MSG 15

331 7 3
                                    

“Sooner or later we all discover that the important moments in life are not the advertised onesnot the birthdays, the graduations, the weddings, not the great goals achieved. The real milestones are less prepossessing. They come to the door of memory unannounced, stray dogs that amble in, sniff around a bit and simply never leave. Our lives are measured by these.” ― Susan B. Anthony

------------------------------------------

Nag-boluntaryo si Liana na siya muna ang magbabantay kay Summer ngayon dito sa ospital. Nung una nga’y nagdadalawang isip ang magulang ni Summer pero sa huli ay pumayag din sila. Mabuti na rin ‘yon para makapag-pahinga sila ng kaunti tapos ay babalik din sila agad dahil hindi pupwedeng pabayaan ngayon si Summer.

Malungkot ng tinignan ni Liana si Summer, na ngayon ay tahimik na natutulog. Hindi maitatago sa itsura ni Summer ang pagkapagod nito kahit na tulog. Mapapansin din sa buhok niya na unti unti na itong numinipis dahil ang ilang hibla ng buhok niya ay nalalagas na gawa ng chemotheraphy. Namumutla siya at ang labi niya ay walang kulay. Ibang iba ang itsura ngayon ng matalik niyang kaibigan, ibang iba sa dating Summer na nakilala niya noon mga bata pa lamang sila. Wala na ang matamis niyang ngiti at maski ang mata niyang puno ng buhay noon ay wala na rin.

Hinawakan ni Liana ang kamay ni Summer. Kung hindi lang dahil sa tibok ng puso ni Summer at sa paghinga niya ay iisipin mong wala na siyang buhay dahil sa lamig ng kamay niya.

Napa-bitaw si Liana sa kamay ni Summer at agad na pinunasan ang luha niyang nakatas, nang marinig niyang bumukas ang pintuan ng kwarto. Nakita niya si Evan na pumasok, kasama si Kamille. Ngiti ang binate ni Liana sa magkapatid nang makapasok sila. Nag-kwentuhan sila ng kaunti hanggang sa dumilat si Summer at niyaya ni Kamille si Liana na lumabas muna para maiwan si Evan at Summer.

Nung una ay hindi makalapit si Evan. Nanatili lang siyang nakatayo, ‘di kalayuan sa kamang hinihigaan ni Summer.

“Evan, may sakit ako pero hindi kita hahawaan.” pagbibiro ng dalaga.

“How can you even joke about your condition, Summer?”

Lumapit si Evan kay Summer at hinawakan ang kaliwang kamay nito saka hinalikan si Summer sa noo. Napa-ngiti lamang si Summer. Pakiramdam niya ay ligtas siya sa tuwing gagawin ni Evan ‘yon sakanya.

“Masyado ka namang seryoso.”

“Hindi ko lang kasi malaman kung pa’no mo nagagawang maging masaya. I can’t even smile seeing you on that bed.” naiinis na sabi ni Evan.

“Look, Evan. Kung may dahilan para malungkot, mas maraming dahilan para maging masaya. Nasa tao na ‘yon kung pipiliin niyang ilibing ang sarili niya sa lungkot,” naka-ngiting sabi ni Summer, “Kaya ngumiti ka na, okay?”

Napahinga ng malalim si Evan at saka pilit ng ngumiti. Natawa na lamang si Summer dahil sa itsura ng binata. Maya maya pa’y tumayo si Evan at may kinuha sa lamesa at saka bumalik kay Summer. Hindi makita ni Summer kung ano ‘yon dahil nakatalikod ito sakanya, pero sigurado si Summer na isa iyong frame.

Bago iniharap ni Evan ang frame ay ngumiti muna siya. Nang iharap ni Evan ang frame, manghang mangha si Summer sa nakita niya. Muntik na rin siyang maluha sa tuwang makita ‘yon.

My Summer's GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon