nakipag-usap pa sa Mama niya. Kung akala niya gano’n nalang kadali kalimutan ang nangyari tulad ng madalas gawin noon ni Summer, hindi na ngayon. Nagtungo na agad si Summer sa sala at tumabi sa Papa niyang nakaupo sa sofa.

“Good morning, ‘Pa.”

“Good morning din, anak.”

“’Pa, anong meron? Bakit parang may iba kay Mama? Hindi ba siya galit sa’kin?” tanong ni Summer sa mahinang boses.

Natawa ng kaunti si Nel dahil sa tanong ng anak, “Let’s just say your Mom and I talked and she realized a few things.”

Napakunot ang noo ni Summer. Hindi man niya gano’ng maintindihan ang sinabi ng Papa niya, tumango na lamang siya. Maya maya pa’y tinawag na sila ng Mama niya para kumain na ng tanghalian. Ayaw pa nga sana ni Summer pero pinilit na siya ng Papa niya.

“Tara na. May sasabihin kami sa’yo.”

--

Kasalukuyang naghihintay ngayon si Summer dito sa sala ng bahay, kasama ang Mama’t Papa niya. Parehong nakakaramdam ng kaba at takot si Summer.

Napag-usapan nila kanina sa hapag kainan ‘yung tungkol sa pagbalik niya sa Manila. Papayag lang daw ang Mama niyang manatili siya rito sa probinsya sa isang kondisyon―pupunta rito ang doctor niya para sa weekly check-up niya. Pero depende pa rin daw sa doctor kung papayagan pa siyang manatili rito o dapat na siyang bumalik ng Manila.

“Nandito na si Dr. Tiongson.”

Pumasok ang Lolo Lando ni Summer, nakasunod sa likod nito ay ang doctor niya. Kahapon palang daw ay pinatawag na ito ng Mama niya para pumunta rito. Napatingin siya sa orasan, 7AM na at 11AM ang simula ng kasal ni Kamille. Hindi siya pwedeng mahuli.

My Summer's GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon