MSG 9

257 8 0
                                    

“I've learned that things change, people change, and it doesn't mean you forget the past or try to cover it up. It simply means that you move on and treasure the memories. Letting go doesn't mean giving up... it means accepting that some things weren't meant to be.”  ― Lisa Brooks

------------------------------------------

Dumilat si Summer mula sa pagkakatulog. Nagising siya hindi dahil sa ingay ng mga manok na nagtitilaukan sa labas, hindi dahil sa ingay ni Jecjec habang naglalaro at hindi dahil sa katok ng Lolo Lando niya para yayain siyang kumain ng umagahan, kundi dahil sa nakakabinging katahimikan ng kwarto niya.

Napahinga siya ng malalim, tinanggal ang kumot, umupo, umunat at pinunasan ang matang may muta pa. Tumayo siya mula sa kama at nagtungo sa bintana. Sumilip siya rito at hindi na sinag ng araw ang bumungad sakanya kundi matataas na building at bahay, mga batang naglalaro sa labas at usok mula sa tambutso ng dumadaan na sasakyan.

Sinara ni Summer ang kortina ng bintana at inilibot niya ang mata niya sa kwarto―ang kwarto niya. Ang nakakabinging katahimikan ng kwarto niya na tanging aircon lamang ang maririnig. Hindi ang ingay ng mga manok, hindi ang ingay ni Jecjec, hindi rin ang ingay ng katok ni Lolo Lando.

Ito ang dalawang linggo na niyang pilit na tinatanggap―na nasa Manila na siya.

Bago siya lumabas ng kwarto ay napatingin siya sa kalendaryong nakasabit sa pader. April 21. Napa-iling na lamang siya at lumabas na ng kwarto, saka nagtungo sa kusina. Bumungad sakanya ang Mama’t Papa niyang nakaupo na sa hapag kainan at ang Yaya Bebang niyang paikot ikot sa kusina.

“Ma’am, magandang umaga po. Ihahanda ko lang po ‘yung pagkain niyo.”

Umiling si Summer, “’Wag na. Hindi ako gutom.”

Naupo si Summer sa hapag kainan. Kumakain na ang Mama’t Papa niya habang siya ay nagsasalin lamang ng tubig sa baso at ininom ‘to.

“Kumain ka kahit konti lang, anak.” sabi ng Mama niya.

“Kakain ako kung gutom ako,” muling tumayo si Summer, “Maliligo lang ako.”

Bumalik sa taas si Summer at pumasok ng kwarto niya, sa CR niya do’n siya maliligo. Simula nang makabalik dito si Summer, isang beses palang niyang nakausap si Liana sa chat at hindi na nasundan pa dahil naputulan daw sila ng internet. Minsang tumawag si Liana sakanya, at hindi pa sarili niyang number ang ginamit kundi nakitawag pa sa kapitbahay nito dahil daw nasira ang phone niya.

Nagsisimula na nga siyang magtampo sa kaibigan. Alam naman kasi ni Liana na sobrang bagot na bagot na si Summer dito bahay nila. Pakiramdam nga ni Summer ay mamamatay na siya kung magtatagal pa siya rito ng isa pang araw.

Wala na siyang balita kila Risa, Jecjec, Lolo Lando at Lola Rose.

Wala na siyang balita kay Evan.

--

Matapos maligo ni Summer ay nanatili lang siya sa kwarto niya. Nakaupo sa bintana niya at pinagmamasdan lang ang mga batang naglalaro ng patintero at Chinese garter. Pakiramdam ni Summer ay napakatamad niya ngayong araw, wala siyang ibang gustong gawin kundi magkulong lang sa kwarto niya. Sinusubukan kasi niya munang lumayo sa Mama’t Papa niya, ang bilis kasing uminit ng ulo niya ngayon, lalo na pag kausap niya ang Mama niyang walang ibang inisip kundi ang sarili niya. Wala pa rin itong pagbabago.

My Summer's GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon