MSG 7

286 8 1
                                    

“When life gives you a hundred reasons to cry, show life that you have a thousand reasons to smile.” ― Unknown

------------------------------------------

“Summer, gising na,” napadilat ng isang mata si Summer at nakita niya ang Papa niyang ginigising siya, “Mag-uusap tayo ng Mama mo.” sabay labas ng kwarto.

Paglabas ng Papa niya ng kwarto, napapikit siyang muli. Sobrang inaantok pa talaga siya dahil hirap na hirap siyang makatulog kagabi sa dami ng iniisip. Pakiramdam nga niya ay kakapikit lang niya nung gisingin siya ng Papa niya. Marami pa siyang iniisip, marami pa siyang pinoproblema, tapos ngayong kaaga aga, mag-uusap agad sila ng Mama niya.

Napahinga siya ng malalim nang bumangon siya. Ramdam na niyang hindi magiging maganda ang simula ng araw niyang ‘to.

Paglabas niya ng kwarto papunta sa sala ay nakita niya ang Mama’t Papa niyang nakaupo doon, mukhang hinihintay talaga siya para masimulan na ang pag-uusap. Ngayon lang din niya napansin na mula sa bintana ng bahay ay madilim pa. Madaling araw palang pala. Lalo tuloy siyang nagtaka kung bakit ginising siya ng ganitong oras. Hindi ba pwedeng ipagmamaya nalang ang pag-uusap?

“Masyado atang maaga para mag-usap―”

“Hindi na tayo mag-uusap,” pag-singit ng Mama niya, “Uuwi na tayo, Summer. You’re going home whether you like or not.”

Nanlaki ang mga mata ni Summer, masyadong biglaan. Lumingon siya sa Papa niyang tahimik nanaman sa isang tabi. Tinignan niya lamang siya na para bang humihingi ng tulong, na pigilan niya ang desisyon ng Mama niya. Magkakampi sila ng Papa niya pero bakit lagi nalang siyang hindi makapagsalita sa mga ganitong sitwasyon? Bakit lagi nalang siyang nananatiling tahimik sa isang tabi? Ugali ‘yan ng Papa niya―ang manahimik at saka nalang siya kakausapin pag wala na ang Mama niya.

“Pero ayokong umuwi,” agad na reakto ni Summer, “’Pa, ayokong umuwi!”

“Uuwi ka, Summer. Ako ang masusunod dito.” matigas na sabi ni Joan.

“Hindi, ‘ma! Ako ang masusunod dito ngayon!”

Bakas hindi lang sa mukha ni Joan at Nel ang pagkagulat, kundi pati rin kay Summer. Ngayon lang siya nagtaas ng boses ng ganito sa magulang niya. Hindi nalang talaga siya makapagtiis at kung walang magsasalita para sakanya, siya na lamang mismo ang magsasalita para sa sarili niya.

“’Ma, buong buhay ko, ikaw nalang lagi ang nagdedesisyon. Ni minsan hindi mo ako pinakinggan o tinanong man lang kung masaya ba ako sa mga desisyon mo para sa’kin. This time, ‘ma, I won’t allow that to happen.”

“Are you hearing yourself, Summer?! This is exactly why I do what I do! Ako ang nakakaalam ng kung anong mas makakabuti sa’yo! Because obviously, you’re only exposing yourself to more danger!” galit na galit na sabi ni Joan sa mataas na boses.

“E ano bang gusto mong gawin ko? Magkulong sa kwarto? ‘Wag lumabas ng bahay? ‘Ma, hindi ako tanga! Alam kong hindi biro ‘tong sakit ko!” sinubukang pakalmahin ni Summer ang sarili bago nagpatuloy, “I’m not exposing myself to more danger, I’m just giving myself a chance to be happy one last time. Hayaan niyo naman sana akong sumaya sa gusto ko, ‘ma, kahit ngayon lang.”

My Summer's GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon